8

57 5 0
                                    

"Magandang hapon po, Lola. Gusto niyo daw ho akong makausap?" magalang na bati ko kay Lola Telia ng papasukin ako ni Butler Gaze.

Nakaupo si Lola Telia sa harap ng malapad na flatscreen Tv habang nagta-tsaa. Nasa tagiliran nito si Charie na siyang may hawak ng Baso at platito.

Sinensan ako nitong umupo na agad ko ring sinunod. Dumiretso si Kuya Gaze sa likuran ni Lola Telia.

"Gusto mo ba ng tsaa o kahit ano, hija?" Binalingan siya ng tingin ni Lola Telia matapos nitong ilapag sa ibabaw ng mesa ang tasa.

"Hindi na po, Lola. Kumain na po ako kasama ng nga kaibigan ko"

Magalang na tanggi ko sa kanya sabay iling. Lumitaw ang biloy sa kanang pisngi nito ng ngitian ako ni Lola Telia.

"You've got a bunch of friends."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Opo, bali pito po kasi kaming magkakaibigan at pareho po kaming nagta-trabaho sa palengke."

Ang totoo niyan ay kagagaling ko lang sa palengke ng
sunduin ako ng mga tauhan ni Lola Telia dahil gusto raw ako nitong makausap. Naabutan pa nilang kumakain kami ng lumpiang saging na luto ni Moymoy kanina.

Agaw pansin pa naman sila dahil sa suot ng nga body guards ni Lola Telia na akala mo'y sasabak sa gyera. Pati mga kostumer ko kanina ay di maiwasang matakot ng makitang may dala dala ang mga ng baril. Buti nalang at nag-ekspleka muna ako bago nag-churva rito.

Tumutok ang mata ko kay Lola Telia ng senyasan nito si Kuya Gaze at Charie na umalis. Nginitian ko sila pareho ng tanguan ako ng mga ito saka umalis. Mukhang mapapasabak ako sa kaseryosohan ng mukha ni Lola.

Nang makaalis ng tuluyan sila Kuya Gaze ay hinarap ako ni Lola Telia.

"Tatapatin na kita, Maria." Panimula ni Lola. "Tungkol sa mga sinabi ko sayo noong nakaraang araw ay seryoso ako roon."

"Ikaw ang napili kong pamamanahan ng aking yaman. Alam kong hindi ito basta basta pera lang kundi lahat ng ari-arian at negosyo ko'y mapapasayo." May dinukot ito mula sa likuran ng inuupuan nito.

Isang kulay brown na envelope.

Binuksan iyon ni Lola saka nito kinuha ang bondpaper na nasa loob niyon na sobrang liit ng mga letrang nakasaad sa papel. Nilapag nito ang bondpaper sa harap ko.

Mapapasabak yata ang ilong ko sa english-an!

"Nasasaad sa papel na ito ang lahat ng pera, ari-arian, bahay at lupa at mga negosyo ko, Maria. Ikaw ang magmamana ng lahat ng ito" sinseryong ani ni Lola Telia sa akin.

Hindi ko maiwasang mapalunok sa lahat ng sinabi niya. Muntik na akong mahilo sa manang sinasabi niya.

Jusko lord! Sobrang yaman niya!

Tinaas ko ang kanang kamay bilang pagsuko. "S-sandali lang ho, Lola Telia"

Kumunot ang makinis nitong noo sa aking tinuran.

"B-bakit ho ako? Hanggang ngayon nagtataka ho ako kung bakit ako ang gusto niyong manahan ng g-ganito kalaking pera't mga ari-arian niyo, e hindi niyo naman po ako gano'n kakilala hindi ba? Hindi po ba madyadong mabilis ang sinasabi niyo, Lola Telia"

Napaayos ako ng upo ng tumayo si Lola Telia saka ito naglakad palapit sa aking inuupuan sana umupo sa aking tabi. Hinawakan ng malamig nitong kamay ang kamay ko. Napangiwi ako roon.

Shucks! Amoy isda pa naman ang kamay ko. Tumimba lang ako kanina sa poso para ipanghugas ng kamay ni hindi man lang ako nakapagsabon kanina.

"I'm very sure for my decision, Isdalia. Ikaw ang napili kong manahan ng aking yaman." Napakunot ang aking noo ng bumuntong hininga ito na tila nahihirapan.

Infernes ang bango ng hininga ni Lola Telia.

Nakatingin lang ako kay Lola Telia ng humugot ito ng malalim na hininga saka siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sa totoo niyan, hija. Matagal na kita pinasusubaybayan. Mahigit dalawang taon ko naring pinaiimbestigahan ang buhay mo. Sa bawat araw na nagtitinda ka ng isda sa palengke hanggang sa pamilya mo. Hindi mo lang napapansin 'yon dahil nasa malayo lang akong nakatanaw sayo. Nakabantay sa bawat pagtrabaho mo araw-araw."

Nagulat ako sa binunyag ni Lola Telia.

"Inutusan ko si Gaze na pasubaybayan ang bawat galaw mo at lahat ng impormasyong nakakonekta sa buhay mo. Pati na ang mga backround na kaibigan mo, hija. Lahat  na tungkol sa buhay mo ay alam ko, sa tulong ng kayamanang mayroon ang pamilya Salazar. Kaya ikaw ang napili kong pamanahan ay dahil nasisiguro kong mapagkakatiwalaan kita sa lahat ng ito."

Napatingin ako sa mga mata ni Lola Telia. Hindi ko alam kung bakit wala akong mabasang kung ano roon kundi puro kaseryosohan. Masyado na akong nakumbinse sa mga sinabi niya at nagulat sa imposmasyong matagal na ako nitong pinasusubaybayan.

Ibig sabihan ay totoo ngang may mga matang nakatutok sa akin noon at hindi ako napaparanoid lang?

Marami nga akong dapat sabihin pero naumid ang dila ko sa mga matang iyon.

"Huwag ka sanang magalit o kung ano paman, Isdalia. Para rin naman ito sa kinabukasan mo at sa kinabukasan ng kinakapatid mo. Hindi ba't nais mong magkaroon ng sariling bahay para kay Mayumi?" Tukoy ng matanda sa ina niya.

Hindi ko maiwasang mapalunok at isipin ang sinabi ni Lola Telia. Tama siya iyon na nga ang matagal ko ng pangarap para kay Inay. Ang maibigay sa kanya ang lahat ng mga pinangako kong maibibigay ko sa kanya balang araw.

Ngunit papaano ko naman maibibigay iyon kung hanggang ngayon ay nasa putikan parin ako.

Paano ko nga ba maiaahon sa hirap ang pamilya ko kung pati ako ay walang pinag-aralan ng maayos?

"Hindi sa pinipilit kita, Maria." Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Lola. Nagtaka ako ng bigla bigla nalang lumitaw ang malungkot na ekspresyon sa mata nito. "Gusto lang kitang tulungan, Maria. Hindi ba't nais mong paaralin sa elementarya si Romenick at Cassia. Puwede mo silang matulungan pati na ang sarili mo, Maria....."

"L-lola...."

Muli ay hinawakan nito ang kamay kong nanlalamig saka ako nginitian ng malawak. "Aantayin ko ang magiging pasya mo, Isdalia. Nandito lang ako para tulungan ka, Maria....."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Palengke Series 2: Touch Me, Ms.IsdaliaWhere stories live. Discover now