One

26 5 0
                                    

ILANA

UH ... Where the heck am I?

Dahan dahan akong bumangon at nilibot ang paningin ko sa paligid. Nasa loob ako ng isang magarbong kwarto. The room was so grand and sparkly that it actually hurt my eyes.

"Ugh!"

I massaged my temples. Did I drink too much last night? Sobrang sakit ng ulo ko. And it's even causing me hallucinations of a grand and luxurious room.

I closed my eyes. Nahihilo ako, masakit ang ulo ko at nanghihina ang katawan ko.

"I'll never drink again."

Natigilan ako nang marinig ang boses ko.

"Bakit ganito ang b---

Jeez, what's this alien language I'm speaking?! At bakit nag iba ang boses ko. I have a husky voice pero ang boses ko ngayon ay more feminine?

Can too much alcohol cause this? No. It cannot.

Tsaka ko lang napansin ang mga braso at katawan ko.

My limbs look like ... twigs. And my body, how should I describe it?

Ahh... I look like a skeleton covered in human skin. Walang kahit anong muscle or taba sa katawan ko?!

Sobrang payat ng katawan ko na parang pag humangin ng malakas ay matatangay ako.

Mabilis akong tumayo para sana maghanap ng bagay na pwede kong gamitin para makita ang repleksyon, but I failed to take into account how weak I feel. Kaya naman hindi pa ako nakakaisang hakbang ay natumba na agad ako.

F*ck, nadislocated yata ang balakang at ankle to.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa.

Should I stay still hanggang may dumating para tulungan ako?

Nagtry pa ako ng ilang ulit hanggang sa makatayo ako habang nakaalalay sa bedside table. Lalakad na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

'Ohh... Who are those handsome guys?'

Mula sa nakabukas na pinto, pumasok ang dalawang naggagwapuhang lalaki. Ang isa may itim na buhok at ang isa may .... blue?

"Ilana, we have called your parents to take you back to the estate." Saad ng lalaking may kulay blue na buhok.

"Huh?" Yun lang ang nasabi ko.

He is speaking the same alien language which I spoke earlier pero naiintindihan ko ito. Strange.

And he called me, Ilana, which is not my name.

"I'm sorry pero ---

Bumuntong hininga ang blue haired guy. "Listen, ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo na kahit gaano pa kataas ang mana levels mo, your body cant completely contain it more so control it? Atat na atat ka na bang mamatay?"

"Ano bang---

"Laridgus,"

Napakunot noo ako sa tinawag ng dark haired guy dun sa kasama niya. Laridgus? What a unique yet familiar name.

Bumuntong hininga ulit yung Laridgus. "Look Krion, Ilana and I basically grew up together. Alam ko kung gaano katigas ang ulo niya. She's a troublemaker. Hindi yan makikinig kung hindi ----

"Wait!" Sabay na napatingin saakin ang dalawang lalaki. Nakataas ang isang kilay ni Laridgus habang si Krion ay nakatilt lang ang ulo habang nakatingin saakin.

"Did you just say, 'Laridgus' and 'Krion'?"

Napakunot noo ang dalawa."Yes? I am Laridgus and he is Krion. Is your head not working Ilana?"

Abyss ExtraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon