Vance's POV
"Maligayang pagbati sa mga bagong miyembro ng Music Club!" ika ng host.
Just like you already realized, I ended up signing in this goddamn club. Nabudol ako ni Kai. Hindi ko alam ang pinasok ko, hindi naman ako marunong tumugtog ng instruments pero andito ako ngayon, nakaupo sa tiles ng club room nila at nakikinig.
Ginamit ko ang mata ko sa paglibot sa buong kwarto. Their clubroom is well-lit. May mga instruments na nakalagay sa gilid. May piano, drums, guitars, at iba pa. I guess the school funded them well.
"Nakakaexcite no?" tanong sakin ng katabi kong mukhang bampira kung ngumiti.
"Ikaw lang," maikli kong tugon.
"Ahhh ako lang pala huh?," ika niya nang may pangaasar na tono.
Napatingin ako sa kanya dahil sa tono niya.
"You're getting the wrong idea, Kai." diretso kong sagot sakanya.
"Okay sabi mo eh, by the way kailan pala yung initiation act ng isa pang club na sinalihan mo?" tanong niya sakin.
Hmmm? Kailan nga ba?
"Ang alam ko next week eh. Hayst, bakit ang aga kasi ng club niyong magpaganto." pagmamaktol ko sakanya.
"Okay lang yan kasama mo naman ako." banggit niya sabay wink.
Tss, here he go again. Binaling ko nalang sa iba yung tingin ko atsaka nagfidget ng mga daliri ko. Nagpatuloy ang introduction ng host hanggang sa may narinig akong pamilyar na name.
"Let's all welcome, the leader of the defending champion of our Annual Battle of the Bands Competition, Shiiroi!" sigaw ng host.
Nagtilian ang ibang mga estudyante rito at nabalot ng ingay ang buong kwarto. Tiningnan ko si Kai at biglang sumeryoso ang tingin niya.
Sa harapan ay may tatlong tao, may dalawang babae at isang lalaki. Kulang ata sila ng dalawa. Ang aaliwalas ng vibes nila, hindi katulad ng banda ni Kai na parang lalamunin ka pag may ginawa kang masama.
"Hi, kamusta na kayo?" ika ng babaeng maputi na nakared na top at pencil skirt na latex na above the knee.
"Ako nga pala si Kaithia Vista. Ang vocalist ng bandang Shiiroi." pagpapakilala niya.
Ang ganda ng boses niya kahit nagsasalita lang siya ay ang satisfying pakinggan nito.
"Kasama ko ngayon yung mga band members ko. Yung drummer namin na si Kuya Atlas...," pagpapakilala niya sa lalaki. Lumakad naman ito paharap at kumaway. Siya'y nakablack na shirt at pants na pattern of black and red. Hindi ko alam kung anong tawag sa pattern na yon. May brace din siya at ang angas ng two block hair style niya.
"... at ang aming bassists na si Amalia." pagpapakilala niya sa isang member nila na nakapalda na black at may chains ito. Nakablack shirt din siya tapos hanggang leeg lang yung buhok niya.
"Mga fourth years na kami sa college na to. Loyal members din kami ng club na ito. I can't wait na makita kayong tumugtog at makalaban namin kayo sa December." ika niya sabay ngiti.
Isang palakpakan ang maririnig mula sa mga nakikinig sakanya. Habang si Kai ay diretsong nakatingin lamang sakanya.
"Now, for our initiation act. We need to see you perform. It can be any instruments." banggit ni Kaithia.
"However...," singit ni Atlas.
"You can't perform solo. You must perform with someone. If hindi kayo makapagpeperform, you can leave the clubroom now." dugtong niya nang may diin na ikinakaba ko.
BINABASA MO ANG
Lovely and Solitary (BxB)
RomansaSometimes when Autumn passes by, when trees have shedded their leaves, some of them can't grow them back. They're left unbloomed, withered, lost, forgotten, and solitary. Just like Vance who's a romance author who can't write love stories anymore. A...