[48] ♠ War Level

738 28 0
                                    

Advance Merry Christmas sa inyo!
Date updated: 12-14-15

____________________________________________________________________

CHAPTER 48 - WAR LEVEL

*~*~*~AMETHYST'S POV~*~*~*

"Mag-hahari na ako sa mundo! Ha ha ha ha!" *evil laugh* iyan ang sabi ni Black King habang nakahilata kaming mga taga Gem Kingdom sa lupa dahil sa pagod at sa daming sugat na natamo namin sa pakikipag-laban sa isang demonyong diyos na si Black King.

Kahit wala na akong masyadong lakas ay binigkas ko pa rin ang mga tanong na gusto ko nang itanong noon pa. "K-kailan ka ba naging masama, Black King? Intensyon mo ba talagang mag-hari sa buong mundo?"

Naramadaman ko namang natigilan siya pero maya-maya din ay bumalik na naman sa dati ang kanyang anyo na nakakatakot. "Hindi! Pero ako na sana ang magiging hari ng mundo kung hindi kayo ume-eksena!" Then a large mass of black smoke engulfed us. Ni wala na kaming makita.

Basta ang huli ko nalang nasilayan ay ang mga nakapikit kong mga magulang na kumupkop sa akin nung nasa lupa pa kami at ang mga kapatid ko, sina Sky at Emmet, nalingon ko rin sa gilid ko ang lalaking nakamulat ang mata na malungkot na nakatingin sa akin.

"Mahal kita." Napapikit siya. No - hindi ko kaya. Wag kang pumikit please.

"Kailangan pa kita!" Napabangon ako sa hinihigaan kong kama na sira.

Nakarinig ako ng mga yapak. "Amy, okay ka lang?!" Hinawakan ni Phire ang mukha ko. Napangiti naman ako saka ako yumakap sa kanya ng mahigpit.

Pero bigla akong nalungkot dahil sa napanaginipan ko. Parang nagbago naman ang kulay ng mga mata ko, napa-singhap ako nang maalala ko si Black Prince. "N-nasaan si- " hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi tinakpan ni Phire ang bibig ko.

"Shh, 'wag kang mag-alala. Okay lang siya." Sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko na pala dapat siya'ng ipag-alala. Kaso, paano ko siya aalagaan? Ano ang gagawin ko sa Black Prince?

Ayoko namang mag-pakasal sa kanya, si Phire lang ang mahal ko.

Naka-rinig ako ng mga pag-sabog na sa tingin ko ay galing pa sa bayan. Lumaki yung mga mata ko dahil sa kaba at takot sa kung ano na naman ang mangyari maya-maya. Dahil alam ko, hindi na naman magandang pangitain ito. Bigla kasing nag-bago ang kulay ng mata ni Phire at sa tingin ko ay pareho kami. May mangyayaring masama kapag nagbabago ang mga mata namin.

Tatayo na sana ako pero pingilan ako ni Phire. Kumunot ang noo kong tinitingnan ko siya, "Bakit?" Umiling siya sa akin saka hinalikan ang noo ko.

"Dito ka nalang para matitiyak kong okay ka lang." Hindi ako sang-ayon sa sinabi niya kaya umiling ako saka ako na mismo ang humila sa kanya.

"Tara na, kailangan nating tulungan ang mga tao dito sa bayan ng Gem Kingdom." Tumango na lamang siya.

Habang naglalakad kami sa hallway ay nararamdaman ko ang pang-giginaw ng kanyang kamay habang hawak namin ang kamay ng isa't-isa. Napalingon ako sa kanya saka tumigil sa paglalakad. Sobrang kulay violet ang mata niya at sa tingin ko ay ganoon din yung akin. Patuloy sa pag-sabog ang aking naririnig na mas lalong naging dahilan upang mas lumamig ang kamay ni Phire.

Tiningnan ko siya sa mata. Hindi man ako sigurado kung mag-tatagumpay kami sa labanang ito, basta ang importante ay nagawa namin ang dapat naming gawin para sa lugar na ito. Hinawakan ko ang mukha niya, tumingala ako sa kanya kasi mas mataas pa siya sa akin saka ko dinampian ng halik ang labi niya.

Ngumiti ako sa kanya para maipakita ko na magiging okay din ang lahat kahit hindi ako sigurado.

Lumabas na kami kasabay nina Sky, Emmet at ng mga kapatid ko pati sina Mama at Papa.

"Walang plano. Basta gawin niyo lang yung nararapat." Sabi ni Papa saka sumugod siya sa isa sa mga paparating dito sa entrance ng palasyo.

Madami na ding mga tao ang nakikipag-laban kaya ay ginawa ko rin ang mga natutunan kong depensa at opensa nung mga panahong nagte-training ako. At sa mga pinagdaanan kong mga pagsubok sa buhay ko.

Ito ang nagturo sa akin upang mas lalo akong maging matatag. Nagpapasalamat ako sa mga pagsubok noon na dumating sa aking buhay dahil nakayanan ko iyon at nakatulong iyon sa akin upang mas lalong maging matatag ang loob ko.

Sinipa ko sa tiyan ang lalaking papalapit sa akin at siniko ko siya sa bandang likuran niya. I balled my fist and shooted it to his face, nawalan siya ng malay.

Tumalon ako nang may paparating na throwing knives patungo sa akin and I'm glad dahil naiwasan ko ito. Naiwasan ko ito pero sinalo ko ang mga throwing knives.

Narinig ko rin ang mga kadenang tila ginigiba. Maya-maya lang ay narinig ko ang mga kabayong marami.

Napatingin ako sa itaas ko. Wait, galing ito sa secret places namin ah. There were 4 of them na nag-stand out and the violet one was mine. The others were from my sisters at nagulat ako ng maraming mga sumunod na pegasus. They were flying and some of them has horns in their heads.

They breathe fire.

Lumapit sa akin ang pegasus ko at yung iba ay tumulong sa pag-atake ng mga kalaban. I'm glad na may kakampi pa rin pala kami. Hinaplos ko ang mukha ng pegasus ko at saka nag-focus na muli sa kalaban ko. He threw violet colored fire to my enemy that knocked him down. "Good boy." I smiled at hinaplos muli ang mukha ng pegasus ko.

*~*~*~WITCH KINGDOM~*~*~*

"Sire, umatake na ang mga taga Black Sea sa Gem Kingdom." Balita ng isa sa mga kawal ni Haring Hansel at Prinsesa Gretel.

Napatayo si Prinsesa Gretel sa narinig niya at lumaki ang mga mata. "Ano?!" Sigaw niya saka tumingin siya kay Haring Hansel. "Kailangan natin silang tulungan." Pakiusap niya kay Haring Hansel.

"Ibalita sa allies natin at mag-handa na rin kayo dahil pupunta na tayo sa Gem Kingdom." Mariing sabi ni Haring Hansel saka tumayo na at isinuksok ang kanyang espada sa lalagyan nito.

_______________________________________________________________

Konting chapters nalang...

AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon