01

5 0 0
                                    

"Kamusta ang araw ng mahal ko?" My last subject for today just ended. Kofe always went to me after his class. Hinahatid niya ako sa amin bago siya umuwi sa kanila.

"Okay naman love, ikaw kamusta?"

"Ako na ang magdadala niyan." Kinuha niya sa kamay ko ang mga aklat. He didn't answer my question.

"Uy, bakit nakasimangot ka dyan?" Tahimik pa rin siya kahit nakalabas na kami sa gate ng University.

"Malapit na naman kasi yung intrams, mahal."

"And then?"

"Syempre, one-week kitang hindi makakasama, 'yon ang problema," sagot niya habang lulan kami ng motorsiklo.Smile shaped my lips. I should be sad too but hearing those words from him made my heart full.

Kofe, my boyfriend, was a varsity player of sepak takraw and one week from now, their team needed to go to the main campus to represent our school.

"Naku ha, parang hindi ka na nasanay." Abot-tenga ang ngiti ko sa likuran.

"Parang ayoko nang maglaro mahal. Ayokong iwan ka rito baka ipagpalit mo ako eh." He let out a sad chuckle.

"Mahal, hindi kita kayang ipagpalit. Sobrang love kaya kita." I hugged his waist from the back and sniffed his scent.

Hininto niya ang motorsiklo sa gitna ng palayan. Walang masyadong dumadaan sa shortcut na iyon kaya solo namin ang bukirin. Umupo siya pagilid sa akin, balancing the motorcycle. Nakaharap ako sa kanya. His eyes looked at me with a glint of sadness.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Namumula ang pisngi ko sa mga titig niya. He's hot and I can't help it. Pakiramdam ko araw-araw akong nahuhulog sa kanya.

"Wag ka nang malungkot, isang linggo lang naman 'yon.'Wag mo lang kalimutan pasalubong ko, hm?"

Walang nagbago sa itsura niya kaya inabot ko ng labi ang pisngi nito. Natawa ako nang pigilan nito ang ngiti.

"Isa pa, rito." Turo nito sa mga labi. I couldn't contain my smile.

He reached my waist and pulled me closer to him. I gasped when I feel his soft lips. Kumabog nang malakas ang puso ko.

"Naaadik na ako sayo, mahal." He looked frustrated. "Mamaya na kita ihatid, daan muna tayo sa bahay." I nodded. Hindi pa rin makaget-over sa mga sinabi niya kahit nakalayo na kami. Nagmano ako kina Tito at Tita pagdating namin sa kanila.

"Magandang hapon ho!"

"Magandang hapon." Nakangiting tugon ni Tita. Ngumiti naman si Tito sa likuran nito. Tita Lara is beautiful and has an ideal height of a woman. Halata ang kagandahan nito noong kabataan magpahanggang sa ngayon. Simple at elegante. Sa ina namana ni Kofe ang gandang lalaki nito.

"Mag-meryenda na muna kayo," ani Tito Henry.

"Hi Mag!" I greeted Maggie, his youngest sibling. She's watching television in their living room.

"Hello Ate, kamusta?"

"Heto ayos naman." Nakangiting sagot ko.
"Eee, nagdate na naman kayo ni kuya 'no?" I smiled at her teasing. The scene a while ago crossed my mind.

"Uy si ate kinikilig!"

"Yay, hindi!" Mabilis kong tanggi. My face was burning. Hindi ako makatingin kay Kofe sa nararamdaman.

"Mahal, meryenda ka muna!" Nilapag niya ang mga cookies sa harapan ko. Lalong lumapad ang ngiti ni Maggie at nanunuksong tumingin sa amin. "Gawa ni Nanay." Hindi ako mahilig sa matamis, pero masarap gumawa ng cookies si Tita Lara.

"Mag, ikaw?"

"Hindi na, kumain na ako n'yan kanina eh, ayokong tumaba."

"Parang ang payat mo ngayon ah." Pang-aasar ni Kofe sa kapatid.

The Billionaire's Dangerous GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon