"Nay! Nanay" bungad na sigaw niya ng tuluyang makapasol sa loob ng bahay nila.
Pinaupo niya muna sa sofa ang matanda. Hawak-hawak pa nito ang nananakit na likod at sukbit-sukbit ang sira na nitong bag. Hindi ko na naalintana pang madumi si Lola Telia. Wala namang problema yon. Sanay naman kaming may pinapapasok na pulubi sa bahay.
"Ano ka ba naman, Isdalia. Ke' pasok pasok molang rito sa bahay ang ingay mo na kaagad."angil ng ina niyang si Mayumi.
Napangiti siya ng makitang makasuot na naman ito ng daster at bahagyang nakabuhaghag ang buhok. Mula sa likuran ng kanyang ina ay nakasunod pala rito ang kapatid niyang si Romenick at Cassia. Actually hindi niya kapatid ang dalawang.
Inampon ito ng kanilang ina mahigit tatlong taon na ang nakalipas. Apat na taon palang noon si Rome at Dalawang taon naman itong kapatid niyang si Cassia ng ampunin ng ina niya. Gaya ni Lola Telia ay wala narin ang mga ito ng nga magulang kaya't isinama na sila ni Nanay at inampon.
Katulong niya sa palengke ang kapatid niyang si Romenick habang ang kapatid niya namang si Cassia ay kasama palagi ng ina nila.
"Oh, Romenick. Mag-igib ka na ng ipapaligo niyo ni Cassia. Huwag mo ng antaying humaba pa ang pila sa poso." Pangaral ng butihing ina niya sa kapatid.
Walong taong gulang na itong si Rome. Ang kapatid niya naman si Cassia ay anim na taong gulang na. Samanthalang siya ay nasa bente otso anyos na. Dalawang taon nalang at mamamaalam na ang edad niya sa kaldendaryo.
"Ihh Nanay naman! Ayokong maligo, Nay. Kukuha lang ako ng tubig sa poso pero ayokong maligo. Kakaligo ko lang nung nakaraang araw." maktol ng nakababatang kapatid niya.
"Por dyos por santo, Romenick. Huwebes pa ng nakaligo ka, Lunes na ngayong araw. Wala ka pa bang balak na maligo! Isama mo na itong kapatid mo, Romenick."
"Lika na, Kuya. Ang baho baho mo na" maktol ni Cassia sa kapatid nito.
Saka nito hinila palabas ng bahay sukbit sukbit ang asul na tuwalya na siyang bigay ng ina niya. Nang tuluyan ng nakalabas ang dalawa'y hinarap siya ng ina. Dumako ang pansin nito sa sofa kung saan naroon si Lola Telia.
"Sino siya, Isdalia?" Takang tanong ng ina. Lumapit ito sa kinaroroonan nilang dalawa ng matanda.
Tahimik lang na nakamasid si Lola Telia sa amin. Bakas sa mukha nito ang pagkalito. Ngunit nakakapagtaka ang kislap ng kanyang mga mata.
"Siya ho si Lola Telia, Nay" napaupo ako sa bangkito dahil sa pagod. "Nadaan ko siya kanina sa daan kaya isinama ko na. Ilang araw na kasi siyang palaboy laboy sa labas. Kawawa naman ho kaya isinama ko na rito sa atin"
"Mabuti naman kung gano'n. Ohh siya, ako ng bahala sa kanya. Mag-ayos ka na roon at papaliguan ko siya"
Kamot-batok na tumayo ako. "Lola Telia po yung pangalan niya, Nay. Ikaw na ho muna ang magpaligo kay Lola. Mag-aayos lang ako ng hapunan natin"
Pumasok ako sa kwarto naming dalawa ni Nanay. Dalawang kwarto lang ang sapat sa bahay namin. Isang silid para sa dalawa kong kapatid at isang silid para saamin ni Nanay. Nang makatapos ako sa pagbihis ay inasikaso ko na ang hapunan namin. Napaliguan narin ni ina si Lola Telia.
KINABUKASAN
"Beshycakeshoneypineapple of my beautiful eyes"
Muntik na akong mahulog sa sinasakyan kong tricycle ng marinig ang malakas na sigaw ng kaibigan kong si Moy o mas kilala bilang Shienavi Moy T. Lapia rito sa baranggay.
Hindi ko lang siya basta basta kaibigan kundi kasama ko rin siya sa palengke sa pagtitinda ng isda. Ang totoo niyan ay hindi lang si Moy ang kaibigan ko rito sa Baranggay Talak.
YOU ARE READING
Palengke Series 2: Touch Me, Ms.Isdalia
Ficción General"How can I love a man like you if at first you made me feel that I didn't deserve to be loved. You broke me, Rhett. And you will do it again and again until I am exhausted" -Maria Isdalia