Bahay-Bahayan /

132 2 0
                                    



"Eirene, laro tayo." Sabi sakin ni jackson. Katatapos lang namin mag-laro ng lutu-lutuan.


"Ano naman lalaruin natin? Di ka pa ba pagod?" sagot ko naman.



"Uhm, bahay-bahayan. Pwede ba yun? Di pako pagod no."



"Osige." At naghiwalay na kami at pumunta sa mga bahay namin para maghakot ng laruan.



Pareho kaming 8 years old ni jackson. Super bffs ang mommies namin kaya naman lagi kaming magkalaro. Magkapit-bahay lang din kami kaya magkalapit lang ang bahay namin. At sa treehouse, dun kami naglalaro ng kung ano-anong maisipan naming laruin. At ngayon nga, naisipan naman naming maglaro ng bahay-bahayan.


Dire-diretso ako sa kwarto ko at kumuha ng kumot para gawing bubong at mga stuff toy na kunwari ay mga baby. Kumuha din ako ng konting snacks sa kusina para may pagkain kami.



"Oh? Nagulat mo naman ako Eirene anak. Naglalaro pa ba kayo? Wag masyadong papa-pawis ha?" Bilin ni mommy.



"Okay po mommy. mwa!" kiniss ko siya sa cheeks at bumalik na ulit sa tree house. Sadyang pinagawa ang treehouse ng mga mommy namin para samin ni jackson. Para naman daw hindi kami makalat sa bahay.



"Oh, andito ka na pala. Akina ang kumot. Bubong nalang kulang eh." At nginitian niya lang ako.



"Tulungan na kita." Umakyat ako sa isang upuan para isipit yung kumot sa may bintana pero hindi ko ito maabot.


Tumingkayad pa'ko pero wrong move pala yung ginawa ko.




Kasi, sumala ang paa ko sa upuan at





nahulog ako? hm? parang hindi naman ako nasaktan?



"Careless ka talaga ren-ren kahit kailan." sabi niya at ako naman ay nakatulala.



Sinambot niya ba ako?



"S-Sorry." at umayos na'ko ng tayo.



"Don't say sorry. Lagi naman kitang sasaluhin kung mahuhulog ka man eh." at kinuha niya nayung part ng kumot na nasa kamay ko at siya na ang nagsipit nun sa bintana.

Let's play a Love game (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon