chapter 7

392 38 13
                                    

Muling nag tagisan ng galing sila mitsui at sakuragi na tila silang dalawa lang ang nandoon na naglalaro, ni hindi na nila napapansin ang ilang mga kakampi dahil pokus na pokus sila sa isa't isa.

Nag sisimula palang ang laban at limang minuto palang ang nababawas sa sampung minuto ng first half ay nagkakainitan na silang dalawa. Gusto mang pigilan ng ilang kateammates ang ginagawa nila ay hindi nila magawa dahil maganda rin naman ang resultang nakikita nila.

pansin nila ang kakaibang kilos ni sakuragi na hindi pa nila kailanman nakita sa paglalaro nito noon. Napaka smooth ng galaw nito na tila isang professional kung kumilos, nagagawa din nitong malagpasan si mitsui na dati rati ay hirap na hirap nitong gawin.

Ano kaya nakapag pabago kay sakuragi at gumaling siya ng ganito, ni wala namang makapag sabi kung nakikita ba nila itong nag papractice o sadyang talentado lang talaga ito ngunit hirap hirap ilabas sa mga oras na kailangan siya.

Muling ipinasa ni miyagi kay sakuragi ang bola at masugid namang itong binabantayan ni mitsui na seryoso ring nag aabang sa panibagong gagawin ni sakuragi.

'imposibleng gumaling na agad ito ng isang araw lang, eh kahapon lang ay sobrang sama ng laro niya? Bakit ngayon hirap na hirap na siyang pigilan pa?' Saad ni mitsui sa isipan.

Sa isang mabilis na pag dribble ay agad na umatake si sakuragi sa pagdedepensa ni mitsui. Kapag susubukan nitong dumaan sa kanan ay nasusundan siya ni mitsui at ganon din sa kaliwa hanggang sa mabilis na umatras si sakuragi at malakas na ibinato ang bola pataas sa ere. Nagulat ang lahat sa ginawa niya, kaya napatingin din doon si mitsui ngunit iyon ang pagkakamaling ginawa niya dahil agad ng nakasulot sakanya si sakuragi sabay takbo ng mabilis patungo sa basket.  Nandoon din si rukawa kaya ito ang kumuha kaso nandoon din si akagi na pilit nakikipag agawan sa bola.

akala nang lahat ay makukuha na ni akagi ay bola ngunit mabilis itong nakuha ni sakuragi kasabay ng pag dunk nito sa basket nila. Dumagundong naman ang headboard sa lakas ng ginawa niya, nakarinig pa sila ng crack sa ring kaya napaatras sila, bumitaw si sakuragi doon at walang emosyong naglakad paalis.

Natigagal ang lahat sa nakita, hindi makaimik at makahanap ng tamang salita. Tanging si aki na sobrang tuwa sa ginawa ni sakuragi lang ang nag iingay doon habang masama na naman ang timpla ni mitsui dahil doon.

Nang mag simula na ang laro ay agad nang gumawa ng eksena si mitsui. Agad nitong naiwasan ang mga nagbantay sakanya, nang nasa three point line na siya ay wala siyang pag dadalawang isip na itinira iyon dahilan para matagumpay nitong naipasok ang bola.

ngumisi siya kay sakuragi pero hindi naman sakanya nakatingin si sakuragi, lalo lang naasar si mitsui. Pinapasok na ni miyagi ang bola at dinidribble niya ito, nakabantay sakanya si kawaki kaya hirap na hirap si miyagi na makalusot dito dahil sa laki ng pangangatawan nito kesa sakanya.

nang makita nitong libreng mapapasahan si sakuragi ay agad niya itong ipinasa doon ngunit naagaw naman iyon ni mitsui na kinagulat ng lahat.

"Ang come back ng isang MVP.", Sigaw ng isang manunuod

nang idribble ito ni mitsui at katapatan nito si sakuragi ay agad siyang tumakbo patungo kay shin para iscreenan si sakuragi. Nagawa nga iyon, ngunit isang saglit lang dahil mabilis ding nakaiwas si sakuragi doon.

seryoso lamang itong nakatingin kay mitsui. Hanggang sa tumalon ito para sa pag tira kaya napatalon din si sakuragi dala ng mabilis na pag response ng kanyang katawan. Ngunit isang fake lang pala iyon dahil nang makababa si mitsui ay agad siyang nakadaan sa pag dedepensa ni sakuragi, tumigil din siya sa three point line at ititira na sana ng biglang manlaki ang mata niya dahil nandoon na agad si sakuragi at agad na nasupalpal ang tira niya.


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon