[15] ♠ Going Home

1.8K 58 0
                                    

Still sad guys, hindi ko pa naranasan ang tunay na summer dahil hindi pa kami naliligo ng dagat under the sun. Yung marami kami, pero hopefully matutuloy this week. Kaya mukhang matatagalan din bago ako muling makapag-update. Enjoy reading! And enjoy you summer vacations!

___________________________________________________________________

CHAPTER 15 - GOING HOME

*~*~*~PHIRE'S POV~*~*~*

"Thank God! You came here safely!" Sabi ni Jade nang makita kami. Tiningnan niya si Karma Lee, "I bet, this girl's Karma Lee." Dagdag niya.

Yumuko naman si Karma Lee, "A pleasure to meet you, your grace."

"Oh, just call me Jade. They're my sisters. Ruby, Scarlet and Amethyst." Tugon ni Jade. "Teka, bakit bigla kayong nawala? Tinotoo niyo talaga yung nasa hinaharap na nabasa ko sa isip ko ano?"

"Sorry po, Ate Jade." Pag-papaumanhin ni Amethyst habang naka-yuko.

"It's okay, as long as you helped someone." Sabay ngiti ni Jade.

"Bukas na bukas din ay uuwi na tayo ng palasyo. Nag-aalala na ngayon si Ina." Sabat ni Scarlet. Sumang-ayon din si Ruby, Sky at Emmet.

"Malalaman ba kaya natin ang daan pauwi?" Tanong ni Amethyst.

Sa totoo lang, hindi na namin alam kung saan kami dadaan pag-uwi. Wala naman kaming iniwang mga marks para magsilbing giya sa aming pag-uwi.

"Pwede naman nating hingian ng tulong sina Merida, diba?" Tanong ni Emmet.

Napag-isip isip din ako. Kung alam nila na may Gem Kingdom, posibleng alam nila ang daan pauwi doon.

"Bukas na natin pag-uusapan iyan. Sa ngayon, magpahinga muna tayo. Alas diyes na ng gabi." Pormal na sabi ko at tumuloy sa kwarto ko.

Bago ko masara ang pinto ko ay tiningnan kong mabuti ang aking katapat na kwarto, at tuluyan ko na itong isinara.

-----------------------------------xXXx----------------------------------

*~*~*~AMETHYST'S POV~*~*~*

Pumasok na kaming dalawa ni Ate Jade sa aming kwarto. Nakatulog na din siya kaagad pero ako, nakatitig lang sa kisame, hindi ko maramdaman ang antok.

I gulped nang may marinig akong nag-uusap sa labas.

"Diba, nandito ang mga taga Gem Kingdom?" Narinig kong tanong ng isang babae.

"Oo nga, baka napunta na sa ating mundo ang tinatagong anak ng Reyna sa Gem Kingdom no?" Tugon din nung isang babae

Unti-unti nang naging mahina ang kanilang pag-uusap, malamang ay malayo na sila, pero narinig ko pa rin ang huling sinabi nung una.

"Bakit ba kasi siya gustong ipakasal ni Black King kay Black Prince? Eh, hindi pa nga naisilang si Black Prince, kasal agad?"

Napatakip ako sa bibig ko. Paano nangyayari ang mga bagay-bagay na ito sa akin, sana magising na ako kung sakaling panaginip man ito.

Akala ko si Black King lang ang kalaban ko, may Black Prince din pala.

Pinilit kong ipikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

-----------------------------------xXXx----------------------------------

"Sige, paalam!" Sabi ni Merida. Nag-paalam na kaming lahat sa kanila at sinunod ang daan na naka-drawing sa mapa. Doon na nanirahan si Karma Lee sa kanila dahil kingdom naman daw nina Merida siya naka-tira.

Binigyan kami ng ganito ni Merida para giya sa aming daanan pauwi. "Narinig ko ang pag-uusap nung dalawang babae kagabi." Sabi bigla ni Scarlet.

Napatigil ako, ganoon din sila. "Narinig mo sila?" Paniniguradong tanong ko kay Scarlet.

Tumango-tango siya, "Oo naman, naririnig ko ang mga ingay kahit tulog pa ako." Sabi niya.

Pinilig ko ang ulo ko at nag-simula nang mag-lakad, malayo-layo na rin kami sa palasyo nina Merida at magtatanghali na rin. "Bakit ba? Narinig mo din sila?" Tanong niya. Tumango lamang ako bilang sagot.

Ilang oras na kami'ng naglalakad at kung saan-saan na kami nakarating, "Hindi ba tayo naligaw, Ate?" Narinig kong tanong ni Ruby kay Ate Jade.

"Akin nga ang mapa, Phire." Kinuha ni Ate Jade ang mapa at tiningnan muli ang mga nadaanan namin, "Wala naman akong makitang mali sa ating dinaanan. Pero, malapit na rin tayo sa Witch Kingdom."

Kinilabutan ako sa sinabi ni Ate Jade, Witch Kingdom? Ilan ba kasi ang Kingdom dito sa mundo'ng ito? Bakit may witch?

"Yehey! Magkikita na ulit tayo nina Hansel at Gretel. Pero pwede naman nating hiramin ang carriage nila diba? Sige na." Magiliw na sabi ni Ruby.

Pumayag kami sa kagustuhan niyang naging kagustuhan na rin namin, hindi naman pala masama ang mga witch, in fact ang babait nila. In-invite pa kami'ng mag-lunch.

Pero sumakay na kami kaagad sa carriage nila, alam naman daw ng driver at kabayo nito ang daan papunta sa Gem Kingdom. Kaya ay nagpasalamat kami'ng lahat sa kanila.

Nakakatuwa pala dahil King yung Hansel na kuya pala ni Gretel, Princess naman siya. Magkakapatid na royalty, witch ang kanilang mga kasama doon.

Pero witch hunters din sila, hindi nila pinapatay ang mga witch na mababait katulad ng mga nakatira sa Witch Kingdom.

In fact, ang pinapatay nila ay ang mga masasamang witch na outsider lamang.

"Finally, we're home!" Nag-ningning ang mga mata namin nang sabihin ni Sky ang mga katagang iyon.

Seryoso, nandito na ulit kami sa Gem Kingdom. Lumabas na kami at nag-pasalamat sa driver at mga kabayo na nag-hatid sa amin dito.

Nung pag-bukas palang nang gate ay nagulat na ang mga guards, akala nila hindi kami ito dahil sa mga itsura naming napaka-dumi.

And then, bigla niyang pinaalam si Ina. "The royal princesses and guards are here." Sabi niya.

Agad na lumabas si Mama, nag-aapoy at namumugto ang mga mata. Pero nung nakita kami ay napangiti siya at niyakap kaming magkakapatid, "I missed you girls, I was worried all about you." Sabi niya at bumitaw na.

Muling nag-apoy ang mga mata niya. "Phire, Sky and Emmet. Explain everything." Pati ako, natatakot.

Sobrang nakakatakot ang aura ni Ina ngayon, para na niyang susunugin ng buhay ang tatlo.

-----------------------------------xXXx----------------------------------


*~*~*~SKY'S POV~*~*~*

Napa-lunok ako ng sunod-sunod. Ito na nga ba ang kapalit nang pag-uwi namin dito sa palasyo?

"Kasi..." Sabay-sabay pa kami'ng nag-salita kaya mas lalong nag-aapoy ang mga mata ni Queen Jewel na akala mo ay masusunog ka kapag nakatitig ka doon. Kaya umiwas kami lahat ng tingin at yumuko.

"I thought you we're guarding them, stupid fools?!" And this time, mukhang mauubos at made-dehydrate na ako sa kakalunok ng sariling laway ko.

________________________________________________________________________

Shemay! Galit na galit si Queen Jewel, kayo kasi Phire, Emmet and Sky. Hindi niyo DAW sila binantayan.

AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon