"Anak ng tinapay naman, Boyet! Kanina pa'ko nasusura sa pagmumukha mo bakit ka ba sunod ng sunod sakin ha. Para kang tuta kung makasunod."
Halos umusok ang ilong ko sa inis ng makita ang lalaking kanina pa nakasunod sa akin. Punit ang damit nito at amoy burak.
Siya si Belencio Ramirez alyas Boyet. Hindi naman sa pagiging judgemental pero kasing baho talaga ng amoy niya iyang pangalan niya. Muntik na nga akong himatayin kanina ng bugahan ako nito este sigawan ng: "Magandang umaga, irog kong sinisinta!"
Ano naman ang kinaganda ng umaga kung amoy burak naman ang maamoy ko sa umaga.
"Grabi ka naman, Maria Isdalia Kakaligo ko lang. Look oh! I luk su pres . Kasing presh ng isda ni Aleng Bobay"
Sabay sulyap nito kay Aling Bobay na siyang nagpapaypay sa panindan nitong isda. May katabaan si Aling Bobay. Dalagang ina ito, nag-iisa nitong anak si Balyena--este si Valery na isang prosti sa bar na malapit rito.
Masasabi kong maganda si Valery. Isa siya sa mga kababaihang kinakabaliwan rito sa baranggay. Sino ba naman ang hindi mabibihag sa mukha nito ay halos yata kumapal ang mukha nito dahil sa make up.
"Hoy bansot! Huwag mo akong madamay damay sa walang kwentang bunganga mo. Baka gusto mong bugbugin ko yang pagmumukha mo" mataray na ani Aling Bobay kay Boyet. Napailing ako ng mapansing namutla ito.
"P-pasensiya na Aleng Bobay. Joking-joking lang po" pahapyaw na pinunasan pa nito ang noo sa takot.
Napangisi nalamang ako. Kinakatakutan si Aling Bobay rito hindi dahil mukha siyang mangkukula. Kundi dati itong pulis. Pati mga kabataan rito ay tinatawag siyang bruha o kaya'y mangkukulam dahil sa pananamit nito lalo na si Kapitan Thomas ay takot kay Aling Bobay.
Kung ang anak nitong si Valery ay sexing-sexy, ibang iba naman si Aling Bobay. Mapagkakamalan itong mangkukulam kung makalugay ng mahaba nitong buhok at makasuot ng itim na daster.
"H-halika na, Maria.... i-ililibre nalang kita ng tusok-tusok riyan sa parke"
Bago pa ako makaangal ay hinila na ako ni Boyet paalis sa bangketa. Isa si Boyet sa mga lalaking nagpapalipad hangin sa akin rito sa amin. Hindi ko masasabing maganda ako pero ang pinagtataka ko lang kung bakit madaming lalaki rito na nanliligaw sa akin kahit minsan ay kulang ako sa ligo.
Paano ba naman ay palaging problema rito sa baranggay ang tubig kaya miminsan lang ako makaligo. Maging si ina ay sumasakit ang ulo sakin. Kung bakit daw hindi ako umigib sa poso para makaligo ako ng maayos.
Jusko naman! Mas gusto ko pangtingnan sa salamin tong mukha ko imbis na maligo.
Ganda ka, Isdalia?
"Sa'n mo ba ako, dadalhin, Boyet. Malapit ng gumabi, tiyak na nag-aantay na si ina sa bahay." Inis na turan ko sa lalaki ng patuloy ito sa paghila.
Tiniis ko ang amoy imburnal na amoy niya. Kahit ganito ang amoy ni Boyet ay may disente itong trabaho. Siya ang nagmamay-ari ng carwash station dito sa Baranggay Talak. Ang balita ko'y may ibang carwash station pa sila sa kalapit na baranggay.
"Dali lang, beybelabs! Libre ko kain mo. Miminsan lang nga kitang yayain ng Deyt tatanggi kapa."
Napakamot ako ng kilay ng lingunin siya nito sabay papungay ng mukha. Sumimangot yata ang puso ko sa nakita. Mas lalo siyang pumangit sa paningin ko. Anak ng mother naman!
"S-sandali lang, Boyet! Hindi nga ako pu-pwede." Tumigil ako sa pagsunod sa kanya kaya napahinto ito.
"B-bakit naman? A-ayaw mo na ba sa akin, Maria. Hindi mo na ba ako mahal? Aminin mo, aminin mo!"
YOU ARE READING
Palengke Series 2: Touch Me, Ms.Isdalia
Fiksi Umum"How can I love a man like you if at first you made me feel that I didn't deserve to be loved. You broke me, Rhett. And you will do it again and again until I am exhausted" -Maria Isdalia