After 6 yrs /

82 2 0
                                    



Jackson's POV





"Hello, ma? Ano po ba oras ng party? Kinakabahan na'ko. Paano kung hindi siya pumayag?"



"Asus ang anak ko, natotorpe nanaman. Anak, sobrang tagal mo nang nagpapakatorpe. Ngayon ka pa ba magbaback-out?"




"Ma naman. Eto na'to. Kaya ko'to!"



"Osige anak. 7:30 ang start ng party. Don't be late. Goodluck!"



At binaba na ni mama yung tawag. This is it! Kaya ko'to! Aamin na'ko!



Dumiretso ako sa bahay para kunin yung mga bagay na ibibigay ko. Pagkatapos nun, dumaan ako sa flower shop at kinuha yung inorder ko na bouquet earlier. Tapos pumunta na ako sa hotel na venue ng party.





7:00 PM.

Aristocrat Hotel



"Hi Jackson, good thing napaaga ka. Kala ko kasi, malelate ka eh. Ikaw pa naman ang escort."



"Tita naman. Ako pa ba? Hindi ko palalagpasin ang araw na'to sa buhay niya. At yung plano natin tita, sana magustuhan niya."




"I'm sure. Magugustuhan niya yun." at huminga ako ng malalim. Kinakabahan na'ko. Sana magawa ko to ng ayos.




Halos 8 PM nadin nung nagsimula na ang debut party. At nakita na namin ang pinaka magandang babae sa buhay ko.



"Ladies and Gentlemen. Our Debutant. Ms. Natalie Williams!" At nagpalakpakan silang lahat. Ako? Eto tulala na nakatayo sa baba ng hagdan at inaantay na makarating siya sa kinatatayuan ko ngayon.



Dahan-dahan siyang bumaba suot ang royal blue niyang gown na lalo siyang pinaganda. Hindi ko na alam ang hitsura ko ngayon. Nakanganga na ata ako. Basta ang alam ko lang sobrang ganda niya talaga.



Habang bumababa siya, hindi ko namalayang nagflashback sakin lahat ang nangyari. Simula sa simula.

Let's play a Love game (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon