"Anong ibig mong sabihin, grandma?" Kunot ang noong tanong ng lalaki kay Lola.
Palihim ko siyang inirapan ng gumawi ang tingin nito sakin. Nakabalik na ako mula sa pagkakagulat ng tuluyang makababa si Lola Telia sa napakahabang hagdan. Nasa likuran ni Lola Telia ang isang lalaking napakapormal ng pananamit.
Mukha siyang mayor o politiko na tatakbo sa kandidata dahil sa suot niya kasama pa ang nakagel niyang buhok. Kung pagbabasehan ay nasa 34-35 lang ang edad niya magkaedad lang yata sila ng hambog na lalaking kasama ko.
Imbis na sagutin siya ni Lola Telia ay bumaling ang nakangiting mukha sa kanya ng matanda. "It is nice to see you again, Maria!"
Magiliw na inabot ng matandang babae ang nanlalamig kong kamay. Nanatili akong nakatanga sa kanya. Ibang iba siya sa Lola Telia na natagpuan ko noon sa gilid ng bangketa. Ibang iba sa Lola Telia na dinala ko sa bahay at pinakain.
Mas mukha siyang Donya sa klase ng pananamit niya ngayon. Nakakasilaw sa paningin ang mga alahas na nakasabit sa kanyang katawan na para bang pinamumukha sa aking hindi ko afford ang gano'n kagandang alahas. Sumasakit lalo ang sindito ko sa nakikita ko.
"L-lola Telia?" Paninigurado ko. Tumaas baba ang tingin ko sa kanya sinusuri ko siya nga ba talaga ang nasa harap ko ngayon.
"It's me, hija"
Bago pa siya makahuma ay mabilis na niyakap ako ni Lola Telia. Saglit na nag-malfunction ang utak ko sa gulat. Seryoso namang nakamasid ang dalawang lalaki sa moment nilang dalawa ng matanda. Parehong blanko ang kanilang ekspresyon. Ang weird nila pareho.
Amoy baby powder si Lola Telia. Ang weird naman ng pamango niya parang johnson ang gamit niyang pabango. Sa yaman ba naman niyang ito ay afford na afford niyang bumili ng kahit ilang libong bote ng victoria secret na palagi kong nakikita kay Valeria.
Pinapainggit pa nga niya samin ni Marisol na amoy victoria siya e pangcraklings lang naman ang kaya ng babaeng yon.
"Namiss kita, hija. Dalawang araw palang tayong hindi nagkita pero namiss na kitaagad. Lalo na ang Nanay mo at ang dalawa mong kapatid. Kamusta na sila? Maayos lang ba ang lagay nila? Ikaw? Ayos ka lang ba?" Sunod sunod na usisa sa kanya ng matanda.
Humawak ito sa magkabilang balikat niya saka siya sinuri ng maiigi. Pilit na ngiti ang sinukli ko sa kanya.
"A-ayos lang po ako, Lola Telia."
"Ohh that's good to hear, hija."
"I-ikaw po ba ang nagpakidnap sakin?" may kabang tanong niya. Saglit itong natigilan sa kanyang tanong maya maya'y tumango ito.
"Sorry for that, Hija. Your right, ako nga ang nagpakidnap sayo. Dont worry hindi ka naman nila sinaktan diba? Wala na kasi akong maisip na paraan para makita ka ulit kaya't pinautos ko rito kay Gaze na kunin ka sa inyo"
Inakbayan siya ni Lola Telia saka hinila paupo sa mahabang sofa. Nakasunod ang tingin ng apo ni Lola Telia sa amin. Malamig ang ekspresyong nababasa ko sa kanyang mata. Kasing lamig ng mga yelong nilalagay ko sa isda sa palengke.
"A-ayos lang po. N-nag-aalala nga po kami ni Nanay sa nangyari sayo. Akala ko po kung may nangyari ng masama sa inyo. Pinahanap po kayo ni Nanay ng bigla kayong nawala samin."
Pagkukwento ko. Totoo naman yon. Labis ang pag aalala naming dalawa ni Nanay ng mawala si Lola Telia. Buong akala pa naman namin kung may nangyari ng masama sa kanya. Nagpasama pa nga ako kay Juday na pumunta sa presinto para makibalita kung nahanap na ba nila si Lola.
Kaso nga lang ang resulta ay wala daw silang nahanap. Nanatiling blanko ang kaso sa paghahanap kay Lola kaya bigo kaming nakauwi ni Juday.
"Pagpasensiyahan mo na, iha"
YOU ARE READING
Palengke Series 2: Touch Me, Ms.Isdalia
General Fiction"How can I love a man like you if at first you made me feel that I didn't deserve to be loved. You broke me, Rhett. And you will do it again and again until I am exhausted" -Maria Isdalia