Chapter 14

194 5 3
                                    

Kinaumagahan ay nagising ako ng bandang alas kwarto, mabigat pa rin ang katawan ko pero sinikap ko pa ring magsuot ng damit na tago ang mga pasa na natamo ko kagabi.

Nagtungo ako sa kusina at nag handa ng mga sangkap sa paggawa ng agahan. Nagluto ako ng rice, pork adobo at sunny side up egg. Heavy meal kung tutuusin pero okay na din.

Hinanda ko na rin ang kape na paborito ni Ivan ng marinig ko ang mga yapak niya.

' good morning po '

Hindi man lang siya kumibo at patuloy lang sa pag upo, nagsandok na rin siya at kumain ng kumain.

Habang ako naman ay nakatanga lang sa gilid, pinagmamasdan siyang kumain. Nakakatakam ang bawat pag subo niya. Nakaka inggit lang dahil ako mismo na nagluto ay hindi makakain ng sapat.

Ng matapos na siya at umalis sa upuan ay lumayo ako ng kaunti. At ng mawala na siya sa paningin ko ay niligpit ko na ang naiwang kalat niya.

Sa ayos niya ngayon ay palagay ko hindi siya papasok sa opisina dahil simpleng white sando and jersey lang ang suot niya.

Katulad ng dati ay inabala ko ang sarili ko sa pag lilinis, hinayaan kong mapagod ako hanggang sa mapansin ko ang oras.

Alas singko na pala ng hapon. Maghahanda na sana ako ng hapunan ng makitang abala na sa pag aasikaso ang ibang katulong.

Nagtungo na lamang ako sa kwarto ko ng makaramdam ako ng pagkirot sa bandang puson ko. Nakakapanghina ang sakit kaya naupo muna ako.

Sa pagtayo ko lang nalaman na meron na pala ako, may naiwang mantsa sa karton na inupuan ko.

Agad din akong naghanap ng sanitary pads pero wala akong makita. Bumalik ako sa maid's quarter at hinanap ang mga hygiene products na binili namin sa mall pero hindi ko makita ang mga ito.

Nang mapagod na sa kakahanap ay tinanong ko ang mayordoma kung saan niya nilagay ang mga naiwang gamit ko. Tanging tugon niya lang ay binawe daw lahat ni Ivan yung mga binigay nito sakin.

Kaya dahil wala akong choice ay lumapit ako sa isa sa mga katulong na palagay ko naman ay mabait.

Lumapit ako kay Anne at nagtanong kung meron siyang extra pads ngunit ang sabi niya ay naubusan na daw siya ng stocks kea naglakas loob na lamang akong humiram sakanya ng isang daan. Pinahiram niya din naman ako bagay na pinagpasalamat ko.

Alas singko trenta ng hapon madali na rin magdilim ng lumabas ako sa mansyon. Wala ring tindahan sa loob ng subdivision kaya napagdesisyonan kong lumabas.

Nakarating ako sa may unahan ng talipapa at doon lang ako nakakita ng MiniMart. Walang atubili na pumasok agad ako at hinanap ng kailangan ko. Kumuha ako ng isang pack ng sanitary pads at bumili rin ako ng maliit na pangpahid sa puson ko. Masyadong lumalala ang menstrual cramps ko.

Nang matapos na sa pagbabayad ay lumabas na ako ng MiniMart, agad natanaw ng mata ko ang maliit na tindahan ng mga street foods. Sa hindi ko mapaliwanag na pagkatakam ay bigla akong lumapit sa tindahan.

Tokneneng agad ang kumuha sa atensyon ko. Tingin ko pa lang ay nagugutom nako.

Nagmamadaling binilang ko ang sukli ko kanina, may tira pa kong 25 pesos.

Tinanong ko rin ang nagtitinda at sabi nya Lima bente daw ang tokneneng. Walang ano ano ay bumili agad ako.

Maraming sauce ang inilagay ko sa baso. Habang pabalik sa mansyon ay hindi ko napigilan ang sarili ko na kainin ang dalawang piraso nito.

Sobrang sarap, kung may sapat lang sana akong pera hahayaan kong magsawa ako sa kakakain nito. Sa sobrang aliw ko sa pagkain ay kahit papano nakalimutan ko ang kirot sa puson na nararamdaman ko.

My Wife Unknown Suffering Where stories live. Discover now