Chapter 17

82 4 0
                                    

CHAPTER 17


Okay so this is the time. Napagdesisyunan ko ng sabihin ngayong araw ang tungkol sa pagbubuntis ko kay Tristan at aaminin ko na din na matagal ko na siyang minamahal. I did deep breathing numerous times to relax myself and lessen my anxiety.

Kinakabahan talaga ako ewan ko ba. I can feel something na hindi ko mawari. Wala lang 'to Yanna. You can do it! Pagpapalakas ko sa sarili ko.

After kong makapag-gayak ng mga 5PM ay naisipan ko ng pumunta sa meeting place namin ni Tristan ng mas maaga dahil na din nga sa ipagtatapat ko. Ayaw ko na itong patagalin pa at gusto ko na agad matapos ito bago pa ulit mawala ang inipon kong lakas ng loob.

Pagdating doon ay madali na lang akong nakapasok dahil sa VIP card na ibinigay sa akin ni Tristan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang nagmamay-ari sa pamoso at prestihiyosong City of Lights na ito. Sobrang yaman niya talaga. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa kagandahan ng lugar kahit second time ko ng makapunta dito.

I went directly to his penthouse. Nakabukas ang pinto na ipinagtaka ko. Papasok na sana ako kaso narinig kong parang may nag-uusap sa loob kaya bahagya muna akong sumilip sa may siwang ng pintuan.

Nakita kong nakaupo sa may couch si Tristan kaharap ang isang lalake. Hindi ko siya makilala dahil nakatalikod siya sa akin. Aalis na sana ako kaso napatda ako sa pinag-uusapan nila.

"Balita ko nahuhumaling ka daw sa isang babae?" Ani ng lalakeng kausap ni Tristan.

"Eh ano naman ngayon Vergara?" Balik tanong naman ni Tristan. Vergara, ah si Liam pala ang kausap niya.

"What the fuck pare, paano na iyong first love mo na sinabi mong mahal mo at dahilan ng pagbabalik mo?" Seryosong tanong ng kaibigan niya.

Para akong itinulos sa kinatatayuan sa narinig ko. Nakaramdam ako ng sobrang kirot sa puso ko sa narinig ko. First love? May mahal na siyang iba? Imposibleng ako iyon kasi ngayon lang kami nagkakamabutihan.

"At kahapon I saw you with her. You look so happy." Panunumbat pa ng kaibigan niya.

Sobrang sakit. Iyon ba ang dahilan kaya sinabi niyang hindi siya matutulog sa unit ko kagabi? Dahil pala nagkita sila ng first love niya? At ako? Ano na ako ngayon sa kanya na bumalik na pala talaga ang babaeng nagmamay-ari sa puso niya? Kahit nasasaktan na ay hindi ko pa rin magawang umalis sa kinatatayuan ko at patuloy pa ring nakinig sa usapan nilang dalawa.

"Hindi pa rin nagbabago. I still love her and I will marry her." Rinig kong sagot ni Tristan.

Parang tumigil sa pag-inog ang mundo ko sa narinig ko sa kanya. So, all this time pinaglalaruan lang pala niya ako? Ginawa niya lang pala akong pampalipas ng oras? At malamang kaya niya ako pinapapunta ngayon dito para makipaghiwalay kasi nahanap niya na ang lintik niyang first love. Tangina ang swerte naman ng babaeng iyon na dahilan ng pagkadurog ng puso ko ngayon.

"So paano na iyong isang babae?"

"Nothing." Tristan answered shortly.

"So wala lang pala sa iyo iyong babaeng iyon? Akala ko talaga pinagpalit mo na si-"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng kaibigan ni Tristan. Ayaw ko ng malaman kung sino ang babaeng iyon dahil mas lalo lang madadagdagan ang sakit. Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon kasabay ng walang habas na pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.

I never expected na iyong lugar na nagdulot sa akin ng matinding kaligayahan ay siya ding lugar na magdudulot pala sa akin ng matinding kabiguan.

All this time kaya pala he never said that he loves me dahil may mahal naman pala siyang iba and I am just nothing to him pala. But he is my everything. Singit ng tangang utak ko. Ang sakit sakit ng feeling na mapaglaruan at sobrang tanga ko kasi umasa ako.

One Sweet Night [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon