CHAPTER 7

6 0 0
                                    

Vance's POV

Days passed by so quickly. Nagulat nga ako na isang linggo na ang nakalipas matapos nung unexpected duet namin ni Kai. Everytime na nasa clubroom kami, lalapit agad si Kaithia kay Kai atsaka magtatanong nang magtatanong. Napapansin ko rin minsan na sinusungitan niya ako kahit wala naman akong ginagawa. Mabuti nalang at wala ako sa clubroom ngayong araw , initiation act kasi namin sa Drama Club, kasama ko si Zans at Jeon.

"Yow! Vance, ano plans mo pagkatapos nito?" tanong sakin ni Jeon.

"Hihintayin daw ako ni Kai sa clubroom ng music club." sagot ko sakanya.

"Ah okay," maikling tugon ni Jeon habang nakaupo kami sa loob ng  theater.

Ilang saglit pa't nagsimula nang magsalita yung host.

"Good Morning! Future Scriptwriters, Directors, Actors, and Production Members! I'm Langris Vellar, the president of this club." pagpapakilala niya sa sarili niya.

Nagpalakpakan silang lahat at nag-echo ito sa buong theater. Humina rin naman ito kinalaunan.

"So may I ask? May mga aspiring authors ba rito?" tanong niya samin.

May mga students na nagtaas ng kamay isa isa.

"Kuya Langris, published author po yung katabi ko!" sigaw ni Jeon na nag-echo sa buong theater.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

"Jeon! Shh!" pagpapatahimik ko sakanya.

Nagtinginan silang lahat sakin at hindi ko alam kung anong iaasta ko. Ngingiti ba ako o magtatago.

"Oh really? What's his name?" tanong niya kay Jeon.

"Vance Salmorin po!" sigaw ulit ni Jeon.

Gosh! This is embarassing.

"I think we should—" anyaya ko kay Zans na patahimikin si Jeon pero pinigilan niya ako.

"It's okay just relax." pagpapakalma niya sakin.

"Vance? Wait..., could you be Loventian?" tanong niya sakin.

"Wait Loventian? That BL author?" rinig kong bulungan ng iba.

Wait? I'm not that famous, but how come they already knew me.

"Are you Loventian?" tanong niya ulit sakin.

Napatayo ako dahil sa tanong niya.

"Uhm, yes po." sagot ko sa katamtamang lakas.

"Oh! Really! Gosh! Could you go upstairs?" alok ni Kuya Langris atsaka anyaya sakin pumuntang stage.

Wait?! Why is this happening?!

I just find myself walking awkwardly because I'm not that extroverted to be standing upstage.

Nang makaakyat ako sa stage ay pinatabi ako ni Kuya Langris sakanya.

"I'm really glad to see you. I love your story. The one that you've published? Actually may book ako niyan sa bag ko, papipirmahan ko sayo later." ika niya na parang excited.

I giggled awkwardly because I'm embarassed when I'm in the stage.

"Could you introduce yourself?" ika ni Kuya Langris.

Tapos may paintroduce yourself pa. Hindi ako handa paano na to. Tiningnan ko ang mga taong nakaupo sa harapan ko at kahit madilim ang theater ay kita ko yung mga mata nilang nakatingin sakin.

You can do this Vance.

"Greetings, I'm Vance also known as Loventian." pagpapakilala ko.

Maikli lang kasi hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.

Lovely and Solitary (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon