Chapter 6

94 4 0
                                    

CHAPTER 6

Gumaan ang pakiramdam ko matapos kong mag-shower. Napapangiti ako habang naiisip na nandiyan lang sa labas si Tristan. Parang kailan lang, pangarap lang kita ngayon nagkaroon na ng katuparan. The thought is sending me shivers inside. Medyo nabibilisan din ako sa mga pangyayari pero mas nag-uumapaw ang tuwa sa puso ko na maipaparamdam ko na sa kaniya ang pagmamahal na matagal kong inalagaan sa puso ko. I am so blessed to be given this chance and I will do my best not to waste it. I will do anything to make him fall in love with me.

Bakit pa ako magpapakipot kung ito naman talaga ang ginusto ko ever since. Kung hindi niya man ako mahal o naglalaro lang siya, wala na akong pakialam. Sa ngayon, I just want to savor the moment. I will try my very best para matutunan niya din akong mahalin.

Ang sabi niya hindi siya magsasawa sa akin, pero sa pisikal na aspeto iyon. Paano kung dumating din ang araw na magsawa na siya sa akin at makahanap na ng iba. For sure, masasaktan ako pero maigi ng masaktan kasi kaakibat talaga ito pag nagmamahal ka. Matagal na akong handa para sa sakit. Noon na hindi ko pa siya abot kamay. Ngayon pa ba na nandito na siya, lahat naman ng nagmamahal nasasaktan. Magkagayon man ay masaya na akong babaunin ang mga alaala kasama na ang magiging anak namin kapag nagkataon.

Hays, ang morbid naman ng mga naiisip ko. Nagsisimula pa lang ay pinangungunahan ko na. Just live in the moment, i chanted myself many times. Kasi kapag palagi nating pinaiiral ang negativities, mai-spoil din natin ang happiness natin.

Sa banyo na ako nagpalit ng mga damit ko, nahihiya ako sa labas kasi nandoon si Tristan. Kahit nakita niya na lahat ay mahirap na baka kung saan na naman humantong. Kanina pa ako nagugutom, kumukulo na din ang tiyan ko. Nagsuot ako ng sando at maigsing short na kumportable habang ibinalabal ko naman ang tuwalya sa buhok ko para madaling matuyo. I look at myself in the mirror, I can feel satisfaction and tama nga sila pag in-love nagiging blooming daw tayo.

Pagkalabas ko ay naririnig ko si Tristan na nasa kusina at mukhang hinahanda na ang mga pagkain. Agad kong nalanghap ang bango ng pagkain. Matapos kong suklayin ang mahabang buhok ko ay tumulak na ako papuntang kusina. I admired him more. He looks so hot doing it. Parang walang dull moment sa kaniya. Lahat ng ginagawa niya nag-i-standout siya lagi. Ang daya naman, effortless.

"Wow ang sarap naman." Tuwang tuwa kong saad matapos makita ang mga nakahain. Pancit, fried buffalo wings, barbeque at may pichi-pichi pa at leche flan. Nanunubig ang bagang ko sa nakikita, mukhang mapaparami ako ng kain nito.

"Mas masarap ka pa sa mga iyan, babe." Humakbang siya palapit sa akin at hinalikan ako sa labi. "Hmm, you have the sweetest lips I've ever kissed." Sabay kindat. Napalunok ako sa sinabi niya, ang galing talaga mambola.

"Gutom lang iyan. Kain na tayo, kanina pa nagugutom si—." Bigla akong natigilan at napatingin sa expression niya, mukhang inaabangan din ang sasabihin ko. "I mean ako." Muntik na akong madulas doon ah.

"Okay." Ipinaghila niya ako ng upuan matapos ay tumabi siya sa akin. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko matapos ay ang kaniya naman.

Agad naming nilantakan ang mga pagkain. Lahat masasarap, panay ang subo niya sa akin kahit sinasaway ko. Kaya ginaya ko din siya at ako naman ang nagsusubo sa kaniya. He is so sweet. Ngayon pa lang mas lalo na akong nai-inlove sa kaniya.

"Kumain ka ng madami babe para tumaba ka."

"Baka hindi mo na ako magustuhan pag tumaba ako." Sagot ko naman.

"Nope, hinding hindi iyan mangyayari babe." Final niyang sagot.

Matapos naming kumain ay siya na din ang nag-presinta na maghugas. "Sige ka, mamaya niyan masanay ako."

One Sweet Night [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon