Chapter Six

886 40 0
                                    

Hanna's POV

Weekend na. At alam ko na kung saan ako pupunta ngayon.

Bumangon na ako at linigpit ang pinaghigaan ko saka pumasok sa banyo at naligo. Mabilis lang akong naligo at agad na nagbihis ng black loose pants at violet na oversize T-shirt at puting sneakers.

Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko ay sinuklay ko na at tinali. I wear my eyeglasses.

Maya-maya pa,narinig ko na ang busina ng kotse sa labas. Andyan na si Traiven.

Kinuha ko ang sling bag ko at lumabas. Ni-lock ko muna ang pinto,of course para walang magnanakaw na maka-pasok.

Holy!

Muntik na akong mapa-mura ng makita si Traiven na naka-sandal sa pinto ng kotse niya.

Bakit ba ang guwapo ng kumag na 'to?

Lahat na lang ba ng susuotin niya ay babagay sa kanya?

Naka-fitted black jeans lang siya at naka-tuck in ang white shirt niya,pinatungan niya iyon ng black leather jacket at naka-white sneakers.

Ang simple lang nun pero,sobrang bagay sa kanya. Ganun ba talaga kapag mga mayaman at guwapo?

"Let's go?"tanong niya ng makalapit ako sa kanya at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat.

Buti na lang hindi pa nagising ang mga kapitbahay ko sa village na 'to,kung hindi may mapag-papantasyahan ang mga yun ngayon.

"Sure."

°•°

Traiven's POV

"Oh My God! Anak,ito na ba siya!?" Hindi gulat si Mommy pero excited siya.

Ngumiti ako at tumango.

"Mom,this is Hanna Jui Gavin-Chui you can call her Hanna or Jui,Hanna this is my Mom, Coreen Angelica San Diego Pruediver and this is my Dad, Mike Arthur Howie Pruediver."

Nginitian siya ni Dad at binati,pero si Mom sumobra ang ka-excited-an. Hinila si Hanna at niyakap saka sinolo sa sala.

"Hija, ano'ng gusto mo? Gusto mo bang mag-snack? Oh,of course papa-kainin naman kita kahit umayaw ka---"

"Mom, don't torture her please.."

"---dito kana mag-breakfast,mag-lunch at mag-dinner huh? Wag kang mahiya ok---"

"Mommy.."

Hinarap ako ni Mom at ang laki-laki ng ngiti niya kaya napatawa si Dad. Jusko,isip-bata talaga si Mom minsan.

"Yes son?"

I chuckled,"Don't torture her."

"I am not. I'm just making her comfortable."

Napailing-iling kami ni Dad sa inasal ni Mommy.

"Honey, you're making her uncomfortable instead."

"Huh?"

"You were talking fastly and you're moving weirdly. You're asking her too many questions,she didn't know how to answer you anymore."

Napakamot si Mommy sa tenga niya at nag-sorry kay Hanna. Tch, mapapailing kana lang kay Mommy eh.

"Pasensya kana hija,first time lang kasi ni Traiven magdala ng kaibigan dito eh. At ang cute mo pa!"

"Naku po! Hindi naman po ako cute eh."

Napailing ako pero natatawa na rin.

"Ay sus,ikaw lang ang may sabi niyan hija..."

Tinapik ako ni Dad at pinasunod sa kusina.

"Let's help our maids prepare the breakfast,'cause I know your Mom won't let go of Hanna."

Tumango ako at hinubad ang leather jacket.

"But,bring them snacks first."

Kinuha ko ang naka-prepare na snacks at hinatid sa sala.

"Yes,hija alam ko... Kami ang nanghingi ng tu—"

"Hey Mom,Hanna... Here's your snacks.."nakangiti kong tawag sa kanila.

Mukha silang nagulat sa pagsulpot ko kaya tumaas ang kaliwang kilay ko.

"Parang na-istorbo ko yata kayo..."

"Uh.."

"Actually anak,yes. Girls' talk 'to eh."

Tss. Napapailing na lang ako kay Mom at nagpaalam na para bumalik sa kusina.

••••

"Salamat po sa breakfast,lunch at dinner tita,tito."

"Oh,you're welcome Hanna. I hope this is not our last meeting. I would like to talk to you next time because I didn't have the time to talk to you earlier,you know my wife didn't let you go."

Kawawang Daddy. Si Mom kasi,hindi pinkawalan si Hanna hanggang gumabi. Masyado silang nag-e-enjoy at hindi na kami pinansin ni Dad. Kakaiba talaga magsama ang mga babae.

"Sure tito."

"Ay,sana hindi talaga 'to ang huli nating pagkikita."

"Promise Mom,I'll bring her again next time."

Ngumiti ng malapad si Mom.

"And I hope..... Boyfriend mo na ang anak ko pagbalik mo dito."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mom habang si Dad ay tatawa-tawa lang.

"Mommy!"

Tumawa lang si Mom at pinagtabuyan na kami.

"Bye Tito,Tita."

"Bye Hija."

"Bye Mom.. Dad."

"Mag-ingat sa pagmamaneho Traiven huh?"

Tinanguan ko lang sina Mom at Dad at umalis na kami.

"Grabeh si Tita sobrang hyper! Dinaig pa ako!"

Napangiti ako sa sinabi ni Hanna.

"Parang kahapon lang,ayaw mong sumama sa'kin. Tapos ngayon ang saya-saya mo."

She just smile widely that makes my heart flutter.

Wait.... Hanna makes my heart flutter?

Oh men... Talagang mai-in love na 'ko sa babaeng 'to. Palagay,wala naman sigurong mali eh. She's cute and always unbothered about her surroundings.

Well,my ideal type was something like her,yung walang pakialam sa paligid niya at sa opinyon ng ibang tao. Matalino,mabait at sakto lang ang height. Yung hindi masyadong mataas at hindi rin ganun kapandak. Although,maraming tao ang makakapagsabi na hindi siya maganda pero,her cuteness is enough for me.

In short, she's enough for you. Am I right?

Hmm... Parang ganun na nga.

"Ehh,hindi ko naman alam na ang bait pala ng parents mo eh."

Napatingin ako sa kanya ng mag-red light. She looks so happy.

"I told you..." I mumbled.

Siguro kung flawless ang mukha niya,paniguradong siya na ang pinaka-magandang nerd sa balat ng lupa. Sabi ko nga,maputi siya. Pero may pimples siya,sa tingin ko dahil yun sa pag-s-study niya ng matagal sa gabi.

"Hoy,green light na!"

Napakurap-kurap ako ng pumitik siya sa harapan ko. Kainaman naman! Kailangan talagang matulala!?

"Oh! Pasensya na! May iniisip lang!"

Tumawa siya kaya nataranta na naman ako.

Nerd pero iba ang epekto sa'kin! Kakaiba!

FOR YOU •Mafia Secret Agents•(Black Agents' Zumi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon