3

69 11 0
                                    

Kinakabahang luminga si Isdalia sa paligid niya ng mapansin ang pagsunod ng puting van sa kanyang likuran. Binilisan niya ang paglakad ng makitang ilang metro nalang ang layo nito sa kanyang kinaroroonan.



Sumidhi ang pangamba sa dibdib niya ng makitang bumilis pa lalo ang pagsunod ng van sa gawi niya. Dinagundong ang takot sa kanyang dibdib  ng makitang malapit na ang mga ito.


Marimar! Ako yata ang sadya nila!

"Miss! Miss?" Tawag sigaw ng lalaking nasa loob ng van.

Nakabukas ang bintana niyon kaya't kitang-kita niya ang loob ng Van. Isang nakashades na lalaki ang bumungad sa kanya. Naka-all black ang mga ito kasama ang driver na seryoso ang mukhang nakatutok daan.

"B-bakit? Anong kailangan niyo?" Bumilis ang tibok ng puso ko ng huminto ang mga ito sa mismong harap ko. Luminga linga ako sa paligid upang humingi ng tulong.

Palihim siyang napamura ng mapagtantong tanging siya lang ang tao sa lugar .na yon maliban sa kalalakihang sakay ng van. Sino ngayon ang hihingian niya ng tulong kung gano'n?

Mukhang siya nga ang pakay ng mga lalaking ito. Napaatras ako ng wala sa oras ng bumaba ang tatlong lalaki na sakay ng van. Gaya ng sinabi ko kanina ay nakasuot ang mga ito ng itim na kasuotan.

Namangha ako sa klase ng pananamit nila. Kuhang kuha nila ang damitan ng mayayamang kidnaper sa Tv. Hindi kaya sila yon? Naka itim na suit, black pants, black shades, nakagel ang buhok na sobrang kintab at may earpad sa tenga.

Anak ng tokwa! Hindi naman ako anak ni Digong para kidnapin ng ganito kasosyal na mga kidnaper.

"Were not here to hurt you, Miss" ani ng unang lalaki na nasa kidnap.

Bongga! Speakining dollar pa ang mga koya.

"Hep! Hep! Hep" Iwinasiwas ko ang kamay ng akmang lalapit ang lalaking nasa gitna."S-sino kayo? Anong kailangan niyo sakin"

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bag ko. Kahit na sira sira na ito ay kayang kaya pa nitong lumaban ng patayin. Isang hambalos ko lang sa mga lalaking ito ay baka kumirengkeng na ang mga ito sa sakit. Pinanatili kong matatag ang mukha kahit na mukha na akong maiihi sa takot.


"Gaya ng sinabi ko ay hindi kami naparito para saktan ka. May nais lang kaming kumpirmahin" sabat naman ng lalaking nasa kanan. Nakakasilaw ang kaputian nito.

Maiinggit yata ang Labanos kapag nakita ang kaputian nitong lalaki. Mukha itong power ranger--este--foreigner.


"B-bakit? Ano ba yon?"


"Ikaw ba si Maria Isdalia Porteria?"


Palipat lipat ang tingin ko sa tatlong kalalakihan. Naghuhumiyaw ang kaseryosohan sa kanilang mukha at boses kahit pa nakasuot sila ng shades.


"Ako nga! Ano bang kailangan niyo sa akin ha! Nagmamadali ako kaya GTG na!"

Napaflip hair pa ako saka akmang kakaripas ng takbo ng humarang ang lalaking nasa gitna kanina. Phonetang ina para siyang si Flash sa bilis. Namutla ako ng mapagtantong pinapalibutan na nila ako.


"Ano ba bitawan niyo ako nga ako!"

"Come with us, Ms. Porteria. Our boss needs to see you. Kailangan ka naming madala sa kanya ora mismo" tugon ng isang lalaki. Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa braso.

Pumapasag pasag ako sa pagkakahawak nila. "Ayokong sumama sa inyo. A-ano ba! Let me go, you pwet!"

Halos sipain ko na sa hita ang dalawang lalaking nakahawak sa akin. Pvtang ina! Napapa-english tuloy ako sa kaba. Kinarga nila ako pasakay sa Van. Nakita kong naunang pumasok sa driver seat ang isang lakaking walang ambag. Siya yata yung driver.



Palengke Series 2: Touch Me, Ms.IsdaliaWhere stories live. Discover now