Chapter 10

121 6 1
                                    


Salamin


Hindi na ako nabigyan ng chansa upang linisin ang pangalan ko kay Pia. Umiba na kasi ang topic at ayaw ko naman na ako ang mauna at magmumukhang guilty na ako. Okay naman na yun siguro dahil hindi ko naman sinabi ng direkta at wala rin namang ebedensya. Hindi rin naman awkward sa amin ni Pia dahil maruno siyang makisama at kaya niyang sakyan lahat ng trip. 




''Thanks for the dinner,'' I told Vanie. 




It was around 10 or 11 pm when we finished our catching up. Nag offer ako na ihatid sila sa mga condo nila pero hindi na raw dahil may sundo na si Vanie. Catch up daw ulit kami sa susunod at agad naman akong pumayag. I don't really mind hanging out with them, wala akong bad or uncomfy vibes na nararamdaman. 



Malayo sa bahay ang pinuntahan namin pero imbes na sa condo umuwi ay doon pa rin ang pinili ko. Nika will be alone if I won't go home, alangan namang hindi rin umuwi si Diego. Pagkapasok na pagkapasok ko sa sasakyan ay kinuha ko muna yung phone ko para sanang itext si Nika pero may nakita akong message na inuna ko munang buksan. 



@ildavefonso: dinner's done? 



Kita mo to, kanina ang suplado ngayon naman nakikitanong pa eh puwede niya namang tanungin si Pia. 



@kailaady: yup! nasundo na si Vanie and Pia :) 


I answered. Iniisip kong baka inaalam niya lang kung saan ang kapatid niya. I can see his overprotectiveness with Pia. Ganoon din naman ang mga kuya ko pero not as how Dave is to Pia. 


@ildavefonso: so you're alone now? nakauwi ka na ba?



Hindi ko muna pinaandar ang kotse at baka ma bangga ako kapag kinilig ako. 



@kailaady: yes i am alone and no, nasa parking pa ako. 



@ildavefonso: meeting someone?



I rolled my eyes. Kanina pa to ah?



@kailaady: I'm not. 



@ildavefonso: o talaga? ba't di kapa nakauwi kung ganoon?



Now I know where Pia inherited her Marites side. Number one na chismoso pala tong si Dave. Imbes na mainis ay natawa ako. Kalalaking tao, nakikichismis. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yakap sa Dilim | KaiDave FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon