CHAPTER 10

1 0 0
                                    

Jeon's POV

Rinig ko ang pagring ng phone ko at kahit alam ko kung sino yung tumatawag ay ayoko itong sagutin. Nakayakap ako sa unan ko ngayon habang patay ang ilaw ng kwarto ko. Inaatake na naman kasi ako ng insecurities ko sa sarili ko.

Jeon, it's just fine. You're good enough.

No, I'm not. Siguro kung maputi lang ako, kung medyo mature lang ako mag isip edi sana may tsansa ako sakanya.

I tightened my grip to my pillow as I felt this sudden urge of unsettlement within me. People always says that you shouldn't change yourself for someone. I don't want to change myself. It's just what ifs that kept on lingering my mind.

It's been two years since I confessed, I thought I've moved on but I just find myself in the same phase all over again. I kept on craving for his presence. I kept on dreaming about him.

Tunog parin nang tunog ang cellphone ko at naiirita na ako.
Mabilisan ko itong kinuha sa table na nasa tabi ko at kaagad na sinagot.

"Sup?" tanong ko kay Clyde na nasa kabilang side ng linya.

"Bro, can you come at my house tonight?" he sighed.

Sigh? Something is wrong with him I think?

"Gabing gabi na, ano bang problema?" tanong ko sakanya.

"Ah, I'll tell you when you're here." ika niya atsaka patay ng telepono.

Magkahalong kaba at excitement yung naramdaman ko. Kasabay narin ang pagaalala kung anong nangyari sakanya. Magkalapit lang kami ng bahay kaya hindi na ako nagsuot ng masyadong casual. Sinuot ko yung loose na white shirt ko at yung maikli kong shorts na kulay itim. Medyo malamig sa labas pero presko kasi kapag maikil lang yung shorts ko.

11:00 pm na ng gabi ngayon at hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Dahan dahan akong lumabas ng pintuan para di ako mahalata nila Mama.

You would really do everything just for him, right Jeon?

Napahinto ako sa paglalakad nang maalala ko na naman yung insecurities na nararanasan ko. I can't blame him. Ako lang naman yung patay na patay sakanya. Huminga ako nang malalim para maibsan kahit papaano ang nararamdaman ko.

Mag isa lang akong naglalakad sa kalsada ng village namin at napakatahimik ng lugar. Malinaw ang kalangitan at walang kaulap ulap. Sobrang kalmado ng paligid at pinapakalma nito ang dibdib kong napupuno ng kaba.

Malapit na ako at nung nakakita ako ng isang binatang nakasandal na nagaabang sa gate. Kasing tangkad lang niya yung gate. Suot suot niya yung shorts niya at sleeveless shirt. Napalunok ako ng laway dahil sa nakikita ko. Kitang kita kasi yung makinis niyang binti habang nakatsinelas. Bagsak din yung medyo kulot niyang buhok na kulay itim, habang nakatingin lang siya sa ibaba.

Nang makalapit ako sakanya ay tiningnan niya muna ako.

"Akala ko hindi kana pupunta." ika niya.

" Bakit mo ba ako tinawagan? Anong meron?" tanong ko sakanya.

"Magiinom tayo." maikli niyang tugon.

"Eh?" reaksyon ko sakanya.

Magiinom? That's a bad idea for me. Hindi ko pa naman makontrol sarili ko pag umiinom.

Binuksan na ni Clyde yung gate tapos pumasok na habang ako ay naiwan sa labas dahil natatakot ako.

"Tara pasok," alok niya sakin.

"Mmm," tango ko nalang.

Ano ba tong pinasok mo Jeon.

Nagtanggal na ako ng sapatos at madilim narin sa loob ng bahay nila Clyde. Actually siya lang mag isa rito ngayon dahil yung Mama niya ay isang Call Center Agent na may gabing sched or graveyard schedule.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lovely and Solitary (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon