CHAPTER 04

576 42 4
                                    




WHERE am I? Iyon ang agad na tanong ni Grizelda nang bumalik ang kaniyang ulirat.

Hindi niya alam kung nasaang lugar siya pero mukhang isang warehouse ang kaniyang kinaroroonan. Medyo madilim ang paligid at nakahiga siya sa isang malambot na kama. Napakalawak ng lugar na iyon. Walang ibang tao kundi siya lang. Sinubukan niyang bumangon pero parang pinupukpok ng martilyo ang ulo niya sa sobrang sakit.

What happened? Tanong niya sa sarili.

Makalipas ang ilang sandali ay naalala na niya ang lahat. May delivery boy na pumunta sa bahay tapos siya ang nag-receive no'ng dineliver nito. Pagpindot niya sa ballpen no'ng delivery boy ay may tumusok sa daliri niya at pagkatapos... nahilo siya. Tapos nawalan na siya ng malay. Wala na siyang natatandaan pa pagkatapos no'n. Nagising na lang siya sa lugar na kinaroroonan niya ngayon na hindi niya alam kung saang parte ng Pilipinas. O baka naman wala na siya sa Pilipinas?

Wait. Nakidnap ba ako? Is this kidnap for ransom?! Pero nasaan na ang mga kidnappers? Natatarantang tanong niya sa sarili.

Ngunit nawala agad ang takot sa dibdib ni Grizelda nang maisip niya na baka kinontak na ng mga kidnappers si Ninong August niya para sa ransom money. Siguro okay na ang negotiation at anumang oras ay papalayain na siya. Kilala niya ang kaniyang ninong. Hindi siya nito papabayaan. Hindi ito papayag na may mangyaring masama sa kaniya. Isa iyon sa ipinangako nito bago ilibing ang kaniyang papa.

Pero kung nakidnap siya, bakit hindi nakatali ang mga kamay at paa niya? Wala siyang blindfold o busal sa bibig. Tapos, iyong kama na hinihigaan niya, malinis at mukhang bago. Para lang siyang si Sleeping Beauty na nagising mula sa mahabang pagkakatulog. May budget ba ang mga kumidnap sa kaniya?

OMG. What if, dumating na 'yong mga kidnappers. Ano ang gagawin ko? Paano kung hindi pala sila kidnappers? What if grupo sila ng organ for sale tapos ang internal organs ko ang gusto nila sa akin. Kung ganoon, kailangan kong lumaban. But... how? I don't know any martial arts. Bakit kasi noong time na buhay pa si papa at sinabi niya sa akin na mag-aral ako ng self-defense ay hindi ako pumayag! Biglang nataranta si Grizelda sa naisip niyang iyon.

Lord, Ikaw na po muna ang bahala sa akin, ha. Please, don't let me die. Ayoko pang sumunod kina mama at papa. Marami pa akong gustong gawin sa life ko. Gusto ko pang ma-experience ang ma-in love, magkaroon ng boyfriend, dinner dates and of course ang maikasal at bumuo ng sarili kong family! Mataimtim pa niyang dasal.

Talagang sa prayers na lang siya kumapit. Iyon na lang ang kaya niyang gawin kasi hindi siya marunong sumipa o sumuntok para ipagtanggol ang sarili.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bumukas ang pinto. Isang lalaking nakasuot ng white long sleeves polo at maong pants ang pumasok. Nanlaki ang mga mata niya nang nakilala niya ang lalaki. Si Ninong August! Ligtas na siya!

"N-ninong!" Hindi makapaniwala si Grizelda na nasa harapan niya ng sandaling iyon si Ninong August. Mukhang tama ang una niyang hinala na okay na ang negotiation ng mga kidnappers at ni Ninong August.

Naglakad ito palapit sa at nagkaroon siya ng lakas para salubungin ito. Sobrang seryoso ng mukha ng kaniyang ninong. Patakbo siyang lumapit dito at sa sobrang saya niya ay napayakap siya nang mahigpit dito. "Ninong! I am so happy that you are here! Umalis na tayo rito bago pa dumating ang mga kidnappers!" sabi niya matapos niya itong yakapin.

"No, Grizelda. Hindi tayo aalis dito. Ako ang nag-utos sa mga taong iyon para dalhin ka sa lugar na 'to," anito.

Nanlamig si Grizelda nang sobra. Napahakbang siya paatras. "I-ikaw ang nagpakidnap sa akin? W-why? Is it because of money?" Hindi siya makapaniwala.

The Mafia Boss' Only PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon