[18] ♠ Steal

1.4K 45 0
                                    

CHAPTER 18 - STEAL

*~*~*~PHIRE'S POV~*~*~*

Ginising kami ni Ruby para ibalita na may naaamoy siya'ng witch sa kwarto ni Amethyst.

Sa tingin ko, bata'ng witch ang naaamoy niya dahil sariwa ang kanyang nilarawan.

"Akin na ang susi, bubuksan ko lang." sabi ni Ruby sabay bukas nung kwarto ni Amethyst. Bigla nalang siya'ng nag-panic kaya na-alarma kami. "Wala si Amethyst!" Malakas niya'ng sigaw.

Pumasok kami sa kwarto niya at natiyak na wala talaga siya doon, "Amethyst?" Tawag namin. Pero walang sumasagot.

Biglang dumating si Queen Jewel na galit na galit, hinanap din niya si Amethyst pero hindi niya makita. Nilapitan niya ang dalawang gwardiya sa kwarto nito at pinagalitan.

"Diba sabi ko sa inyo na bantayan niyo siya'ng mabuti?! I thought you two were aware na kukunin at kukunin talaga siya ng mga Black Sea people at sa allies nila!" Pasigaw na sabi ni Queen Jewel sa dalawa.

"Pasensya na po, mahal na reyna. Pero lumabas po siya kanina para uminom ng tubig sa kusina." Sabi nung isa.

Kaya pumunta kami'ng lahat doon sa kusina at hinanap siya, pero wala ulit. "Posible ba'ng kinuha na naman siya?" Tanong bigla ni Emmet.

"Sa tingin ko iyon nga," sabi bigla ni Ruby.

"Kinuha siya ni Freyah, hindi ba?" Tanong bigla ni Jade, kaya nakinig kami ng mabuti sa kanya. "Nalaman ko ang hinaharap na lilinlangin ni Freyah si Amethyst at sinabi'ng mag-papasama daw siya sa Wonderland."

Tumalikod ako para uminom ng tubig, tutungga na sana ako nang may mapansin ako sa basurahan sa baba ng lamesa. Isa'ng simpleng papel na may sulat.

Sumama ka sa akin, Amethyst. Samahan mo ako. -E.W.P.

"Tingnan niyo ito." Sabi ko sa kanila at lumapit sila sa akin.

"Ano iyan?" Tanong ni Sky.

Malakas kong binasa ang naka-sulat, "Ano naman ang ibig sabihin ng E.W.P.? Sino ang nag-padala niyan?" Tanong ni Scarlet.

"Hindi ko din alam." Sabi ko, "Pero maaari namang initials ito nung nag-padala diba?" Tanong ko.

"Evil Witch Princess?" Tanong bigla ni Jade habang wala siya sa kaniyang sarili.

"Okay ka lang?" Tanong ni Emmet. Tumango naman si Jade.

Pero maya-maya lang, namatay lahat ng ilaw saka naka-rinig kami ng para'ng nahulog sa labas. Agad namin'g kinuha yung lampara at tiningnan yung nasa labas.

"Si Amethyst ba 'yon?" Narinig kong tanong ni Sky sa kalagitnaan ng dilim.

Naka-rinig kami ng halakhak, hanggang sa unti-unti nang humihina ang tawa. "Sino iyon?" Tanong ko.

"Hindi ko din alam." Sagot ni Sky.

Maya-maya lang din ay naka-rinig kami ng pag-bagsak malapit sa amin, kasabay nang pag-liwanag muli. "Jade!" Nataranta kami nang makita namin si Jade na nakabulagta sa sahig habang sinandal ni Phire yung ulo niya sa hita niya.

"Ano'ng nangyari sa kanya?" Tanong ni Ruby, "Bakit nakita kong lumiwanag ang mata niya kanina?" Natatarantang tanong niya.

Huminga ng malalim si Queen Jewel, "Kailangan niya muna'ng mag-pahinga, may nakita na naman siya sa hinaharap." Kaswal na sabi niya, "Mag-pahinga na rin kayo, ipag-pabukas na natin ang pag-hahanap kay Amethyst at Freyah."

-----------------------------------xXXx----------------------------------

*~*~*~AMETHYST'S POV~*~*~*

"Huwag ka'ng mag-alala, mahal na prinsesa. Aalagaan kita doon. 'Wag ka'ng mag-alala." Narinig kong sabi ni Freyah sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

Pipikit na talaga ang mata ko, dahil palagi nalang akong sinasaktan ni Freyah, pinapalo niya ako sa kanya'ng walis. At ngayon, hawak niya ang buhok ko. Ang sakit na ng anit ko at para'ng matatanggal na iyon, isang pitik nalang.

"Tama na, Freyah. Tama na. Sasama na ako sa'yo." Hindi kasi ako pumapayag na sumama sa kanya sa sinasabi niyang Wonderland.

Kasi naman, sinimulan na niya akong saktan nung nadapa ako, simula nun. Sinipa niya ako at sinampal-sampal.

Hanggang ngayong sinasabunutan niya ako, tumatawa pa siya habang ginagawa iyon. Habang ako ay naiiyak na. Ayoko na. Ang sakit.

Ang sakit na ng katawan ko, may dugo na rin yung ilong ko. Sinubsob pa niya ako sa dram na puno ng tubig ng ilang segundo. Gumagaralgal na din ang boses ko kakahingi ng awa sa kanya.

"F-freyah. Hindi ko na k-kaya." Pag-papaumanhin ko, nang maramdaman kong isusubsob na naman niya ako sa drum na puno ng tubig ay huminga ako ng malalim. Napatulo na talaga ang luha ko nang nasa ilalim ng tubig ang ulo ko.

Hindi ko na kaya. P-pagod na ako. Inahon na naman niya ako tsaka sinabunutan. Dinuruan pa niya ako tsaka niya ako nginitian ng matamis. May halong saya.

Bakit niya ito ginagawa sa akin? Akala ko, isa siyang anghel. Akala ko, isa siyang inosenteng witch. Nakalimutan ko nga pala na anak siya ng Evil Witch King and Queen.

Hindi na napigilan ng mata ko ang pag-buhos ng luha ko. Napahawak ako sa ilong ko, hindi na rin iyon tumitigil sa pag-agos ng dugo.

Hirap na hirap na akong huminga. Mas gusto ko nang mamatay kaysa maranasan pa itong kahirapan na ito. "Pasalamat ka at kailangan ka namin. Hindi ka muna mapapatay." May pagdidiin sa bawat pag-salita niya.

Unti-unti kong naramdaman ang pagka-hilo hanggang sa lumaylay na ang mga kamay ko.

----------------------------------xXXx----------------------------------

"Someone will keep, get, steal, care and love you. Be careful, you're in our world now."

Paulit-ulit na naririnig ko ang mga katagang iyon. Hanggang sa nilamon na naman ako ng kadiliman.

Ang unang nakita ko ay puting pader, puting kisame, puting sahig. At walang kahit isang kagamitan dito. Walang bintana, walang pinto.

Hanggang sa naging itim ang kulay ng lahat ng nakita ko, "Ang saya mo palang pag-laruan." Napalinga-linga ako kahit saan. Dahil hindi ko naman makita kung sino ang nagsasalita kanina.

Tsaka, ang dilim dito.

Bigla nalang nag-bago ang lahat ng nakita ko at nakita ko naman sina Mama at Papa. "Mama, Papa!" Niyakap ko sila pero parang hindi ko sila kayang hawakan.

Hindi din nila ako naririnig. "Mama, Papa. Miss na miss ko na kayo." Bigla nalang lumitaw ang isang bata at niyakap ang mga magulang nito.

Ako iyon nung bata pa ako ah? Ginilitan ni Papa ang kanyang pulso at ang dugo nun ay isinalin sa isang baso na kulay gold.

Yun yung isa sa mga jewelry ni Papa ah? Isa lang ang pinagbebentahan nun ni Mama. Hindi ko maalala kung sino.

Sinundan ko ang tingin nina Mama, Papa at yung bata na ako. Pinainom nila sa baso yung batang ako at bigla nalang akong nahimatay sa mga panahon na iyon.

Dinala ang batang ako sa sariling kwarto ko hanggang ngayong 18 na ako.

"Hindi na niya maaalala na nakita niya ang Mortal Cup."

Bigla nalang akong nilamon ng kadiliman.

AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon