PUNUNG-PUNO ng galit at poot ang dibdib ni Grizelda nang malaman niya ang katotohanan sa pagkamatay ng kaniyang mama at papa. Galit na galit siya sa mga taong responsable sa pagkawala ng mga ito dahil ang mga ito ang dahilan kung bakit naging ulilang lubos siya. Marami pa sana silang oras na magkakasama pero ninakaw ng mga ito sa kaniya. Walang ibang nasa utak niya kundi paghihiganti. Gusto niyang pagsisihan ng mga taong iyon ang pagpatay nito sa mga magulang niya!
Agad siyang nagsimula sa training sa private gym ni Ninong August. Meron siyang iba't ibang trainor sa iba't ibang martial arts. Pati street fighting at hand-to-hand combat ay pinag-aralan niya rin.
One week siya na papalit-palit ng pinag-aaralan hanggang sa sinabihan siya ni Ninong August na kailangan nang masubukan kung gaano na ang natutunan niya sa pakikipaglaban nang walang ginagamit na armas. Anito, magkakaroon ng isang underground cage fighting at naipalista na nito ang pangalan niya.
"Lalaban ka na bukas ng gabi kaya may kaunting oras ka pa para magsanay. Walang rules ang match na iyon. Ang kailangan mong gawin ay mapatulog o mapasuko ang iyong kalaban," turan ni Ninong August.
"P-pero, ninong, one week pa lang akong nagte-training. Is that enough para sumabak agad ako sa isang match?" Medyo kinakabahan niyang tanong.
"Ready or not, kailangan mong lumaban. Kaya sanayin mo na ang sarili mong maging handa sa lahat ng bagay at laban. Ganiyan ang mundong ginagalawan ng papa mo noong siya ay nabubuhay pa. Hindi ka na pwedeng magback out para bukas, ha. Magsanay ka pa kung kinakailangan. Isipin mo na palaging nasa likuran mo ang papa at mama mo sa lahat ng iyong ginagawa, Grizelda."
Tumango siya nang makuha ang ibig nitong sabihin. "Okay, ninong. Lalaban ako bukas."
"Very good, Grizelda. By the way, inutusan din ako ng papa mo na ibigay sa iyo ang bracelet na ito. Sinabi niya sa akin ilang linggo bago siya pinatay ng mga Falco Mafia."
Isang gold bracelet na katawan ng dragon ang design ang ibinigay ni Ninong August sa kaniya. Isinuot niya iyon at talagang sakto sa kaniyang braso. Mahigpit niya iyong hinawakan at naramdaman niya ang presensiya ng kaniyang namayapang ama.
"Good luck bukas, Grizelda!" Tinapik siya nito sa balikat bago umalis.
-----ooo-----
SA totoo lang, kinakabahan si Grizelda. Isang linggo pa lang siyang nagsasanay sa pakikipaglaban at alam niya sa sarili na hindi pa siya ganoon kalakas at kagaling para humarap sa isang totoong laban o away. Hindi niya alam kung kaya niyang ipanalo iyon pero dahil sa kailangang humarap siya sa ganoong sitwasyon upang masanay siya ay gagawin na lang niya.
Magdamag siyang nagsanay. Nakipag-sparring pa siya sa tatlo niyang trainor para meron na siyang idea kung paano ba kapag meron talagang kalaban. Kahit ang mga trainor niya ay sinabing hindi pa siya handa pero wala na siyang magagawa. Hindi na siya pwedeng umatras kagaya ng sinabi ni Ninong August.
Sobrang sakit ng buong katawan ni Grizelda nang umuwi siya sa bahay kung saan siya pansamantalang tumutuloy. Hindi na kasi siya pwedeng umuwi sa bahay kung saan siya lumaki dahil alam na ng mga kalaban ng papa niya kung saan siya nakatira. Kahit ang mga kasambahay nila ay inalis na roon. Abandoned house na tuloy ang kanilang bahay. Ayaw niya sanang umalis doon kasi lahat ng memories niya simula pagkabata ay nandoon. Pero kailangan niyang umalis kundi mapapahamak siya. Paano pa siya makakapaghiganti kung pati siya mawawala, 'di ba?
Sinabi sa kaniya ni Ninong August na matagal nang nakatayo ang bahay na iyon dahil alam ng papa niya na mangyayari na malalaman ng mga kalaban kung sino ang mga taong pinoprotektahan nito.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss' Only Princess
Ação[PREVIEW ONLY] Grizelda was once a sweet and loving girl. But she turned into a cold and heartless woman when she discovered the real story behind her father's death. She became "Zelda" and became the "boss". Ang tanging nais niya ay ang maipaghigan...