Hindi paman ako nakakalimang minuto na nakaupo ng makarinig ako ng ugong ng sasakyan sa labas. Paulit ulit ang ugong na para bang naiinip.
Hindi kaya binalikan ako ng mga naka-men in black?
Hindi kaya napagtanto nilang hindi pala ako yung balak nilang kidnapin?
Mabilis na lumakad ako palapit sa entrada ng Mansion at binuksan ang malaking pinto. Nahirapan pa ako sa pagbukas dahil sa kabigatan non.
At ng mabuksan ko ng tuluyan ang pinto'y sumalubong sakin ang kumikinang na sasakyan. Sa sobrang kinang ay napapikit mata ako. Hanep! Ang gandang kargada. Magkano kaya ang presyo nito.
Wow! Hindi kaya isa ito sa mga kotseng ginagamit sa karera?
Malapad ang ngiting bumaba ako ng hangdan para salubungin ang bwisita---este bisita. Siguradong hindi ang mga kidnapper na iyon ang sakay nitong kotse. Puting van ang dala nila at hindi ito. Sino naman kaya ang sakay nito at mukhang mala-red carpet ang datingan ng kotse.
Napakislot ako ng biglang bumukas ang bintana ng kotse. Balak ko pa sanang kumatok ng bigla nalang bumukas yon ng walang paalam. Nakakagulat sa hanep!
"You!" Sigaw ng estrangherong lalaki na nasa driver seat.
Napasigaw ako ng wala aa oras. "Ay titeng bakat!"
Anak ng! Mamatay yata ako sa nerbyos. Bigla bigla nalang kasing sumalubong sa maganda kong mukha ang sigaw niya ng dumungaw ako sa bintana.
"A-ahhh.. ehhh... b-baket ho?" Napahawak ako ng dibdib sa kaba ng makita ang madilim na anyo ng lalaki.
Putek! Mukha itong lalamon ng buhay. Mas mukha siyang Leon na mabangis na handa ng manlapa ng makakain. Dadaigin pa yata ang makulimlim na langit sa dilim ng mukha niya.
"What the fuck are you waiting for? Open the god damn door, stupid!" Singhal ng lalaki sa kanya.
Napawi ang kiming ngiti sa labi ko. Kahit na hindi ko maintindihan ang english spokening dollar niya ay alam kong minumura ako ng lalaki. Umarko ang kilay ko sa inis ng tingnan ako nito ng matalim sa mata.
"Are fucking deaf? Open the fucking door!"
Kuyom ang kamaong binuksan ko ang pinto ng kotse. Kung nasa harap ko lang siguro siya ay baka nasapok ko siya sa inis.
Ang kapal ng mukha niyang sigawan ang kagandahan ko!
"Eto na ho kamahalan!"
"Are you mocking me!?" Malamig na tanong nito sa akin ng makababa ito ng kotse.
"Hindi ho!" Kiming nginitian ko ito. Magsasalita pa sana ako bumaba na ito sa kotse.
Holy syet mother of pwet!
Laglag ang pangang sinuyod ko ng tingin ang kabuoan niya. Jusko lord! Bakit hindi niyo naman ako in-inform na ganito pala kagwapo ang lalaking ito. Edi sana nagpaganda pa ako lalo kahit na sobrang ganda ko na.
Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Kahit nakasuot ito ng leather jacket at plain T-shirt ay bakat na bakat ang pangangatawan nito. Mukha itong si Robin Padilla na may pagkabadboy style. Mas gwapo nga lang siya kay Robin ng limang paligo.
Nakakainggit ang kaputian niya at kakinisan. Gusto ko tuloy magdemanda ng unfair dahil nakuha na yata niya ang lahat ng K.
Kagwapuhan, kakinisan, kamachohan, at kung ano ano pang K na pwedeng idescribe sa kanya.
YOU ARE READING
Palengke Series 2: Touch Me, Ms.Isdalia
Fiksi Umum"How can I love a man like you if at first you made me feel that I didn't deserve to be loved. You broke me, Rhett. And you will do it again and again until I am exhausted" -Maria Isdalia