Chapter 8

74 4 0
                                    

Warning: SPG content (Not suitable for very young readers. Read at your own risk.)

CHAPTER 8

"Hay sa wakas natapos din akong magluto." Natutuwa at excited kong sambit. I took one lumpia and tasted it. Medyo napaso ako dahil mainit init pa pero nevertheless it's worth it. It tastes heavenly. Nakuha ko ang lasa ng niluluto ni Mommy before. "Ang galing galing, pwede na akong mag-asawa!" Parang timang pero proud kong kausap sa sarili.

I am so happy yet excited and nervous at the same time. Ang gulo, halu-halo ang nararamdaman ko ngayon kasi ang puso ko nag-i-expect. Gustuhin ko mang huwag umasa ay hindi ko magawa, nagsabi siya kanina na uuwi siya dito kaya ito todo effort ang kagandahan ko.

Maging ang adobong manok ay tinikman ko and gladly, pasok din sa panlasa ko. Mabuti na lang at namana ko ang pagiging talented ko sa kusina kay Mommy. Hind ko maiwasang mapa-buntong hininga sa tuwing naiisip ko sila Mommy and Daddy. Miss na miss ko na talaga sila. Iba pa rin ang pag aaruga ng isang tunay na magulang.

With them, you can show your weakness and vulnerability. Kahit anong mangyari sila ang pinakaunang tatanggap at uunawa sa iyo sa kahit na ano pa mang bagay. I learned to be tough and independent mula ng maulila ako, higit sa lahat ayaw ko na din na puro pity ang maramdaman sa akin ng mga ibang tao.

Nabalik ako sa kasalukuyan ng maalala na parang may kulang pa. Ahm, alam ko na gagawa ako ng sawsawan. Gusto ko ng suka na may bawang, sibuyas at paminta. Pagkatapos kong makagawa ng sawsawan, ramdam kong kumukulo na ang tiyan ko kaya kumain muna ako ng kaunti.

I ate fruits after para healthy si baby. Hinaplos ko ang tiyan ko at sabay bulong ko sa anak ko ng, "be alaways good to Mommy, baby." Sa totoo lang sobrang ina-anticipate ko na ang pagdating niya. "I can't wait to see you my baby."

Pumunta ako sa living room matapos mailigpit ang mga ginamit ko sa pagluluto at hindi ko namalayang naka-idlip na pala ako doon.

Hindi pa sana ako magigising kung hindi lang dahil sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ko. Tinatamad kong inabot ito sa may center table. "Hello." Sabi ko na halatang galing sa pagtulog ang boses.

"Hi babe, sorry if I wake you up." Saad ng baritonong boses sa kabilang linya. Bigla akong napabangon sa sofa at nagulantang.

"No, it's okay. Nasaan ka na?" I heard him chuckled on the other line. Huli na ng mapagtanto ko ang implication ng tanong ko. Mukha akong misis na ini-imbestigahan ang kanyang mister. Bigla tuloy nag-init ang magkabila kong pisngi.

"I'm here already, babe. Could you please open the door." Magiliw niyang sabi sa akin.

Mabilisan kong inayos ang sarili at pinagbuksan siya. Agad kumabog ng malakas ang dibdib ko noong sinalubong niya ako ng ngiti. Dire-diretso siyang pumasok sa loob at niyakap ako habang ang isa niyang kamay ay mabilis na sinarado ang pintuan.

"I missed you." Bulong niya sa akin. Mahigpit niya akong niyakap at matapos ang ilang sandali, he cupped my face then kissed me torridly on the lips. Mapusok kong tinugon ang halik niya. Wala pa siyang balak tumigil kung hindi pa kami pinangapusan ng hininga pareho.

"That was hot." Komento niya tapos kinindatan ako. I can't help not to blush, abot- teynga din ang ngiti ko dahil parang may humaplos sa puso ko.

"I missed you too."Mahinang bulong ko sa kanya pero sapat na para marinig niya. He held my hand habang nakangiti.

Iginiya niya ako sa sofa at umupo kami doon. Niyakap niya ako habang sinasamyo ang buhok ko, he even kissed my forehead. "Kumusta ang araw ng babe ko?" Maya maya ay tanong niya sa akin.

"Heto okay naman, nothing special naglinis at nagluto lang."

"But you are very special to me." Sabay smack niya sa lips ko. Hindi ako naka-huma sa sinabi niya, parang may mga paru-parong naglipana sa tiyan ko. Ang lapad ng ngiti ko. Wow, ang haba ng hair ni inday.

One Sweet Night [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon