Taguan /

45 2 0
                                    

Eirene's POV

Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naguguluhan ako. Ano bang gusto ni jackson? Bakit niya'ko hinalikan?

Naramdaman ko naman na may pumapatak na tubig sa buhok ko at nalaman ko nalang na umuulan na pala.

Tumigil ako sa isang waiting shed at nagpahinga sa pagtakbo. Gulong-gulo nako. Si natalie ang gusto niya di ba? Pano na si natalie? Naguguluhan nako. Kelangan ko na munang umuwi.

*Beep beep*

Naptingin ako sa kotseng tumigil sa harapan ko.

Si Terrence.

Siya talaga ang laging andiyan para sakin simula nung ligawan ni jackson si natalie. Oo gusto ko si jackson. Pero may respeto ako kay natalie kaya hindi ko susulotin si jackson. Pero yung nangyare kanina. Bakit niya nireject si jackson? Bakit hindi siya pumayag?

"I've been searching for you. Jackson called and told me you walked away. What hapened?" Pagaalalang sabi ni terrece sakin.

"Take me home, terrence."

"But-"

"Now."

"Okay." At umalis na kami.

Tahimik lang ang biyahe namin pauwi. Hanggang nakarating na kami sa tapat ng gate ng bahay namin.

"Thank you terrence." At akmang lalabas nako ng kotse ng hinila niya bigla ang braso ko at niyakap ako.

"I don't know what happened. But based on what i'm seeing in you right now, I know your hurt." Hinalikan niya ang noo ko.

"I'm always here for you Eirene." At kumawala na siya sa yakap. "I'll do my best to make you happy. Just let me. Okay? Take care. Goodnight."

Lumabas nako ng kotse.

"Thank you terrence." At pumasok nako sa gate ng bahay namin at humiga na sa kama ko pagkapasok sa kwarto ko.

Sobrang daming nangyari ngayong gabi. Hindi ko alam kung anong mangyayari bukas. Pero, isa lang ang naiisip kong dapat na gawin ko.

Iiwasan kita jackson. Kasi yun ang kailangan.

* *

Jackson's POV

"I'm a jerk. Hindi ko akalaing magagawa ko kay Eirene yun." Sabi ko kay brix. Ang anak ng owner nitong bar na'to. We're not really close. Class mates lang kami before. Pero kailangan ko talaga ng kausap. Ganun ata talaga eh, mas komportable mag-confess sa hindi mo masyadong ka close.

Sanay akong si eirene ang nakakausap ko sa ganitong sitwasyon pero ngayon, siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"What happened dude?" Tanong niya habang nilalagok ko ang beer na nilagay niya sa shot glass ko.

"Hinayaan ko lang siyang tumakbo palayo sakin. Ang malupit pa dun I kissed her. Fvck! I fvckin kissed her!!! I kissed my bestfriend!!! I'm such a mess!!!" At nahagis ko yung shot glass na iniinuman ko.

"Natanong mo na ba ang sarili mo kung bakit mo siya hinalikan?"

"What?" Tanong ko sa kaniya kasi naguluhan ako.

"Why did you kiss her?"

Bakit nga ba? I don't know.

"Uhh, i don't know? Fvk this! Stop asking questions! Just listen!"

"You like her."

"What? No. I just care for her. Cos', cos' she's my best friend! Right. That's just it. Nothing more. I like Natalie okay? She's just my bestfriend."

"Okay. Whatever you say, Lover boy. Just remember, actions speak louder than words. Goodbye." At tumayo na siya at lumayo na sakin.


Bakit ko nga ba siya hinalikan?


Ang natatandaan ko lang nakatingin ako sa kaniya. Tapos ang ganda niya.


Fvck. Do I really like her?

I think, I do.

Hindi ko naisip na masasaktan ko pala siya ng ganito. I need to talk to her.

* *

Andito ako sa school garden ngayon. Hindi ako mapakali, bakit hindi ko pa nakikita si eirene? Dito kami laging tumatambay.


Absent kaya siya?


Puntahan ko nalang siya sa room niya.

Palabas nako ng garden nakasalubong ko siya.

"Eirene."

"Hi. Bye." At dirediretso siyang naglakad ulit palabas ng garden.

"San ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap. Are you hiding from me?"


Let's play a Love game (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon