Chapter 28

305 34 9
                                    

Hawak na ng team shohoku ang bola at gaya ng inaasahan ng lahat, maging ang mga manonood ay mas magiging mahigpit ang pag babantay ng okaido sakanila. Tila ayaw ng mga itong bigyan pa ng pagkakataon na makahabol pa.

pansin din iyon ng mga ibang team, dahil magmula ng magka initan kanina si sakuragi at mitsui ay mas dumoble ang tensyon sa magkabilaang panig.

"Team tayo naman ang pupuntos." Sigaw na saad ni miyagi na mabilis na dinidribble ang bola habang tintignan ang mga kakampi na pwedeng mapasahan.

Wala tuloy ibang mapag pipilian si miyagi kundi ang umatake sa pag babantay ni takasugi. Seryoso lamang din ito habang tinignan ang bawat kilos ng huli.

Nang mag simulang sumugod si miyagi sa depensa ni takasugi, naging hudyat iyon sa ilang mga kakampi upang maging alerto sa gagawin. Nang mabilis na nakapag spin moves si miyagi sa kaliwa, mabilis niya din itong ipinasa patalbog sa direksyon ni akagi.

Nang makuha ni akagi ang bola, drinibble na muna nito iyon bago buong pwersahang nakipag banggaan sa katawan ni captain tetsu.

'Sobrang lakas niya, halos maramdaman ko na ang bigat niya sa buong katawan ko.' Saad ni tetsu sa kanyang sarili na pilit na nakikipag pwersahan kay akagi.

Nang maya maya pa, tumalon ng pagkataas taas si akagi para sa gagawin nitong dunk. At Malaya nga nitong naipasok ang bola, samantalang napaupo naman si tetsu sa lakas ng pwersa nito.

Nang makababa na si akagi sa pagkaka sabit sa ring, tinignan naman nito si tetsu ng may blangko expression.

"pasensya na." Saad ni akagi na iniabot pa ang kamay kay tetsu para tulungan itong makatayo. Samantalang si tetsu naman ay gulat na gulat na nakatingin kay akagi at sa ginawa nitong pag tulong sakanya.

"Salamat akagi." Gulat na anas ni tetsu.

Akala kasi ni tetsu ay katulad din ni mitsui ang ugali ni akagi, ngunit nagkamali siya sa akalang iyon.

Muling nag simula ang laban at hawak hawak na ni rukawa ang bola mukhang may panibago na namang pakulo ang mga okaido team dahil ang nagbabantay ngayon kay akagi ay si sakuragi. Samantalang kay mitsui naman ay si tetsu.

"Ano na naman kayang taktika ang gagawin nila? Bakit nakabantay na si sakuragi kay akagi?" Tanong ni kyota, ngunit wala namang sumagot sa tanong niya dahil nakapokus ang mga ito sa nangyayari sa ibaba.

Sa loob naman ng court, agad na umatake si rukawa  mula sa pag babantay ni shin. Mabilis nitong dinidribble ang bola habang sinasabayan nito ng atake. Sa pangalawang attempt na atake ni rukawa akala ni shin ay ipapasa ni rukawa ang bola dahil sa porma rin ng kamay nito, ngunit hindi iyon ang nangyari dahil mabilis din itong nag dribble pabalik sabay talon para gumawa ng isang jump shot.


napatingin sila sa bolang patungo sa ring ngunit tumalbog lang ito palabas, ganon nalang ang gulat nila ng tumalon si sakuragi ng pagkataas taas na hindi na nasundan pa ni akagi para abutin rin sana ang bola mula sa ere.

"Isang alley oop dunk? Pero... teka maganda naman ang pagkakarelease ni rukawa ng tirang iyon diba at mukhang papasok din ang bola sa ring? P-paanong?" gulat na saad ni jin na napatayo pa sa pagkakaupo.


"Iyon kasi ang pinaniniwalaan nating mga nanunuod, pero kung mapapansin mo ng maigi ang pag release ng bola ni rukawa ay kakaiba kesa sa usual na ginagawa nito noon. Mas mataas nitong naibato ang bola kumpara sa tamang anggulo na ginagawa nito dati. Mas naituon marahil nito ang pwersa sa kanang kamay kesa sa kaliwang sumusurpota lamang.Tsaka napansin iyon siguro ni sakuragi kaya sinave niya ang bola para sa dunk ngunit nag mukhang alley oop dunk."  Pagpapaliwanag ni maki na kinamaang naman ni jin.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon