-SCARLET
At Korea's Airport.
"Bakit naman ang tagal mong lumabas? "Lolo
"Kinuha ko pa po kasi yung mga gamit natin. Magbuhat naman po kayo kahit isang bag lang po "sabi ko kay lolo pa'no ba naman kasi maydala na nga akong maleta, backpack tapos bitbitin. GAWD! AMBIGAT :'(
"Masyado na akong matanda para magbuhat ng mga bagahe "sabi ni lolo habang naglalakad at ako dire-diretso lang na nasunod.
"Sige na po lolo isa lang naman po atsaka karamihan naman po dito gamit mo 2 days lang naman kasi tayo dito tapos kung makadala ka ng gamit kulang na lang po dalhin mo na yung bahay "sunod-sunod na sabi ko.
"Ganyan talaga pag-matanda na dumarami ang gamit. "Sabi nya at tumigil sa harap ng lalaki na may hawak ng banner na may pangalan ni Lolo. Nag-usap lang sila at wala akong maintindihan. Alien Talk -_-
"Apo, aalis na ako at pupunta pa ako sa seminar sunduin mo nalang ako mamaya at ikaw na mauna pumunta ng hotel" sabi nya at aalis na pero pinigilan ko.
"Lolo pamasahe ko"lahad ng kamay binigyan naman ako ng 10.000 "bakit 10.000 lang po? "
"Kasya na yan matuto kang magtipid matanda kana wag ka ng mag-taxi mag-bus ka na lang"sabi nya at iniwan na nya ako.
Ang kuripot talaga ni Lolo . Anu bayan? Ano pa ba magagawa ko? Naglakad na lang ako palabas ng airport dumaan ako sa Gate 4 .
TAKBO.
TAKBO.
TAKBO .
TAKB-.
Napatigil ako sa pagta-takbo kasi natanggal yung gulong ng maleta ko. Kinuha ko lang yung gulong at naglakad na lang kahit pagewang-gewang yung maleta. Mabuti na lang may bus na dito sa waiting shed . Paakyat na ako sa bus ng may nangunang lalaki.
"TEKA.HOY "Naku naman hayaan mo na nga.
Nakarating naman ako sa hotel kung saan naka-assign kame ni Lolo "Grabe.Pagod na ako"sabi ko sa sarili ko. Namangha ako ng makita yung kabuuan ng kwarto parang naging star na puso yung mga mata ko. Pumunta ako agad sa bintana at binuksan ang kurtina. Grabe parang nakikita ko yung buong Korea *u* . Pagkapsok ko sa mismong kwarto nakita ko agad yung kama (master bed size) umakyat agad ako sa kama nagtatalon,gumulong-gulong maya-maya napagod na ako sa kabaliwan na ginagawa ko. "Ano kaya mgandang gawin? Kakain muna ako " masiglang sabi ko sa sarili "Ay!Hindi mamasyal muna ako"
KAKAIN
MAMASYAL
KAKAIN
MAMASYAL
KAKAIN
MAMASYAL
KAKAIN
MAMASYAL
Matapos ang mahabang seremonya nanalo ang MAMASYAL ↖★_★↗ . Namasyal muna ako at nagikot-ikot sa kung saan-saan. Ang ganda talaga grabe! Napadpad ako sa hindi ko alam kung saan ang alam ko lang malapit ito sa hotel may dagat na katabi .
*RING*
*RING*
*RING*Cellphone ko. Agad na kinuha ko sa bag at sinagot.
"Hello. Sino to? "
"ASAN KA BA? KANINA PA AKO DITO ".si Lolo pala nalayo ko yung Cp sa tenga ko.
"Sige po Lo, Hintayin mo nalang po ako dyan papunta na po ako. "At pinatay na nya hindi ko napansin tanghali na pala. Pumunta agad ako sa address na binigay ni Lolo pero pagkarating ko dun wala na sya. Bumalik na lang ulit ako sa hotel.
"Lo naman nagpasundo pa kayo tapos hindi nyo naman pala ako hihintayin. " sabi ko kanya na prenteng nakaupo.
"Mag-ayos kana at iuwi na tayo ng pilipinas "
"WHAT? Lolo naman wala pa po tayong 1 araw dito sa Korea uwi agad? "
"Kung ayaw mo umuwi. Maiwan ka dito "sabi nya at naglakad na palabas.
"GIVE UP NA AKO "sigaw ko at sumunod sa kanya.
"Pero Lo , bago tayo umuwi kain muna tayo nagugutom na ako e! " sabi ko.
"Sa Pilipnas kana kumain"sabi nya ng hindi man lang tumitingin sa akin.
"Sige na Lo, nagugutom na po talga ako. Kagabi pa ako walang kain "
"Kumain ka dyan "turo nya sa isang restaurant.
"Talaga Lolo? "Tanong ko.
"Pero maiiwan ka. "Sabi nya ng ngumisi ng nakakaloko.
"Naman eh! "
Nakauwi na kami ng Pinas pagkadating sa bahay kumain agad ako. Dahil nagugutom na talaga ako to the nyt power. Na-tiis talaga ako ni Lolo na hindi kumain. Grabe! AMBAD: '(