Chapter 3

274 4 0
                                    

Pagkatapos umalis ni sir Ivan ay dali dali akong kumain, hinugasan ko na rin ang mga pinggan na nagamit at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Sinadya kong i lock ang pinto, para hindi ako maisturbo. Ngayon makakapag pahinga na talaga ako ng walang ina alala dahil may permiso ako galing sa amo ko.

Nakakapagtaka lang dahil parang sinaniban siya ng kung ano kaya ang bait niya kanina. Napagdesisyonan ko ng mahiga at matulog dahil sa sobrang pagod at antok.

' I see a stranger in your eyes, where once I saw a soulmate '

" Don't you dare playing the victim card. You made me like this . "

' I'm sorry if I hurt you while I was suffering '

" Liar "

' I am not '

" You left like I was never a reason for you to stay . You fucking chose him over me because I have nothing to offer "

' It's not true '

" And I will never believe in you again "

Bigla akong napabalikwas ng bangon dahil sa panaginip na yon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang panaginip ko, hindi ko rin ma aninag kung sino ang lalaking kausap ko napaka labo ng lahat, ngayon lang ako nanaginip ng ganto.

Pinilit kong bumangon at tinignan kung anong oras na bale alas tres na pala ng hapon. Masyadong mahaba ang naging tulog ko, mas mabuti pang magpakita na ako sa mga kasamahan ko at baka mapag initan na naman ako.

Nag tungo ako sa kusina para sana uminom ng tubig nang hindi sadyang narinig ko ang usapan ng mayordoma at isa pang katulong.

' Manang bakit po parang ang init ng dugo ni sir kay Eunice,  kagabi po kasi nakita ko siyang bumaba at kumuha ng dust pan. May pasa po siya sa pisngi at sa braso '

" Deserve naman yon ng babaeng yon "

' Pero mukha naman pong mabait yung tao '

" Magaling lang yan mag panggap, pera lang naman ang habol niyan kay sir. Kaya ikaw wag kang ma awa sakanya, utusan mo lang ng utusan at kahit saktan mo pa yan walang magagalit "

' Parang hindi naman po tama yon '

" Kung hindi ka rin makikisama, mas mauuna kang mawalan ng trabaho kesa sakanya. Naiintindihan mo ba? "

' O-opo '

Bigla akong nag lakad palapit sakanila at nagpanggap na parang walang narinig. Nagulat pa ang isang katulong at inismiran lang din naman ako ng mayordoma.

" Gising kana pala , tamang tama nakahanda na ang swimming pool. "

' Ano po bang gagawin ko dun? '

" Linisan mo, gagamitin yan sa saturday. "

' Ako lang po ang mag lilinis? Ang laki po ng swimming pool at hindi ko yun kaya ng mag isa '

" Kung sisimulan mo na ngayon, panigurado ay may matatapos ka. Wag puro reklamo, katulong ka dito kaya sundin mo ang lahat ng inuutos sayo "

Napabuntong hininga na lang ako, dahil wala rin naman akong laban. Nag simula na rin akong ihanda ang chlorine tablet, pool brush, Skimmer net at vacuum.

Kasalukuyan akong nag vavacuum ng biglang may tumulak sakin na naging dahilan ng pagbagsak ko sa malalim na parte ng swimming pool. Marunong naman akong lumangoy pero nabuhol sa vacuum hose ang isa kong paa, bigla ay para akong na trauma sa lalim ng tubig, hindi ako makahinga at nanaig ang takot ko.

My Wife Unknown Suffering Where stories live. Discover now