Chapter 18

96 3 0
                                    





CHAPTER 18


Two Years After

"Ano na Yanna nakapagdecide ka na ba?" Seryosong tanong sa akin ni Nica habang karga karga niya ang anak niyang si Zynara. Isang taon at kalahati na din siya katulad ni Caleb, my little prince. Carbon copy siya ng ama niya kaya tiyak madami ding paluluhain paglaki ang aking munting ginoo.

"Natulala ka na dyan, hays!" Iritadong sita ni Nica sa akin.

"Masyado kang hot nag-iisip pa nga ako." Yamot ko sa kanya.

"Wow hanep ah, FYI po madam 1 week nang iyan ang lagi mong sagot. Ewan ko sa iyo. Sandali nga at ipupunta ko na sa kwarto itong si Zyn at nakatulog na pala." Paalam niya sa akin.

Hays sa totoo lang medyo nag aalangan pa rin kasi ako kung itutuloy ko nga ba ang plano kong pagbabalik sa Pinas. Kaya ko na nga ba siyang harapin ulit? Pero for the sake of Caleb Yanna! Apela ng utak ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na dalawang taon na pala ang lumipas mula ng mangibang bansa ako. Lungkot na lungkot ako noon pagdating ko dito. Nandito man ako but his memories, our memories together always haunt me. Kahit anong sakit ang naramdaman ko dahil sa kanya hindi ko pa rin magawang magalit ng tuluyan sa kanya lalo na at biniyayaan ako ng napaka-cute na anak. How I love him, mas mahal ko pa siya kaysa sa sarili kong buhay. Kahit anong hirap at pagod ko lahat ng iyon napapawi dahil sa aking munting supling.

At ngayon kailangan kong manindigan para sa kanya. Karapatan niyang makilala ng ama niya. Dati natakot ako kasi akala ko masisira ko ang pamilyang plano niyang buuin pero lately ko lang nalaman na hanggang ngayon single pa rin siya. Nali-link siya sa iba't ibang babae pero at least not yet married. Wala naman pala akong masasagasaang pamilya. Katangahan ko kasi dati at ginusto kong i-cut off lahat ng tungkol sa kanya sa takot na mas lalong masaktan disin sana ay matagal na silang nagkakilalang mag ama.

I've been so selfish at nadamay pati ang walang kamuwang muwang naming anak. Isang taon at kalahati ng buhay niya ay hindi nalaman ng ama niya na "hello may anak ka na po." Mabuti na lang at paulit ulit akong sinesermunan ni Nica na "face your problem" kaya ayon at nagkalakas loob din akong i-search kung ano na bang nangyari sa kanya sa mga nakalipas na taon at lately ko nga nalaman na wala naman palang kasalang nangyari.

At ngayon nga ay pinipilit ako ni Nica na bumalik ng Pilipinas at sabihin dito ang tungkol sa anak namin. Iyon naman talaga ang plano ko kaso nababahag na naman ang buntot ko. Palibhasa ang babaeng iyon ay maayos na ang lovelife. Akalain mo iyon sa huli sila pa din ng tatay ng anak niya. Nagpaliwanag na ito sa nangyari dito noon at sinuyo siya nito ng matagal tagal din bago niya tuluyang napatawad.

Katunayan niyan ay kasal na ang mga ito sa hwes pero balak nilang magpakasal ulit sa Pinas next month kaya ayon todo pursige siya sa akin para umuwi na dahil alam ko naman hanggat maaari ay ayaw niya akong iwanan dito sa Canada pag nag-settle down na sila doon.

Sa totoo lang maayos na din naman ang buhay namin ng anak ko dito. Habang buntis noon ay kami ni Nica ang pinag-manage ng tita niya sa isang restaurant nila dito na ikinagalak ko naman dahil malapit talaga ako sa mga resto dahil sa business ko sa Pinas. And speaking, sa awa ng Diyos kahit through chat, video calls at e-mails lang ang naging means of communication namin ni Rina sa business ko ay patuloy naman ang pag-unlad ng resto-cafe ko, sa ngayon ay may 3 branches na ako sa buong siyudad ng Maynila.

Laking pasasalamat ko talaga kay Rina dahil diyan at hiyang hiya na din ako sa kanya sa tagal kong nawala. Kapag hindi pa daw ako umuwi ngayong taon ay tuluyan na daw siyang magtatampo sa akin. Mas lalo tuloy akong nakonsensya. Tama! Uuwi na talaga ako. Kung meron mang aral na naituro sa akin ang motherhood, iyon ay ang pagiging matapang at matatag. Kahit anong hirap ng pagbubuntis at panganganak ay nakayanan ko naman.




One Sweet Night [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon