Simula

6 1 0
                                    

"Anak, please stop, " She caressed my cheeks and looked at me. "Shh you need to get some rest, anak. Ilang buwan na kitang hinayaang ganiyan, please tama na ngayon, "

Hindi ko alam kung paano ako ulit magsisimula.

Hindi ko alam kung kailan ko matatanggap.

"W-why.." Bulong ko.

Bakit napakadamot ng mundo sakin?

"Anak, it's been a year....wag mo nang pahirapan pa yung sarili mo. Eto.." Napatingin ako sa hawak niya. "...inumin mo na 'to Prim, it will help you para gumaling ka agad, " Sinamaan ko siya ng tingin.

Agad akong umiling.

Ayoko, wala akong sakit.

Hindi ko kayang inumin' yon.

"Prim, kailangan mong inumin 'to. Hindi ko na kayang makita kang nasa ganiyang kalagayan, " At sa pangalawang pagkakataon inilapit ulit niya sakin yon.

"Ayoko nga! H-hindi pwede....h-hindi ko kaya.." I sobbed as I felt my tears begins to flow again.

Ilang beses na niya akong pinipilit inumin yun pero ayoko.

Kapag ininom ko yun hindi ko alam kung ano ng mangyayari sakin.

Mababaliw ako.

Kasalanan ko naman kung bakit nangyari ang lahat ng 'to. Isang taon ko ng sinisisi ang sarili ko pero hindi ko pa rin maiwasang magalit sa mundo.

Napakadaya.

Buti na lang iniwan na ako ni Mama dito sa kwarto ko.

Sumiksik lang ulit ako sa sulok katulad ng nakagawian ko nitong mga nakaraang buwan.

****

"Prim, mahal ko, " Naalimpungatan ako ng marinig ang pamilyar at mala-anghel boses na 'yon.

Nakatulog pala ako.

Agad kong hinanap kung saan nagmumula ang boses na 'yon, hindi ako nagkakamali.

Siya yun.

Ngumiti siya nang magtagpo ang mga mata namin.

Hindi ko rin mapigilang mapangiti. "M-mahal? N-nathaira.."


Every Glimpse of You (On-Going)Where stories live. Discover now