[4] ♠ Candid

6.6K 191 5
                                    

Helloooo! *kaway kaway* matagal-tagal din akong hindi nakapag-ud. Busy kasi ako eh, btw. Dedicated kay imlostlittleprincess, siya kasi may gawa nitong bagong cover. Hihi! Thanks! ^_^ *sabog confetti*

Ka-echosan corner:

P.S. Play niyo yung multimedia sa gilid.
Title: Everytime
Original singer: Britney Spears
Genre: Instrumental (piano)
Para mas feel ang moment!
______________________________________________________________________

CHAPTER 4 - CANDID

*~*~*~AMETHYST's POV~*~*~*

Ang ganda ng nakita namin, nature lover talaga siguro si Ama. Tsaka, pwede din sigurong animal lover.

Ang ganda talaga ng view dito, nakaka-relax, mabuti nalang at hindi na din masyadong umuulan. Muli kong itinapak ang mga paa ko paabante sa isang brown na bench.

At katulad kanina, umiilaw kada tapak namin, parang nasa fairytale ako, sumunod din sila sa akin at umupo sa tabi ko, yung iba nakatayo na lamang.

“Ang ganda ng secret place mo, Amethyst.” kumento ni Ruby habang giliw na giliw pinagmamasdan ang paligid. Wala na akong magawa kundi ang tumango at sumang-ayon sa kanya. Tunay naman kasing maganda ito.

“Ginawa talaga ito ni Ama para sayo Amethyst.” saad naman ni Scarlet.

Napatingin ako sa kanya, “Kailangan ba talagang may secret place pa?” tanong ko at muling pinag-masdan ang paligid.

“Oo naman, isa itong patunay na royalty ka din. At kapag mag-iba ang kulay ng mata mo, tulad niyan.” sabi naman ni Ate Jade habang nakaturo sa mata ko.

Nilagay ko sa harap ng mata ko ang likod ng palad ko na may relo, hindi nga ako nagkakamali. Kulay violet ang mata ko, paano nangyari ito? “K-kailan pa i-ito?” tarantang tanong ko habang hinawakan ko ang dalawang braso ni ate Jade na parang batang nanghihingi ng kendi.

Kumunot naman ang mata ni ate Jade at tumingin sa iba pa naming kasamahan, kaya ganoon rin ako. Yung iba natatawa na. “Mula nung napunta ka palang dito sa kingdom.” simpleng sabi niya.

Nabitawan ko ang dalawang braso ni ate Jade at natulala. Naupo ako sa sahig at pumikit. Yumuko ako at sinubsob ang mukha sa tuhod ko.

Naramdaman kong may lumapit sa akin, pag-angat ng tingin ko, si Scarlet pala. “Para mapagaan ang loob mo, sasakay nalang muna kayo ni Phire sa pegasus.” turo niya sa kaliwa ko.

Nakita ko namang may puti na pegasus. Wow, at alam kong bumubuga siya ng apoy kasi may lumalabas na usok sa bibig niya. Minsan nga kapag bubuka siya, may apoy na lalabas.

“Wow, hindi ko alam na totoo pala ito.” sabi ko at lumapit sa pegasus, hinagod ko ang baba niya pero napalayo ako nung muntik na niya akong bugahan ng apoy.

Napasinghap naman sila, “Tss.” narinig kong sabi ni Phire at lumapit sa pegasus, hinagod niya ng mahinahon ang pegasus at mukhang nagustuhan pa ito.

Ang unfair talaga, choosy ka pang pegasus ka ah!

Sumakay si Phire sa likod ng pegasus at mukhang may hinihintay siya, lumingon naman ako sa likod, nagbabakasakali na may nililingon siya sa likod ko, pero ako pala.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya alam kong sasakay na ako. “Be back before lunch!” sigaw pa ni Ate Jade.

Nung nakasakay na ako ay hindi pa rin pinapalipad ni Phire ang pegasus, “May hinihintay ka pa ba?” tanong ko.

“Kumapit kang mabuti.”

“Ayoko nga.”

“Tss.” pagkatapos niyang sabihin ang paboritong salita niya ay pinalipad niya ang pegasus, at napahawak ako ng mahigpit sa bewang niya... Hindi, napayakap ako. Shems, ano ba ‘tong ginagawa ko.

Ang bilis pala magpatakbo ni Phire, kaya halos isubsob ko na ang sarili ko sa katawan niya na matipuno. Bigla namang kumulog kaya napapikit ako.

“Kakapit rin pala. Tss.” hindi ko na pinansin siya at hinawakan ko na lamang siyang mabuti, mahirap na. Baka mahulog ako, ngayon ko pa man lang nakasama ang tunay kong ina at mga kapatid.

Bigla nalang umulan nang malakas, kaya mukhang nabigla din ang pegasus dahil muntik na akong mahulog, mabuti nalang talaga at nahawakan ako ni Phire.

Akala ko, katapusan ko na. “S-salamat.” sabi ko, kinakabahan na ako sa nangyayari sa akin dito, muntik na akong mamatay. Diyos ko po, “Ph-phire, baba na tayo.” pagmamakaawa ko.

“Mamaya na, pangako tanga, mag-eenjoy ka.” aba’t ang lakas ng loob niyang tawagin akong tanga? Inangat ko ang isang kamay ko at akmang babatukan na sana siya pero bigla niyang hinila ang tali ng pegasus kaya nasubsob ako sa likod niya.

“Phire!” sigaw ko, gusto ko nang bumaba, ayoko nang mag-stay dito. Giniginaw na din ako dahil nagsimula nang pumatak ang ulan. Ang malas!

Nagulat ako nung bigla-bigla nalang bumaba yung pegasus, bumaba din si Phire, kaya sumunod ako sa kanya. Ano ba ang nangyayari? “Hindi ko siya ma-control.” sabi niya habang naka-tingin sa pegasus, “May ibang nag-kokontrol sa kanya,” sabi niya at unti-unting tumingin sa akin.

Sa pagkakatingin niya, kinikilabutan ako, “Sino naman ba Phire? Pa-mysterious effect ka pa eh.” sabi ko habang nag-dadabog dahil giniginaw na talaga ako at pwede na akong umihi sa pants ko dahil basa na rin naman ako.

Naging blue ang kulay ng mata niya, woah. Mas dark kapag dark ang background ng environment, ang astig ng mata niya. Umiiba ang kulay. “Ikaw.” grabe, nakaka-amaze naman ang ma – “Ano?” natanong ko, out of the blue.

Huminga siya ng malalim at nilagyan ng mainit na hangin ang palad niya at dinampo sa kanyang pisngi, “Ikaw ang nagmamanipula sa pegasus, naka-sulat naman iyon sa libro.” sabi niya hinawi ang buhok niya. Ang ganda niyang tingnan.

Pero, ako daw ang nagmamanipula sa pegasus? Kalokohan, wala naman akong remote control, “Robot ba iyan?” tanong ko at sinundot-sundot pa ang pegasus habang naka-tingin kay Phire.

Nakakaramdam naman ang pegasus, kaya impossibleng robot ito, “Ano’ng robot?” na-stock up ang kamay ko sa hangin at natulala.

Dahan-dahan akong lumingon kay Phire, “Seryoso, hindi niyo alam kung ano ang robot?” tanong ko, ang mukha ko lang ang pinapaharap ko sa kanya.

“Tss, magtatanong ba ako kung alam ko naman?” sarkastiko niyang sabi, bakit ba kasi ang init nang dugo niya sa akin?

“Ah basta, robot. Sungit!” pang-aasar ko, pero walang epekto, wala pa rin siyang pakialam. Aba, bahala siya.

Naka-rinig ako ng kaluskos sa harap ng pegasus, and I became uneasy nung naglilikot na siya. Naalarma ako nung hinawakan na ni Phire ang grip ng espada niya sa may bewang niya.

Biglang binato ng pegasus galing sa bibig niya ang isang... Fireball sa harap niya, at nakita ko ang isang bulto ng lalaki.

“Phire, sino iyan?”

______________________________________________________________________

Sorry, slow update at malabo pa. Typos! Haha!
  Vote, comment? Feel free to do that!

-¥©14

AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon