Habulan /

90 2 0
                                    




"Nak, gising na. Papasok ka pa sa school." Sabi sakin ni mommy habang tinatapik ako sa braso.



"Okay po mommy ko." at bumangon na ako.



Pinaliguan ako ni mommy at binihisan ng PE uniform. Grade 2 ako ngayon. Ay, pati nga pala si jackson. Nasa school na kaya siya?



"Mommy, sabay po ba kami ni jackson?"



"Yup. Sa van natin tayo sasakay. Yun ang sabi ni tita jessi mo."



"Okay po."




Pagkatapos ko magbihis at kumain ng almusal, dali-dali akong sumakay ng van kasi sabi ni mommy andun na daw si jackson sa van.



"Goodmorning!" bati ko kay jackson na ngayon ay bad mood ata?



"Walang good sa morning! hmp!" at umiwas siya sakin.




"Sungit mo naman!! hmp! Hindi kita kabati! Bahala ka jan!" At sa kabilang side ako ng upuan umupo. Hinalukipkip ko ang mga braso ko at sumimangot habang nakatingin sa bintana.



"Hindi din kita kabati! Dun ka na sa kalaro mong si.. Sino nga yun? Basta yung kalaro mo kahapon sa school!!" at ginaya niya din yung ginawa ko.



"OKAY!" sigaw ko




"OKAY!" sigaw niya




"Kids anong meron? Nagaaway ba kayo?" saway samin ni mommy.



"Siya po may kasalanan, ni-aaway niya po ako!/ Siya po ang pasimuno!" Sabay naming sabi ni jackson. hmp! napka sungit. Eh humingi lang naman ng baon ko yung bata kahapon. Sino nga ba yun? ah! si Terrence. Nakalumitan niya daw yung baon niya. naawa lang naman ako. tas magagalit agad tong si jackson! hmp!



"Stop it kids okay? Pa-school na tayo." Tumabi sakin si mommy at siya ngayon ang nasa tabi ng bintana.



Nakita kong yun din ang ginawa ni tita jessi kaya magkatabi kami ngayon ni jackson! hmp! hindi ko talaga siya kabati!

Let's play a Love game (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon