Confused
I was curious why he didn't reply at seneen lang ang message ko sa kanya. Inisip ko na lang na baka may practice sila. It's not like we're obliged to talk to one another, baka nga nag chat lang yun dahil alam niyang alam ko yung schedule. Instead of thinking of him, I ate dinner with my family and slept early last night.It was 12 pm when I decided to go already. I know later pa yung game pero may dadaanan pa ako at tsaka traffic pa. I'm planning to bake again and sell it. Chance ko na to ngayon kasi marami akong nakakasalamuha sa MOA. Not just fans but a few aquintances as well.
Nag grocery muna ako dahil maaga akong nakarating, wala akong gagawin bukas kaya magba-bake ako. Ayaw ko nang lumabas pa bukas dahil kakainin lang yun ang oras ko. I bought everything that I needed before I decided to go straight to MOA. Sabi ko kanina dadaan pa ako ng starbucks pero baka after na lang ng games mamaya. Papunta ako ng parking ng makasalubong ko ang pamilyar na babae.
I knew immediately that it was her. Parang kambal sila kasi. Hindi ko na sana papansinin dahil nakakahiya naman. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng tinawag niya ako.
''Kaila?'' Pia said.
Yes, kapatid ni Dave. Bumaling ako sa kanya at ngumiti. Nahihiya ako.
''Hi!'' sabi ko.
''Papunta ka na ng MOA? Ang early mo ah,'' she casually asked.
Just like Dave, she was also very casual in talking to me. Ang approachable nang dating niya. Manang-mana rin talaga sa kuya niya. Nahihiya at kinakabahan din ako pero hindi kagaya ng kaba na nararamdaman ko tuwing kausap ko si Dave.
''Ah yes. I bought some ingredients because I am planning to bake. Baka rin kasi ma traffic at ma late ako.'' I said.
"Oh? Magbabake ka? Ibebenta mo ba? Bibili ako!" sunod-sunod na sabi niya.
"I'll inform you! Hehe," sabi ko.
Lumilinga-linga siya sa paligid kaya inaasahan ko na may hinihintay siya.
"Uhm, I'll go ahead na? You're meeting someone pa ata," sabi ko.
"Ah! Oo, si Ate Vanie, sabay kasi kaming pupunta ng MOA para manuod ng game." she said.
"Vanie? Vanie Gandler?" I asked.
"Yes! Ayan na pala siya," sabi niya sabay turo sa likod ko.
Bumaling ako at nakita si Vanie na naglalakad papunta sa amin. At first, hindi niya ako na mukhaan kasi malayo pa naman pero nang malapit na siya ay namilog ang mga mata niya. Tumakbo siya at yinakap ako.
"KAILAAAAA!!!! OMG, I missed you!" nabigla ako sa yakap niya kaya hindi ka agad ako nakapag-react.
"I missed you too. How are you?" I asked.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at sunod namang yinakap si Pia. Vanie is one of my few friends in my life. Magkaklase kami noon pero kinalaingan niyang pumunta ng ibang bansa. Hindi kami madalas nagkakausap, tuwing mga may occasions lang. Nung bumalik naman siya, sa Ateneo na siya nag-aral at hindi na rin kami nagkita sa personal. Ngayon na lang ulit.
"I'm good. Ikaw! Correspondent kana ha!" sabi niya sa akin.
Nahiya ulit ako kaya ngumiti lang ako.
BINABASA MO ANG
Yakap sa Dilim | KaiDave Fanfic
Acak[KAIDAVE FAN FICTION] A Dave Ildefonso and Kaila Dy fan-fiction story wherein shows you that love and life aren't always ideal and perfect. Some thing doesn't go or work out the way we want it. It's just a matter of respect, acceptance, and moving f...