CHAPTER 8

3 0 0
                                    

Vance's POV

It's been weeks after the initiation acts namin at heto kami ngayon nila Kai sa studio, nagpapractice sila para sa gaganaping Battle of the Bands this December.

While me, I decided that I will join the Wricon this year too. I started my plot and character arcs. Natapos ko narin mga prologo ko. Because of him, nagising ko yung matagal nang natulog kong sariling manunulat. All I need to do is pull that off before the deadline which is December 26. Ang awarding ng wricon ay December 31, hindi ko alam kung bakit ang lapit ng deadline sa awarding. Hindi ba nila need ng oras para ijudge yung mga masterpiece? Siguro iba ibang judges yung magjajudge per book. So far, di naman umaabot ng bente yung sumasali sa ganito sabi ni Kuya Langris pero once na nanalo ka, sikat agad pangalan mo sa school. Though di naman fame ang habol ko kaya ako sumali, I just want to do what I love.

"Okay let's practice the chords again." cue ni Kai.

Nagsimula ulit silang tumugtog at hindi ko alam kung bakit parang disappointed yung mukha ni Kai. Napapa-Tsk siya habang tumutugtog ng Lead Guitar.

"Okay let's take a break. A 15 minute break." sabi niya tsaka binaba ang electric guitar.

Sumunod naman yung iba at may ibang lumabas para bumili ng pagkain. Habang yung iba ay uminom lang ng tubig galing sa mga bag nila.

Si Clyde naman ay niyaya si Jeon na bumili ng chips at softdrinks sa labas kaya naiwan kami ni Zans sa loob.

Sinama ko pala si Zans dito kasi gusto niya raw makita yung banda nila Kai. Pumayag naman sila Kai dahil kaibigan ko si Zans.

"Hindi ka bibili?" tanong ko kay Zans.

Umiling lang ito habang taimtim na nililibot ang tingin sa buong studio.

"First time mo ba?" tanong ko ulit sakanya.

"Not really, we have a studio at our house." sagot niya sa tanong ko.

"Weh? Anong instrument yung ginagamit mo?" excited kong tanong sakanya.

Hindi niya ako sinagot at tiningnan lang niya ako.

"Secret," ika niya sabay ngiti.

"Ah I see, okay edi wag." pagmamaktol ko.

Nagtawanan lang kami pagkatapos non at natigil kami nang umupo sa tabi ko si Kai.

"We lack something," pabulong niyang sabi sa sarili niya.

"Lacking? What do you mean?" tanong ko sakanya.

"Parang may kulang na di ko alam," tugon niya sa tanong ko.

Kulang? Their performance is great for me. Why did he say that?

"Men, ang goal namin ay talunin ang Shiiroi gamit yung isang wala sila. Emotions. Kaso ang mediocre ng ginagawa ko, namin. Di pupwede tong performance namin ngayon, need namin nang bago, kakaiba, maybe bagong instrument?" pagpapaliwanag at tanong niya sa sarili niya.

"If only I could find a violin player who's talented enough." ika ulit ni Kai.

Violin player? Wala akong kilala eh, well bukod sa character ko sa isang story na gawa ko dati at di na natuloy. Wala na akong ibang kilala.

"Violen player eh?" tanong ni Axel.

"Yes dude, we need that instrument para unique at may something new." pagpapaliwanag sakanya ni Kai.

"Tatry ko kung may mahanap ako. Papapasukin ko na yung iba para masabi mo na yung announcement." ika ni Axel tsaka labas.

"Guys tawag kayo ni Kai may sasabihin daw!" rinig kong sigaw niya sa labas.

Lovely and Solitary (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon