chapter 79

93 8 1
                                    


Hawak na ng team shoyo ang bola, si minato ang nagpapasok nito habang mahigpit namang binabantayan ng okaido ang mga ito.

"Nakachamba ka lang kanina, sa tingin mo hahayaan ko na makascore ka ulit para sa team mo?" Saad ni fujima kay sakuragi, tumingin si sakuragi sa kanya ng deretso, iyong tingin na mayroong ibig sabihin dahil napansin din agad iyon ni fujima.

"Akala mo ba madadala mo ako sa mga pagbabantang sinabi mo kanina sakin? Hindi ako iyong tipong natatakot dahil lang sa ganon." Sagot ni sakuragi kay fujima

"Kung ganon bakit pinili mo paring lumabas imbes na labanan ako?" Anas ni fujima, hawak na nito ang bola at dinidribble na nito iyon habang dini'depensahan naman ito ng maigi ni sakuragi.

"Dahil gusto kitang hayaan na makahabol ng puntos sa amin, kaso mukhang hindi na ikaw iyong fujima'ng nakaharap ko noon." Saad ni sakuragi na nakapag pagulat kay fujima, dahil kahit ito'y napaisip sa mga ginawa niya noon kumpara ngayon na hirap na hirap siyang habulin ang score.

"Wag kang pasisiguro sa mga sinasabi mo, hanggat hindi pa natatapos ang oras may tyansa pa kaming manalo." Balik na sagot ni fujima na agad namang nag cross over mula sa kanan, nakatakas nga siya mula sa pag babantay ni sakuragi.

Samantalang si sakuragi ay nakangising humarap at agad na hinabol si fujima na nagulat pa dahil naabutan siyang muli ni sakuragi. Pinasa ni fujima ang bola mula sa direksyon ni hanagata na nakuha naman, nagka gitgitan ang katawan hanagata at tetsuya dahil sa pag dedepensa nito. Sinubukang tumalon ni hanagata kasabay ng pag release ng bola para sana sa easy lay up subalit lumabas lamang ang bola sa ring.

tumalon si ezekiel at mahahawakan na sana nito ang bola ng may biglang humawak sa bola gamit lamang ang kaliwang kamay at si sakuragi ito.

"Sakuragi!!" Sigaw ng mga tao at mga nasa bench dahil sa pagkatuwa at pagkagulat na nangyari.

tumingin si sakuragi kay rukawa sabay mabilis na inihagis doon ang bola na sinalo naman ni rukawa ng mapunta sa direksyon nito iyon. Dinidribble na ni rukawa ang bola patungo sa basket nila

"Hindi kita hahayaan na maishoot yan!" Sabay talon ni minato ng makita nitong ititira na ni rukawa ang bola, tumama nga ang bola mula sa gitnang daliri nito kaya ng malapit na ang bola sa ring ay tumalon lang ito mula sa labas ng ring.

Akala ng iba ay wala ng pag asa pang makuha ang bola dahil bukod sa mataas ang bola ay medyo malayo rin ito sa kanilang ring dahil sa pag talbog. Hanggang sa makarinig sila ng malakas na pag tap ng sapatos sa sahig kasabay ng malakas na pagtalon ni sakuragi.

napanganga ang mga manunuod maging ang team shoyo sa nakita dahil lagpas na ang kalahating katawan ni sakuragi mula sa ring ay nagawa pa nitong makuha ang bola.

"woah! Napakataas niyang tumalon." Bulalas ng isang manunuod.

"Hinding hindi ko hahayaan na makapuntos kayong muli fujima, hanggat nandito ako ipapangako kung ako ang mag dadala sa pagkapanalo ng team ko." Sigaw ni sakuragi sabay sigaw ng 'slam dunk'

nangilabutan naman ang mga audience dahil sa sinagaw ni sakuragi, maging ang ryonan, kainan at shohoku team ay napanganga sa labis na paghanga sa ipinakita ni sakuragi. Panibagong galaw na hindi nila nakita noon, kundi ngayon lang mismo sa laro ni sakuragi.

Maluha luhang napatingala si aki sa kisame dahil sa pinaramdam na pagmamahal ni sakuragi sa buong team. Alam ni aki na may plano ito sa twing gagawa ito ng bagay na hindi maiintindihan ng ibang kateam nito.

Hindi alam ni aki na ito pala ang gustong ipakita ni sakuragi, muling nabuksan ang kasabikan ng bawat taong nakakita at nakarinig sa sinabi nito.. hindi basta bastang manlalaro si sakuragi, isa siyang legend na kayang lagpasan ang mga naunang kasaysayang basketbolista.

Si fujima ay nakatingala parin kahit na nakababa na mula sa pagkakabitay sakuragi sa ring, isang hindi makapaniwalang galaw ang muling nakita ng mga manunuod, maraming ring mga cameraman ang nag pokus sa direksyon ni sakuragi, mga flash ng camera.

Sa itaas kung saan ang mga kainan ay hindi na maitikom ang bibig sa pagkamangha sa nakita, si maki na kilalang pinaka numero unong magaling sa pagbabasketball ay nakaramdam ng kakaibang takot at tensyon, namumuo rin ang pawis sa noo nito habang nakatingin kay sakuragi mula sa ibaba.

"Napaka imposible, subalit nagawa iyon ni sakuragi na tila hindi man lang nahirapan. H-hindi ko maexplain ang kakaibang pakiramdam ko ngayon dahil sa nakita, h-halimaw siya.." anas ni jin, napapalunok pa ito maging si nobunaga ay hindi na nagawa pang mag react.



Okaido 36
Shoyo 27

lamang na lamang na ang team okaido, magmula ng muling pumasok si sakuragi sa loob ng court ay tila naging imposible na para kay hanagata at sa ilang member ang makahabol pa, dahil sa twing gagawa sila ng puntos sa kanilang team ay nakukuha rin ni sakuragi pabalik ang bola.



sadyang binuhay ni fujima ang halimaw sa katauhan ni sakuragi na ngayon ay mukhang walang balak na tumigil pa..



'SAKURAGI'


'SAKURAGI'


'SAKURAGI'



sigaw ng mga tao sa loob ng gym, dumadagundong na ang loob ng gym dahil sa lakas ng sigawan at maging ang kani kanilang bottled water na dala ay ipinupukpok na sa railings na nandoon.



"Napaka galing ng ginawa mo sakuragi." Bati ni tetsuya na tinapik pa sa braso si sakuragi.



"Para sa team captain, gagawin ko ang lahat.." malamig at walang kaemo emosyong saad nito bago tumingin kay fujima na nakayuko, as in nakayuko lang ito doon habang naka steady sa kinatatayuan.


Napangisi si sakuragi dahil kahit malayo ang distansya nila ni fujima ay nararamdaman niya ang fujima'ng nakalaban nila noon. Ang fujima'ng isa sa magaling na manlalaro mula sa kanagawa.



"Ginawa mo ba yon para ilabas ni fujima ang nakatago niyang kakayahan?" Tanong ni rukawa kay sakuragi



"Kung hindi ko ito gagawin, baka posibleng matalo tayo sa oras na ilabas niya na ang totoo niyang galing.. hindi ko minamaliit si fujima, ginagalit ko siya para mag seryoso na siya." Saad ni sakuragi, napatingin si rukawa sa direksyon ni fujima ng makita nila itong walang buhay na naglakad mula sa likod ni ezekiel at walang anu ano'y pinalo nito ang pwetan.



ganon din ang ilang member nito, nagulat pa si hanagata sa ginawa nito subalit naiintindihan iyon ni hanagata..




"Gumising kayo, hindi pa tapos ang laban.. hanggat hindi pa nauubos ang oras may pag asa pa tayong makahabol." Sigaw ni fujima, napangisi si sakuragi bago tumalikod.



"Mukhang sa natitirang ilang minuto sa second quarter mag sisimula ang totoong laban sa pagitan naming dalawa." Anas ni sakuragi na narinig naman ni rukawa.





******
(a/n: Enjoy reading! baka later ko po iupdate ang the genius revenge po.. hindi pa po kasi ako natatapos sa gawain ko, busy lang po talaga.. salamat sa walang sawang suporta sa aking story.. godbless you all guys)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon