VI

10 0 0
                                    

Karamel's Pov

Walang pasok ngayon dahil may retreat ang mga teachers kaya tanghali na ako nagising. Naisipan kong pumunta sa mall para makapa-grocery kasi nauubusan na ako ng stock na pagkain.

***

Habang nagtutulak ako ng cart ay may biglang nagtakip ng mata ko. “Susuntukin kita, tanggalin mo 'yan,” pagbabanta ko rito ngunit tawa lang ang sinagot nito sa'kin.

“Hulaan mo muna kung sino ako,” aniya.

Umirap ako sa isip ko. “Prim,” tinanggal na niya ang pagkakatakip sa mata ko at humarap sa'kin.

“Pa'no mo nalaman?”

Inirapan ko siya. “Sa amoy mo dzuh,” maarteng saad ko rito. “Ginagawa mo rito?” tanong ko pa.

“Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng pumunta sa mall?” pabalang na tanong nito. Suntukin ko kaya 'to, tinatanong ng maayos eh!

Kaya gan'to kami mag-usap dahil naging close na kami simula nung gabing nakapag-usap kami sa park.

“May sinabi ba ako?” pabalang ring tanong ko rito.

“Wala naman,”

“Wala naman pala eh.” masungit kong sabi rito.

“Sungit mo.”

“Wow ha, parang hindi ka masungit sa'kin dati,” depensa ko.

“Sml?” aba, natututo na siya sa mga gantong salita ah.

“Hindi,”

“Ano?” tanong nito. Nakaisip naman ako ng kalokohan.

“Skl,” ani ko. Kita ko ang pagkunot ng noo nito, mukhang hindi gets ang sinabi ko.

“Eh?”

“Sakin ka lang,” pansin ko ang pamumula ng mukha niya. BWHAHAHA cute.

“Yuck! Mamili ka na lang d'yan,” iritang sabi nito. Bahagya akong napatawa.

“Asus, kilig ka?” pang-aasar ko rito.

“Asa,” arte nito. Ako na 'to oh!

****

Pagkatapos naming mamili, pumunta naman kami sa park.

“Kara,” tawag niya sa'kin pagkaupo namin.

“Yep?”

“Alam mo ba, sariwa pa rin sa ala-ala ko yung nangyari 4 weeks ago,” nakangiting aniya pero halata naman sa mata niya ang lungkot.

Binatukan ko siya. “Malamang hindi pa naman matagal eh.” saad ko.

Sinamaan naman ako nito ng tingin habang nakahawak sa batok niya. “Namo!” mahina akong natawa. Napalakas yata ang hampas ko sa batok nito.

Nag-peace sign lang ako rito, syempre with pa-cute.

May nakita kaming mga batang palapit sa amin, mga nanglilimos.

“Alis muna ako,” biglang sabi ni Prim habang nakatingin sa mga bata na naglalakad pa lang palapit.

Hinabol ko na lang siya ng tingin paalis.
Napakunot na lang ang noo ko. Anyare kaya don?

Napalingon na lang ako sa harap ko ng may mga nagsalita.

“Ate, pengeng barya,”

“Penge pong pagkain,”

“Ilang araw na po kaming hindi kumakain,”

“Ate..”

Ha? Ay saglit mga bebe.” nagkalkal ako sa mga napamili namin kanina ng maiibigay para sa mga bata. Kawawa naman sila. “Nga pala, nasaan na mya magulang niyo?” tanong ko sa kanila habang naghahalungkat.

“Iniwan na po kami.” saad ng mukhang pinakamatanda sa kanila. Halos mga nasa labing isa pababa ang edad nila.

“Eto oh sana mapagkasiyahan niyo na 'yan. Pasensya na ah konti lang kasi nabili kong ngutngutin,” sabay abot ko ng tinapay at ilang balot ng gummy bears.

“Salamat po.”

Nahagip naman ng paningin ko ang lalaking naglalakad palapit sa dereksyon namin. Mas nakaagaw ng pansin ko amg mga bibit nito. Ang dami naman.

“Mga bata, tawagin niyo pa yung iba n'yong kasama para makakain din sila.” sabi nito sa mga batang kaharap ko.

Ibinaba naman nito ang bitbit na ilang supot at nakita kong pagkain ang laman ng lahat ng mga 'yon.

Sa hindi malamang dahilan bigla na lang akong napangiti hanggang sa tumabi siya sa'kin. “Eto oh, kain ka na rin,” sabay abot sa'kin ng isang packmeal.

Inabot ko na ito at nagsimulang kumain. “Salamat,” ngumiti lang ito sa'kin at magsimula na ring kumain.

Tiningnan namin yung mga bata na kumakain. Bakas ang saya sa mga mukha nila. Hindi ko na rin mapigilang mapangiti.

---

Nakangiti akong pinapanood silang naglalaro. After kasi naming kumain ay nag-aya si Prim na makipaglaro sa mga bata.

Ang cute nilang tingnan.

Nagulat na lang ako ng may batang nagtago sa likod ko.

“Ate.. ate shh ka lang,” napatawa na lang ko mg mahina at tinutulungang itago ang bata. Si Prim pala ang taya.

Tumakbo ito sa direksyon ko sabay tap sa balikat ko. “Taya!” aniya. Napakunot naman ang noo ko.

“Hoy! Hindi ako kasali!” reklamo ko rito.

“Walaaa, kasali ka na,” tumatawag saad nito. Nagsisang-ayunan naman ang mga batang kasama niya.

Aba pinagkaisahan ako ah!

Sinamaan ko siya ng tingin at tumayo na. No choice tuloy, lugi ako nasa side niya ang mga bata!

“Huwag kang papahuli sa'kin, Prim. Mayayari ka talaga!”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Every Glimpse of You (On-Going)Where stories live. Discover now