Taguan /

59 1 0
                                    




"Tagu-Taguan, maliwanag ang buwan. Pagka-bilang kong tatlo, nakatago na kayo. Isa, Dalawa, tatlo!" Sigaw ko at umalis na sa pag ubob sa puno dito sa garden sa likod ng bahay.



"Jacksooon."



Hay asan ba yun. Naiinis na'ko. Di pa din siya nagpapakita sakin. Hmp!



"Jacksooooon!"



*BLAG



Napatingin ako sa gawing kanan ko kung san ko narinig ang ingay at may nakita akong paa.



Hay, di ka talaga magaling magtago kahit kailan.




Papunta na'ko sa may kurtina pero nakita kong pumasok siya sa isang pintuan. tss. Bawal yun ah. Pero sinundan ko nalang siya. Ngayon ko lang din nalaman tong pinto na ito eh.



Gugulatin ko nalang siya. mwahahaha!



Dahan-dahan akong naglakad ng patingkayad habang pumapasok sa pituan papunta sa isang kwarto.




binuksan ko na ang pinto.



"HULI K-"




"HAPPY 12th BIRTHDAY EIRENE!! SURPRISE!!" sigaw nila na ikinagulat ko. nagbukasan ang mga ilaw at nalaman kong nasa kusina na pala kami ngayon.




Madaming balloons. Madami ding pagkain at mga bisita. Andito din ang mga classmates at mga friends ko.



Yep tama kayo. 12 yrs old na agad ako. (a

: fast forward na ba? sorry na. haha.) Pareho kami ni jackson siyempre pero mas nauna siyang nagbirthday kasi mas matanda siya saakin. Ang bilis nga ng panahon eh. Gagraduate na kami this school year ng elementary.




Pero hindi parin nawawala yung pagkaisip bata namin ni jackson kasi madalas padin kaming maglaro hanggang ngayon. Pero 'medyo' nag mature na din naman kami.




"Ohmygod mommy! Daddy! Thankyou!!!" at niyakap ko na sila.

Let's play a Love game (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon