Kinabukasan naging abala kami ni Nana sa paghahanda ng breakfast. Ayon sa kanya, sanay sa heavy breakfast si Papa dahil sa trabaho nito. Ako ang nagluto ng ham, hotdog and fried fish, gumawa na rin ako ng sandwich na pwedeng baunin ni Papa sa trabaho. Si Nana naman sa sinigang na isda.
"Kamusta ang tulog mo anak?"
"Maayos ho, na-miss ko ang gabi rito. Peaceful." Excited kong kwento.
"Eh, bakit kasi napili mo pang doon sa siyudad tumira?" Binaliwala ko ang nararamdaman sa tono ng pagsasalita ni Papa, baka hindi lang maayos ang gising niya.
"Okay lang ho 'yon Pa, para kapag gusto niyo hong pumunta sa siyudad may matutuluyan kayo ni Mama."
"Oo nga naman," my mother agreed.
Natapos ang almusal namin na hindi na muling nagsalita si Papa. Kumuha naman siya ng sandwich bago umalis kaya masaya na rin ako. Kita ang ganda ng burol mula sa bintana ng kwarto ko. Pinagmamasdan ko iyon nang mag-ring ang cellphone ko.
"Hello?"
"Venice! Si Yoli 'to!" Excited na tinig mula sa kabilang linya.
"Yolanda Labios?"
"Oo. Nakauwi ka na raw? Kamusta?" Sunud-sunod nitong tanong.
Yolanda is my friend before the tragedy happened. Pinilit kong kalimutan ang mga taong pwedeng makapagpa-alala sa akin sa nakaraan kaya ngayon na lang kami ulit nakapag-usap.
"Oo, kahapon lang."
"Punta ako dyan ngayon. Na-miss kita eh, tagal mong nawala!" May bahid ng pagtatampo sa boses nito.
Nanonood ako ng balita sa sala habang hinihintay si Yoli. Hindi pa nag-i-init ang pang-upo ko, dinig ko na ang boses nito.
"Veniceee! Sobrang na-miss kita! Kamusta ka na? Lalo kang gumanda ah," she hugged me tight. I smiled at her. Mas lalo itong gumanda. Ugali lang ang hindi nagbabago.
"Ayos lang, ikaw? May asawa ka na?" Parang nawalan ng lakas itong nagpahulog sa tabi ko.
"Wala ngang boyfriend asawa pa kaya, pakiramdam ko nga ako na lang ang dalaga rito sa bayan natin eh." Natawa ako sa sinabi niya. Humarap siya sa akin. "Unless, you're already married, aren't you?" Nakataas ang kilay nitong tanong.
"Hindi ah!"
"Oh, defensive! Boyfriend?" Bigla kong naalala si Kofe sa sinabi niya. Ano na nga bang status namin ngayon? "Ay, malungkot? Sige 'wag mo ng sagutin."
"Hindi, wala talaga."
"Edi ayos, pareho tayong single. P-Pero may n-nabalitaan ka na ba?" Maingat nitong tanong. Ang tungkol siguro kay Kofe iyong tinutukoy niya.
"What about?" Kunwari inosente kong tanong.
"Nothing, forget it!"
Sinama ko si Yoli sa bahay nila Kofe para maghatid ng pasalubong. Hindi nawala ang pagiging malapit ko sa kanila sa kabila ng nangyari.
"Si Tita Elsa nga pala?" Tanong ni Yoli habang sakay kami ng tricycle.
"Sumama kay Papa sa manukan."
"Ah, kaya pala. Anyway, may reunion nga pala tayo sa Saturday." Kunot-noo ko siyang nilingon.
"Kasama ako?"
"Oo naman, kasama ka kahit papano nag-aral ka naman dito eh," umiling ako. "Sige na, pambawi mo na lang sakin antagal mo kayang nawala!"
Hindi ko pa rin sinasagot si Yoli kahit nakarating na kami. My eyes heated when I saw Tita Lara. Maganda pa rin ito kahit na may bahid ng lungkot ang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Dangerous Game
RomanceNamatay ang Boyfriend ni Venice sa isang trahedya. Para makalimot nangibang bansa siya at nakilala niya doon ang naging matalik na kaibigan. Pagbalik niya ng bansa limang taon na ang nakakaraan bigla nalang sumulpot sa harapan niya ang inakala niyan...