IV

13 1 0
                                    


"Pre, kamusta na?" tanong ni Rain.

"Tinatanong pa ba yan? Malamang malungkot yan, broken hearted eh." singit ni Zayn.

"Ikaw ba ang tinatanong ha? Ikaw?" ismid na sagod ni Rain.

"Tumahimik nga kayo," tumahimik naman sila at takang tumingin at nagbulungan.

Tss. Parang mga tanga.

Nandito kami ngayon sa bar na pagmamay-ari ng pamilya ni Rain, kabubukas lang eh. Pampalipas ng oras na rin. Miss na miss ko na si Alisha.

Nadako ang tingin ko sa mga babaeng naglalakad palapit sa pwesto namin. Rinig ko rin ang mga sipol ng mga gago kong kaibigan nang makalapit ang mga ito sa amin.

"Hello," sabi nung isang babae at umupo sa tabi ni Zayn.

"Hi," Nakangisi nitong sagot. Yung isa naman ay umupo sa tabi ni Rain sabay halik dito.

Langya daig pa si Flash.

Sa amin talagang magkakaibigan ako lang ang pinakamatino.

"Oy, Prim! Punta lang kami sa dance floor," pagpapaalam ni Zayn. Si Rain naman, hindi ko na nakita. Malamang iuuwi na naman non iyong babae.

"Sige,"

Matapos ang ilang oras, hindi ko na maaninang sila Zayj sa damce floor. Siguradong iniwan na rin ako non. Uminom na lang ako ng uminom. Mga gago talaga sila.

****

Napahawak agad ako ng ulo ng makaramdam ako ng sakit mula rito. Napadami ang inom ko kagabi kaya siguro ganito. Tiningnan ko na lang ang cellphone para silipin kung anong oras na.

11:24 A.M.

Shit, tanghali na.

Agad akong napabalikwas ng bangon na sana hindi ko n ang binigla. Tangina mas sumakit ang ulo ko.

Saka ko lang napasadahan ang tingin ang paligid ko. Hindi ito ang kwarto ko.

Nasaan na naman kaya ako?

Napatingin ako sa may pintuan nang marinig ko ang katok mula roon. Napakunot ang noo ko nang makita ang taong pumasok.

"Oh, kumain ka na. May gamot na rin dyan, inumin mo pagkatapos mong kumain para mawala na yung hangover mo,"

Karamel?

"What are you doing here?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Malamang nandito ako, unit ko 'to eh," maarte nitong saad.

Tsk.

"Bakit ako nandito?" taka kong tanong pero inirapan lang ako nito. "Teka, siguro... " tumingin ako sa katawan ko na nababalot pa ng kumot. ".. siguro pinagsamantalaha-"

"Hoy! Huwag kang assuming! Asa namang gagawin ko yan, over my gorgeous body. Yuck!" nandidiri niyang sabi sabay walkout.

Wtf? What was that?

Karamel's Pov

Kapal naman ng mukha ng lalaking yon! Ginawa pa akong manyakis.

"Oh," nadako ang tingin ko sa bwiset na lalaking yon na inaabot ang tray sa akin pero tiningnan ko lang yon.

Bahala kang mangawit dyan. Bwiset ka!

Every Glimpse of You (On-Going)Where stories live. Discover now