Chapter 24

12 0 0
                                    

Halos buong magdamag akong gising dahil sa hindi nako maka tulog. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagpaplano ng susunod kong hakbang sa pagpatay sa mga taong umabuso sakin. Lintik lang ang walang ganti.

Isa Isa kong tinitigan at inasinta ng dart and mga mukha ng mga taong may atraso sakin, nasa gitna ng bulletin board ang malaking picture ni Savilla. You're not exempted on my sweetest revenge my dear ex.

Galit at paghihigante lang ang nararamdaman ko tuwing makikita ko ang mga pagmumukha nila. Simpleng buhay lang ang hangad ko pero pinagkait nila sakin yon. Wala akong kasalanan pero sobra sobrang parusa ang pinagdaanan ko, sa mga panahon na mag isa ako naging mature na ang pag iisip ko. Kailangan ko munang gumanti bago magpatawad.

Pagkaraan ng ilang oras na pagpaplano ay naisipan ko ng maligo at nag ayos na rin ako dahil oras na para lumabas sa lungga ko. Nag suot ako ng black hoodie, cap, and sunglasses, lumabas ako ng apartment habang palinga linga sa paligid. Duman rin ako sa secret way ko palabas ng baranggay.

Ng makarating sa highway ay pumara ako ng jeep, nagpababa ako sa Townsville at dumiretso na sa malaking bahay na binili ko para sa sarili ko. This is my dream house, pero ayokong namamalagi dito dahil sa sobrang laki ay mas lalo ko lang nararamdaman na mag isa ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pag hahanda ng agahan ng may marinig akong kalabog sa may living room. Agad kong hinanda ang sarili ko at kumuha ako ng kitchen knife at itinago ito sa likod ko. Dahan dahan akong naglakad ng walang ingay papuntang sala pero wala akong nakitang tao. Na alerto ako bigla ng maramdaman kong may tao sa likod ko kea agad akong yumuko at umikot paharap sakanya ng may distansya.

Nagulat siya sa bilis ng kilos ko kaya napataas siya ng kamay, senyales Ng pagsuko niya.

Walang emosyon ko siyang tinitigan.

' let's talk ' he pleaded

" Leave before I stab you " I said coldly.

" Feel free to stab me, but please let's talk first. Let me explain at pagkatapos pwede mo nakong patayin total wala naman nakakaalam na nandito ako. I will gladly accept my death if that's the only way you can forgive me. "

' Wala tayong dapat pag usapan, umalis kana ' galit na saad ko

" Hindi ako aalis hangga't hindi mo ko kinakausap. Eunice please, ma awa ka naman, every night lagi akong nagsisisi, hindi ako makatulog dahil hinahunting ako ng pagkawala mo. Alam kong ang laki ng kasalanan ko sayo pero bigyan mo naman ako kahit huling pagkakataon na makabawe, ibalik natin yung mga panahon na okay pa tayo. Hindi ko na kayang mabuhay ulit ng wala ka sa tabi ko " desperadong saad niya.

' Bullsh*t, stop your drama will you? ' pagmamatigas ko.

" H-hindi ko alam na naaksidente ka " naluluhang sambit niya.

' Hindi mo alam? talaga lang hah! Para sabihin ko sayo ilang beses ko sinabi sayo, oo nakinig ka nga pero hindi ka naman naniwala kaya wag mo kong idaan sa mga rason mo. I'm done with you Ivan, now go and leave me alone '

" Take me back Eunice " desperadong pagmamakaawa niya.

' I don't need someone like you in my life Ivan. '

" Pero ikaw kailangan kita, gantihan mo ko pero please take me back. You're my life and I need you so please " naluluhang saad niya.

' Get out ' pagmamatigas ko

Pero bigla niya kong niyakap ng mahigpit, hindi ako nakagalaw sa hindi ko malamang kadahilanan.
I missed him but this is not right.

Buong tapang ko siyang itinulak. Galit ko siyang tinignan pahiwatig na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya.

My Wife Unknown Suffering Where stories live. Discover now