Chapter 9

66 2 0
                                    


Guilty 



He was acting weird today, that's what I've been telling myself. Nakailang eye contact kami pero poker face lang ang binibigay niya sa akin. Naitawid ko naman yung pagiging correspondent ko ngayon. Imbes na umuwi ay naisipan kong patapusin na lamang yung laro ng Ateneo.

To: Nika ( my favorite sister )

I'll finish the game.


I texted my sister so that she won't wait for me before she will eat dinner. Mom and Dad are traveling somewhere I forgot, basta out of the country. My sisters are staying at their condo's and my brothers? Probably with their girlfriends. Hindi ko alam. Laging kami lang ni Nika ang naiiwan sa bahay kasama ang aming mga kasambahay, minsan dumadalaw si Diego dun kaya hindi naman lonely si Nika.


Naka concentrate ako sa laro nang tumunog ang phone ko. I thought it was a reply from Nika but it was Pia, she messaged me on instagram.


@piaildefonso: going somewhere after this? labas tayo?

@kailaady: where?


@piaildefonso: dinner lang tayo somewhere. catch up daw kayo ni ate vanie at para maka bonding na rin tayo.


Sounds fun.

@kailaady: sure, kita na lang tayo sa entrance at sabay na tayo papunta kung saan man yan.

@piaildefonso: talagang sasabay kami, wala kaming dalang kotse eh HAHAHAHAHA joke!


Ngumiti ako at pinigilan ang sariling tumawa.


As expected, Ateneo won. Mabilis akong umalis hindi para pumunta kela Pia kundi sana abangan sila Dave. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to pero I feel like I did something wrong. O baka naman praning lang ako?

Tumayo ako kung saan sila dumadaan. Dumaan si Dwight at kinausap ako. May sinasabi siya nang dumaan si Dave. Nagkatinginan kami pero dumeretso lang siya. Not that I expected him to stay and talk to me. Hindi ko naman puwedeng tawagin at habulin dahil baka bigyan ng malisya ni Dwight o kung sino man ang nakakita.



"Alright. Bye, Dwight." sabi ko pagkatapos ng mga bilin niya at agad na umalis.


Umaasa akong maabutan ko si Dave pero mukhang nakalabas na siya at sumakay na sa kanilang bus. Huminga ako nang malalim at napagdesisyonan na pumunta na kela Pia.

"Kaila! Dito!" sigaw ni Pia.


Hindi lang ako ang nakarinig nun dahil halos lahat ay na nandoon ay napabaling din. Pia made a peace sign and I have no choice but to go to their direction.


"Let's go?" I asked.


"Tara," si Pia.


"I know na where we will eat," si Vanie.


Naglakad kami papunta sa labas at madadaanan namin yung bus ng Ateneo. Akala ko nakaalis na sila pero hindi pa pala. Maraming fans ang nakaabang at
yung iba sa kanila ay nagpapicture pa.

Akala ko tahimik lang kaming dadaan dun dahil nasa mga players yung atensyon ng mga ta0 pero nagulat na lang ako ng marinig ang malakas na pagtawag ni Dave kay Pia.

"Sofia!" sabay-sabay kaming napabaling.


Parang automatic na naglakad si Pia papunta sa kapatid niya at sumunod rin si Vanie. Dahil nakakapit sa akin si Vanie ay nasama rin ako.


I can sense the staring and some "kilig" of the people while on my way to where Dave is standing. Kinuha ko ang phone ko para aliwin ang sarili ko habang kinakausap niya si Pia.

Yakap sa Dilim | KaiDave FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon