Six

15 4 1
                                    

ILANA

THE STUDENTS had already entered the ancient tower. Dahil masyadong marami kung sabay sabay kami, we were divided into groups of 7.

Hindi ko alam kung malas ba tong tatawagin or swerte pero nasa grupo ko ang 5 sa main characters. Krion, Laridgus, Radephon and Keefe and Tiberius, yung dalawang characters na nakilala ni Krion during the Lemegeton invasion. And last member naman ay, I believe Charlotte and pangalan niya?

Anyways nag uusap usap na sila habang nakikinig ako.

"I can't believe kagroup ko ang mga heroes ng Academy!" Saad ni Charlotte na nakatayo sa tabi ko. Sabay sabay na napalingon naman saamin yung mga lalaki. "I feel so safe! Right, Ilana?"

Nilingon ko siya at ang iba pa naming kagrupo. "Well ... Yes." Walang ganang saad ko.

Para akong walang pake pero deep inside, kinakabahan na ako. Eburnean is a tower so powerful na kahit ata dragon e hindi nito kayang patumbahin but soon, this very fortress will be engulfed with hell flames. Ayoko ko sanang sumama rito pero dahil required at may pangako ako sa isang tao, I have to be here.

Tumuon kay Radephon na nasa pinakalikod ng grupo ang mga mata ko. Nakatingin din siya saakin pagkatapos ay tinanguhan ako.

Nang kami na ang susunod na papasok ay naglakad na kami sa harap ng gate. Gumawa ng circle formation ang boys with Charlotte and me at the center.

Nagpapaka gentleman ba sila o ina-underestimate nila kami dahil babae kami?

The entrance to Eburnean tower is a maze. Pinaalam na saamin ito kanina pero kahit ganon ay naging mahirap parin ang pagdaan namin.

We also encountered traps and other trials. Mostly ng traps na natitrigger ni Charlotte at ni Keefe na wala sa itsura ang pagiging clumsy.

"Ilang minuto na ang nakakalipas mula ng pumasok tayo?" Tanong ni Krion na nasa pinakaunahan ng grupo.

"36 minutes." Sagot ko. Napatingin saakin si Charlotte. Bago pa siya magsalita ay pinakita ko sakanya ang pocket watch na dala ko. "And I believe malayo pa tayo sa dulo ng maze."

"I agree. Napansin kong parang paikot ikot lang tayo." Saad ni Krion.

"There should have a way to pass this maze. Pero ano? Paano?" Bulong naman ni Tiberius na nasa rear ng formation.

Inalala ko ang laman ng novel but I can't seem to remember anything. Sa novel, hindi sinabi kung paano nakalagpas sa maze sina Krion. Is this a scene na hindi binanggit sa novel dahil hindi naman kailangan?

Jeez.

Biglang may pumasok na ideya sa isip ko. Usually sa mga ganitong scenario, atleast sa mga fantasy novels and anime, ang sagot sa unpassable maze ay ....

Inilibot ko ang paningin.

Walls.

Ceiling.

Floor.

Gawa sa bricks ang lahat ng yon.

"Found it." Wala sa sariling saad ko at naglakad palapit sa wall na nasa likuran ni Radephon.

Click.

I pushed the different looking brick. Iba ang kulay at texture nito na parang sinadyang ilagay ito doon. Kung masyado kang cautious, hindi mo hahayaang mahawakan or malapitan ito dahil unang papasok agad sa isip ng makakakita nito ay switch siya para sa isang trap. But it's too obvious para maging trigger ng isang trap. From what I have observed earlier, all the traps was triggered by slightly different looking bricks. That's the keyword, 'slightly different' but this brick is totally different from the rest. Kaya kung hindi siya trigger for traps, then it is a trigger for something else. Most likely a trigger for ...

Abyss ExtraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon