chapter 45

227 27 8
                                    


natapos ang ilang minuto sa third quarter sa wakas ay natapos na, ang score ng okaido 79 while ang shohoku naman 68 kaunting deperensya na sana ngunit wala parin silang nagawa upang mahabol ito. Fourth quarter na kaya nag tipon tipon muna ang mga players sa bench, ipinasok na nila si sakuragi, rukawa, tetsu, takasugi at kiyo na kanina pa kinukulit si aki na siya nalang ang papasukin.


"Tapusin niyo na ang laban ha? Naiintindihan niyo ba? Wag niyo nang hayaan na maka score pa sila." Tumingin si coach kotaro kay sakuragi na nakatingin sa kung saan. Dinunggol ito ni rukawa sa balikat upang ipaalam na kinakausap ito.



"Naiintindihan ko coach, ako na ang bahala." Saad ni sakuragi sa tinatamad na boses, nakatingin pala ito kay coach anzai na nakatingin din pala sa gawi nila.


"okay. Sayo nakasalalay ang laban na ito, sainyong dalawa ni rukawa." Saad pa nito na kinablangko naman ng mukha ni sakuragi.


"Coach aminado ako na malakas ako, pero sa pagkakataong ito buong team po natin ang makakapag panalo sa buong team." Pag bibigay linaw ni sakuragi sa sinabi ng kanyang coach. Naramdaman kasi nito bigla ang bahagyang lungkot ng mga kasamahan niya ng sabihin iyon ng coach niya.


"Oo nga naman, tama ka sa mga sinabi mo sakuragi. Buong team ang makakapag panalo sa atin." Saad ni coach kotaro na kinatango naman ni sakuragi, umaliwalas naman ang mga mukha ng kasamahan niya.


Ilang minuto pa ay pumito na ang referee hudyat upang simulan na ang laban, pumasok na silang lahat at team shohoku ang bola.


"Alam mo na ang gagawin niyo ha?" Sigaw pa na saad ni aki na kinatango naman ng mga ito.



Sa itaas kung saan nakatuon ang atensyon ng apat na babae sa ibaba dahil alam nilang ngayon mag lalaro ulit si sakuragi, may nakahanda na rin ang mga ito na banner kaya napatingin na sakanila ang mga tao. Hindi nila mawari ang nararamdaman kung matatawa ba sila o mamamangha dahil sa lahat ng mga taong nandoon, silang apat ang naiiba.




"Alam niyo na ha? Kapag nakashoot si sakuragi sisigaw tayo ng malakas." Saad ni miya na kinatango pa ng tatlo. Ang mga nasa paligid nila ay hindi na mapigilang mapangiti dahil may mga fans club na pala si sakuragi.




Nag simula na ang laro at hawak hawak ni kyoushi ang bola sinubukan nitong makaalis sa pagdedepensa ni kiyo kaya ng mabilis na nag cross over si kyoushi pakaliwa ay matagumpay nga itong nakaalis sa depensa ngunit agad din siyang hinarangan ni takasugi dahilan para maatras si kyoushi.





"Sa likod mo kyoushi!" Sigaw ni mitsui ngunit huli dahil nadanggil na ito ni kiyo kaya lumipad ito patungo sa labas. Humabol si miyagi at rukawa na malapit lang din doon, nang wala na silang pag asa na gawin iyon ay nagulat sila ng may biglang lumagpas sakanilang pagitan.


Nagulat sila ng makitang si sakuragi iyon agad na save ang bola sabay ibinato sa direksyon ni rukawa. Nag aalala man si rukawa sa kaibigan ay kailangan niya paring maishoot ito. Mula sa three point line ay agad na itinira ni rukawa ang bola kaya tagumpay nitong naipasok ito.




"Ahhhhh! Sakuragi!?" Sabay sabay na sigaw ng apat na babae mula sa itaas. Punong puno ng pag aalala ang mga nakabalatay sa mukha ng mga ito.




"Hala! Si sakuragi baka mapano na naman siya?" Nag aalalang saad ni lesley na dinudungaw pa rin ang nangyari sa baba.



Samantalang sa loob ng court ay parang walang nangyari kay sakuragi dahil agad din itong nakatayo  at walang emosyong naglakad papasok. Nilapitan siya ni rukawa at tinignan ang buong katawan.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon