Nagising ako liwanag na tunatama sa aking mata. Nilibot ko ang paningin kung nasaan ako.
Hindi ito ang kwarto ko. Nasaan ako?
Ang natatandaan ko lamang ay nanduon ako sa park kung saan ako iniwan ng babaeng mahal ko. Bumalik na naman sa isip ko ang nangyari nung araw na iyon. Hindi ko matanggap na wala na siya sakin. I really love her.
I hope he'll take care of her just like what I did.
Agad akong nagpunas ng mata nang marinig ko ang tunog ng pinto, tanda na may pumasok.
Nilingon ko iyon saglit at binalik ang paningin ko sa bintana.
Sino to?
"Who are you?"
"Gising ka na pala," rinig ko ang pagbaba niya sa tray na nakita kong dala niya. "Kumain ka na muna,"
"I'm not hungry," ani ko ngunit bigla na lang kumulo ang sikmura ko kaya napahawak ako sa tyan ko. Rinig ko naman ang bahagyang pagtawa ng babaeng iyon.
"HAHAAHAHAHAHA. Sige na, kumain ka na," hindi na ako nakatanggi kasi gutom na naman nga ako. Kumain na ako, lumabas naman siya.
Pagkatapos kong kumain, sakto namang pagbalik niya.
"Who are you?" tanong ko ulit.
"A-ako?" sabay turo niya sa sarili niya saka lumingon-lingon sa paligid.
Tanga ba siya? Wala naman ng ibang tao pa maliban sa aming dalawa.
"Tss. Stupid," iritado kong sagot.
"Aba! Sungit nito ah! Malay ko ba kung ako nga ba talaga. Baka kasi may nakikita kang hindi ko nakikita tsaka sa bintana ka nakaharap no dzuh. Mahirap na baka masabihan pa akong assuming," napatakip na lang ako ng tenga sa mahaba niyang litaniya.
Anong klaseng bunganga meron ang babaeng ito? Parang nakalunok ng megaphone kung makapagsalita.
Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. "Are you done?"
"@#$&$#&/.." Bulong niya pero hindi ko maintindihan.
Tsk. Alien words.
"What?"
"Hoy! Don't what-what me ha!" inirapan ko na lang siya. "Ang sungit talaga! May regla ka ba?!"
Wtf? Is she insane?
"Tss," bumulong na naman siya ulit pero hindi ko talaga maintindihan. Napakunot na lang ang noo ko. "Ha?"
"Hakdog," At ayun tumawa siya ng malakas. Hindi ko alam kung bakit pero napatawa na lang din ako. Siguro dahil sa tawa niya, nadala lang ako. Para kasing mangkukulam.
"Yey! Mission accomplished! Napatawa din," Sabi niya at may pagtaas pa ng kamay na nalalaman.
Napabalik naman ako sa pagkaseryoso."Who?"
"Ito naman. Pinapatawa ka na nga e," aniya saka nag-pout.
Eh?
"Ugly duckling," nag-iwas ako ng tingin.
"SML?"
Napakunot na naman yung noo ko. "What?"
Ano bang meron sa babaeng 'to. Taga ibang planeta yata ito.
"Share mo lang," At humagalpak siya ng tawa.
What the fuck?! I can't imagine myself talking to her. She's crazy.
"Anong iniisip mo?"
"None of your business," Tumingin naman ako sa kanya. "Who are you?"
"Ay! Nga pala, sorry. Uhm, I'm Karamel," Pagpapakilala niya at naglahad ng kamay sa harap ko pero tinitigan ko lang yun.
Karamel? Anong trip kayang magulang niya?
Nagulat na lang nang bigla niya yung itinaas at nagsayaw. NeyNey dance moves? The heck!
What the---she's definitely crazy!
Napailing na lang ako at tumayo. "I have to go."
"Hindi pwede!" pigil niya sakin at hinawakan niya ang braso ko.
Naramdaman ko ang pagdampi ng likod ng palad niya sa noo at leeg ko. "Mataas pa ang lagnat mo.""Get off," sabay bawi ko sa braso ko. At tumuloy na sa paglalakad pero tumakbo siya at humarang sa harap ko.
Ano bang problema ng babaeng 'to?
"Hindi nga pwede! Ano ka sinuswerte?! Ulol! Aalis ka na lang ng hindi mo binabayaran yung bill mo?! Tae mo! Two days ka kaya dito! Wala akong dalang pera kaya bayaran mo yan! Pero.. sige, kung gusto mo ng umalis edi go! Shoo! Ipopost ko na lang yung scene niyo na vinideo ko!" sigaw niya.
Sheez! Nakakarindi naman 'to! Magkaharap lang kami pero sigaw siya ng sigaw. Pero---
Napakunot yung noo ko.
Binablackmail niya ba ako?
"What are you talking about?" Napatingin namn ako sa paligid paligid. "Where are we?"
"Ano ba?! Kanina ka pang english ng english, dumudugo na yung ilong ko!" sabay pahid sa ilong niya pero wala namang lumalabas. Tss. OA.
Napairap na lang ako sa kawalan. "What bill? Scene? Video?"
"Wala! Chupi! Alis na!" pagtataboy niya sakin. Tsaka itinulat-tulak ako papunta sa pinto kaya hinawakan ko sa siya sa magkabilang balikat. "Ano?!"
"I'm asking,"
Inirapan niya lang ako at tinanggal ang pagkakahawak ko sa balikat niya. Nagmake-face siya. "Nyenyenye! Alis na! Shoo!" sabay tulak ulit sakin hanggang sa makarating na kami sa may pinto.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Aren't you going to answer?"
"Hindi!" Napapikit na lang ako ng mariin sa pagkainis.
Hinawakan ko ulit yung magkabilang balikat niya at inikot siya at isinandal sa pinto. Nagkapalit na kami ng pwesto. Kinorner ko siya, ininis ako e.
"Spill... or I'll kiss you, " I saw her eyes widened and blushed. I smirked. Is she scared or what?
She really looks stupid.
"Oo na! Oo na!" dahan-dahan kong inilapit yung mukha ko sa kanya. Mabilis naman niyang tinakpan yung bibig niya. "Sasabihin ko na!" kaya lumayo ako sa kaniya.
"Good girl," Ti-nap ko yung ulo niya. Sinibangutan niya lang ako. "Spill it,"
Tumikhim naman siya.
Kakanta ba siya o magkukwento?
"Nandito ka sa Hospital. Dinala kita dito kasi nahimatay ka. Alangan namang dalhin pa kita sa bahay namin no edi nabungangaan ako ng nanay ko. Nagtataka nga ako kung bakit grabe sila makaasikaso sayo. Yung bill? Yun yung babayaran mo dito sa Hospital malamang. Yung scene? Yun yung scene niyo nung isang araw sa park, vinideo ko yun. Full movie yun ah." Tapos tumawa siya. Tss. Ano bang nakakatawa dun? "Grabe ka! Ang iyakin mo! Kaawa ka e, ang sama naman nung girlfriend mo-ex mo na pala,"
YOU ARE READING
Every Glimpse of You (On-Going)
RomancePrim Xildius Guerrero is one of those people who doesn't care about the world, all he wants is to disappear from this world - until he meets Nathaira Karamel Villa Fuerte.The only woman who changed his perspective. The woman he didn't expect he woul...