CHAPTER 4

6 2 0
                                    

Vance's POV

"Slow down!" sigaw ko habang nakakapit sa beywang niya.

"Ano men? Di kita marinig?" pangaasar niya sakin.

Mabuti nalang at walang mga sasakyan masyado kaya wala kaming mababangga pero hindi magawang kumalma ng puso ko dahil sa kaba.

"Damn it Kai! Ibaba mo ako rito!" pasigaw kong angal sakanya dahil mukhang bago pa ako makakauwi ay babawian pa ata ako ng buhay.

"Are you sure? In the middle of nowhere? Probably not the best idea men." ika niya sabay tawa.

Anong nakakatawa rito? Papatayin niya ba ako?

Nanlaki ang mga mata ko nang mas lalo niya pang pinabilis yung andar. Mas lalo tuloy humigpit ang hawak ko sa beywang niya at sa salamin ko.

"WHAAAA!" sigaw ko.

Curse this guy. Di na ako ulit aangkas sakanya.

"Mukhang nageenjoy ka ah?" asar sakin ni Kai.

"DI NA AKO ULIT AANGKAS SAYO. MALING MALI TALAGA!" pasigaw kong sabi sakanya.

Maling mali talaga na umangkas ako sakanya. Napapikit ako dahil parang mahihimatay na ako sa kaba. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang nakakapit ako sa beywang ng damuhong nagdadrive na to.

Hindi lang kaba, natatakot narin ako dahil ayoko talaga sa mabibilis magpaandar.

"Please, slow down...," I begged him. I thought he wouldn't hear my request. However...

Dahan-dahang bumagal ang andar ni Kai. Dahil doon gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. 

The night breeze that is touching my hair is full of serenity. I gently open my eyes revealing something that took my breath out.

The whole road is clear and there are trees on the side na may fairy lights. It felt like I was in a novel because of this serene view.

"So beautiful," banggit ko habang sinusulit ang view.

Parang nawala bigla yung kaba ko kanina. Napalitan ito ng kalmadong pakiramdam. Nang kumalma ako doon ko lang narealize na kaming dalawa lang ni Kai, magkaangkas sa motor, tinatahak ang kalmadong daanan sa gabing kay lamig.

WHAAAAA! Vance, it's happening again. Go resist, pigilan mo Vance. This is nothing. I swear.

"You like the view?" tanong sakin ni Kai habang busy ako sa pakikipaglaban sa isipan ko.

"Ha? Ah...," utal kong reaksyon sa tanong niya. Umubo ako saglit at sinabing, "Oo ang ganda."

"We can always roadtrip here if you want...," alok niya.

Out of nowhere?

"Wag mong aasahan na aangkas ulit ako sayo." diretso kong banggit sakanya.

But what he said doesn't seem a bad idea. The feeling I had in that road of lights is staying at my mind. I would like to pass by that road again.

"Okay sabi mo eh," ika niya. I can hear him giggle after that reply.

This guy pisses me off everytime.

Nagpatuloy lang sa ganoong bilis si Kai at hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa San Pedro. Ang bilis lang pala ng byahe dahil sa dinaanan namin.

"Ibaba mo nalang ako diyan sa may kanto." ika ko kay Kai.

"Sige," pagkatapos niyang sumagot ay pumarada siya saglit.

Bumaba na ako sa pagkakaangkas at tinanggal ang suot kong helmet atsaka ibinigay sakanya.

"Ingat ka sa paguwi Vance." pagpapaalam niya sabay ngiti na kita na naman ang pangil niya.

Lovely and Solitary (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon