Prologue

138 5 5
                                    

Naglalaro kami ng kasal kasalan yung may dalawang partner.

Tapos magkahawak kayo ng kamay.

Ang malas ko hindi ako
kapartner ni crush.

Ba't bestfriend ko pa.

Ehh magkahawak kaya yung kamay nun pagmaglalaro.

Tapos nakikita ko pa yung ngiti nila habang magkahawak yung kamay.

Hmp!

"Ohh! Ba't nakabusangot ka jan papanget ka nyan!"- Si Anthony

Yung lalaking lagi kong kasama pero wala naman kaming crush sa isa't isa or should I say kilala naman namin ang crush ng isa't isa.

Magbestfriend kami ganon.

Pinahaba ko pa ano ba to.

Kaya ayun naglaro kami kaso nadistruck ako sa paglalaro kasi ba naman naglalampungan sa harap ko yung bestfriend ko. oo bestfriend ko at crush ko.

Sino ang crush ko siya lang naman si Bitoy ang corny ng name noh.

Pero ang pogi niya promise.

Andami kayang nagkakacrush sa kanya. Yun nga lang di ako ganon ka stalker kaya di ko alam totoong pangalan niya pero trust me crush ko talaga siya.

Kaya eto lagi na lang akong nakasimangot pagmay kasama siyang ibang babae pero ang madalas naman niyang kasama ehh yung bestfriend ko na si Angel.

At ngayon taya na kami ni Anthony kasi nga nadistruck ako sa dalawa.

At ngayon taya na kami maskitang kita ko pa yung paglalampungan nila.

Ugh!

Habang pinapalo ni Angel sa braso si Bitoy

Eto ako at nagtataya ng One Bamboo na ang kamay na naka sarado yung parang manununtok ganon nakalagay sa ulo ko dapat hindi sila dumikit doon kasi matataya sila.

Habang nagtataya ako tumalon na ang prefect couple sa harap ko.

Oo binansagan silang perfect couple kasi maganda si Angel tapos pogi si Bitoy.

At eto ako Simpleng tao.

Hindi Maganda at Hindi rin panget.

Yung tama lang.

Hindi rin mayaman. Hindi rin mahirap.

Yung may kaya.

Basta sakto lang lahat ganon.

Pagkatalon na pagkatalon nung perfect couple sa harap.

Hmmm! Ang bango ni crush promise.

Si Angel din naman mabango.

Sa subdivision nga pala kami nakatira kasama syempre etong mga kaibigan ko.

At mayaman si Angel at Bitoy.

Hindi ko sila talaga kayang pantayan.

Sabi nga nakatakda na nga daw silang magpakasal pag laki nila.

At syempre hindi ko naman ititigil pa ang pagkakasal nilang dalawa.

Isa lang naman akong simpleng tao na nagkakacrush sa isang tulad ni Bitoy.

Hhaayy!

Habang naglalaro may dumaang lalaki sa harap.

Tinignan ko ng maigi yung itsura.

Putek si Angelo yun yung kababata ko.

Ang pogi niya tsk super siya na ata yung bago kong crush promise.

Love Means [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon