Zumi's POV
Three Months later.....
Yes, that's right. Tatlong buwan na akong nandito at tatlong buwan na rin akong nagtitiis.
Palagi na lang akong umiiyak tuwing gabi. Wala kasing magandang nangyayari sa buhay ko. Puro masasakit na lang ang dinaranas ko ngayon.
"I told you, I don't want that!"
Iwinaksi niya ang kamay ko,sanhi upang mabitawan ko ang plastic container na may lamang cookies.
Nasa hallway kami ngayon,at sanay na ang mga estudyante rito sa mga ganitong pangyayari dahil araw-araw na tong nangyari sa'kin. Palagi na lang niya akong nire-reject eh,pero pagdating kay Jelene ay buong puso niyang tinatanggap ang mga bigay nito.
"Okay. Just tell me you don't want it,you don't need to shout." Saad ko at umupo para iligpit ang mga nagkalat na cookies.
May dumalo sa'kin kaya napatingin ako kung sino yun. Si Renz.
"Kung iiyak ka na naman mamaya,tatawagin ko sina Deen para daluhan ka." He said in a low voice and continue on helping me.
I gave him a small smile. Oo,palagi nila akong dinadaluhan tuwing umiiyak ako. They became my boy best friends since the day they saw me crying in the school garden.
And of course,palagi ring nandito si Kuya Nash para sa'kin.
I'm thankful because they're always here for me. Sila yung tumatayong mga kaibigan at kapatid ko dito. Sila yung naging sandalan ko tuwing nasasaktan ako.
*
May practice match ngayon ng basketball at kasama dun si Traiven dahil siya ang captain ball ng team nila. Taga-Ateneo parin ang kalaban nila.
I'm here to support him and also my fake brothers. Nang matapos ang match ay tumakbo sa bleachers si Traiven,akala ko sa'kin siya titigil katulad ng ginawa niya noon pero hindi. Sa katabi ko pala.
Sila na ba? Bakit ba ang sweet-sweet nila palagi?
Iba yung ngiti na ibinibigay ni Traiven kay Jelene,yun yung ngiting binibigay niya sa'kin noon. Ramdam na ramdam ko ang unti-unting pagkadurog ng puso ko dahil sa nasaksihan ko ngayon.
Jelene's drying his sweats while Traiven's drinking the water she gave. Gawain ko yun noon eh.
Noon yun,hindi na ngayon.
Nakarinig ako ng pagbasag kaya nabalik ako sa huwisyo. Doon ko lang napagtanto na ang nabitawan ko na pala ang hawak kong glass tumbler.
"Damn. I'm sorry."
Nakita ko kung pa'no nagtagis ang panga ni Kuya Nash,mukhang nalaman niya ang dahilan kung bakit ko nabitawan ang tumbler na hawak ko.
"S-sorry..."
"You're crying."
Natigilan ako ng marinig ang sinabi ni Leevie.
"W-what?"
"I said, you're crying." Iba ang tono ng pananalita niya.
Bigla na lang sinugod ni Kuya Nash si Traiven ng suntok kaya bigla kaming na-alarma.
"Walang hiya ka! Gago!" Sigaw ni Kuya Nash habang binibigwasan si Traiven.
"Kuya! No! That's enough! Deen! Evan! Pigilan niyo si Kuya Nash,please!"
"Bro! That's enough!"
Nang mahila palayo ni Deen at Evan si Kuya Nash palayo kay Traiven ay nagpupumiglas pa siya at parang gusto pa niyang manuntok.
BINABASA MO ANG
FOR YOU •Mafia Secret Agents•(Black Agents' Zumi)
Teen FictionShaszumi Blythe Chua-Florida is the leader of the group called Black Agents. She was working under the name of Ms.Scarlette Stanford. The Mafia Queen. Anim sila sa isang grupo. Si Blythe ang pinaka-magaling kaya siya ang ginawang leader. She was st...