chapter 64

151 19 4
                                    


(a/n: SORRY GUYS! VERY HECTIC ANG SCHED KO, MEDYO NALALAPIT NA ANG EXAM NAMIN KAYA TODO ARAL AKO! DAMING REPORTING AT ASSIGNMENT KAYA HINDI NA AKO NAKAKAPAG UPDATE DALA NG PAGOD. IM VERY SORRY PO!)

*****

Humingi ng time out ang kabilang koponan ang shoyo dahil sa nangyaring laban at sa kalamangan narin ng okaido sakanila, tahimik si fujima habang nag uusap ang mga kakampi nito. Gusto man kausapin ni toru hanagata si fujima ay hindi niya magawa dahil sa takot na baka mainis lang ito.


"anong gagawin na natin? Lamang na sila satin?" Anas ni minato na nagpupunas ng pawis sa leeg at braso.


Narinig iyon ni fujima kaya tinignan niya ito ng seryoso. Napaiwas tingin naman si minato bago umupo at uminom ng tubig. Alam naman ni fujima na mangyayari ang mga ito kaya hindi siya nababahala sa mangyayari sa laban nila, hinahayaan niya lang na mauna ang okaido sa kalamangan bago nila habulin ang score at sila naman ang lumamang.


"Ako na ang bahala basta gawin niyo ang iniatang ko sainyo na gagawin niyo, ngayon palang mag sisimula ang totoong laro." Anas ni fujima sa malamig na boses. Napatingin din siya sa kabilang koponan ang okaido, nagkatinginan pa sila ni sakuragi ng may matatalim na titig sa isat isa kaya ramdam ng kani kanilang myembro ang namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa.


sa kabila naman habang mag isa si sakuragi na nakaupo sa pinaka dulo ng bench ay tumabi sakanya si aki, hinawakan nito ang kamay ni sakuragi ngunit inialis lang nito ang kamay ni aki dahilan para masaktan ito sa ginawa ng huli. Bumuntong hininga ng malalim si aki bago malungkot na tinignan si sakuragi, nakapikit na ito at tila ayaw talaga siyang kausapin.


"Hindi ko alam kung bakit ka nagkaganyan bigla sakin? Wala naman akong maisip na dahilan para magkaganito ka sakin e. Ano bang nagawa ko bakit hindi mo na ako pinapansin?" Malumanay at malungkot ang tono ng boses na tanong nito. Ilang minutong natahimik si sakuragi bago bumuntong hininga ng malalim at tinignan si aki na sobrang lungkot ng mukha.



"Nag seselos ako. At alam kung hindi ko dapat nararamdaman to dahil girlfriend na kita. Pero kapag naiisip ko na magkakausap kayo at nagkakatuwaan sobrang nadudurog ang puso ko. Oo, gusto mo pa ako ngayon pero paano kung tumagal na kayong nag uusap? Iiwan mo na ako kasi mas gusto mo na siya?" Saad ni sakuragi na siyang nakapag pagulat ng husto kay aki, napaisip din siya sa kung sinong tinutukoy nito.


"Sino ba tinutukoy mo?" Tanong ni aki napasimangot naman si sakuragi

"Kita mo na, sa sobrang daming nag kakagusto sayo maski ikaw hindi na alam kung sino ba ang tinutukoy ko." Pagalit na saad ni sakuragi na nakapag pataas kilay ni aki bago mahinag tumawa.

"alam mo mahal kita, kung hindi ka naniniwala sa mga sinabi ko gusto mo isigaw ko pa ngayon na mahal kita e." Nanlalaki ang mata ni sakuragi sa narinig ang mga kateammate nila ay natatawa habang pigil na pigil na wag asarin ang mga ito.

Namula naman ng husto ang mukha ni sakuragi bago umirap ng tingin kay aki, nilapit pa ni aki ang sarili kay sakuragi bago hinalikan sa pisngi. Nagulat si sakuragi sa ginawa ni aki kaya napangiti si aki sa naging reaction nito, unti unti'y nawala ang pagkakakunot ng noo nito at napalitan ng ngiti sa labi kaya alam ni aki na hindi na ito nag tatampo sakanya.


"Tss. Huling bilin ha? Wag na wag kanang lalapit kahit kanino, pero... ang selfish ko naman kung gagawin ko iyon, kaya siguro magtitiwala nalang ako sayo na hindi mo ako ipagpapalit sa kung sino lang." Saad ni sakuragi bago tumingin sa direksyon ni fujima na hindi na maipinta pa ang mukha dahil sa selos na nararamdaman.



"Hindi naman talaga kita ipagpapalit kahit kanino, mahal kita baby ko." Malambing na saad ni aki na kinapula ng mukha ni sakuragi, nakarinig sila ng hagikhikan sa paligid nila iyon pala'y nakikinig ang mga kateam niya. Sinamaan niya ng tingin ang mga ito bago tinignan si aki ng malumanay, hinalikan niya ito sa noo na kinasinghap ng iba.


"Mas mahal kita baby ko." Bulong na saad ni sakuragi kay aki na pulang pula ang mukha. Tumikhim ang ilang nakasaksi sa lambingan ng dalawa bago muling pumito ang referee dahil tapos na ang time out.



pagkapasok palang nila sa loob ng court ay halata ang sigla ni sakuragi kaya natatawa ang kasamahan nito, si fujima naman ay alam na alam kong bakit masigla si sakuragi ngayon.



Pinapasok na ni fujima ang bola wala ng nababakas na emosyon sa mukha nito, punong puno ng kaseryosohan kaya ng muling magpalit ng babantayan si sakuragi at takasugi ay agad ng nakalagpas si fujima sa pagdedepensa niya hindi na nagulat si takasugi dahil alam naman niyang mabilis ito at magaling sa pag oopensa. Hanggang sa makatapatan nito si rukawa ng walang kahirap hirap din nitong na iwasan, puno ng kaseryosohan ang mata nito kaya ng malapit na siya sakanilang basket ay wala itong sinayang na pagkakataon at agad na inirelease ang bola mula sa pagitan ni tetsuya at shintaro






"Ako naman ngayon." Malamig ang boses na saad ni fujima na siyang nakapagpa blangko ni sakuragi, tinignan niya si rukawa na nakatingin din pala kay fujima.



Nang sa okaido na ang bola ay agad ng ipinasok ni takasugi ito, dinidribble niya itong diniretso ang pwesto ni rukawa para dito ipasa ang bola ng subukan niyang ipasa kay rukawa ang bola ay agad ng humarang ang kakampi ni fujima dahilan para mapa dribble muli si takasugi pabalik, napatsk ito at walang choice kundi ihagis pataas ang bola kaya naging alerto sila sakuragi, ezekiel, hanagata at tetsuya. Nang malapit ng makababa ang bola ay sabay sabay na tumalon ang mga ito at nakuha iyon ni hanagata kaya napaatungal ang mga fans ng okaido. Agad na ipinasa ni hanagata kay fujima ang bola mula sa three point line kaya ng mairelease nito ang bola ay tagumpay nitong naipasok ito.





Okaido 11
Shoyo 9



"tsk! Mag focus kayo." Saad ni tetsuya na medyo nakakaramdam na ng irita sa mga kasamahan na mukhang pa easy easy lang.




"Pasensya na captain." Paumanhin ni takasugi




"Tss ano bang nangyari? Bat ganito na?" Gulat na saad ni shintaro




"Kumalma kayo, nag sisimula palang naman ang laro." Saad ni sakuragi na tumingin pa sa score board bago kay fujima na nakatingin din pala sakanya ng seryoso.




"heh! Gumagawa siya ng paraan para makuha ang atensyon ni aki." Bulong ni rukawa ng makatabi nito si sakuragi




"para namang hahayaan ko na mangyari iyon.." saad ni sakuragi bago nagbigay ng makahulugang titig at ngiti.






*****
(a/n: free for today.. sorry sorry!)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon