Chapter Five

397 40 4
                                    

Mabilis na binitawan ni Saph ang kutsilyong nasalo na para bang napaso. Hindi siya makatingin nang direcho sa lalaki kahit na sinusubukan nitong hulihin ang kanyang mga mata.

"Were you trying to kill me?!" Aniya upang doon na mapunta ang atensyon ng lalaki.

"I wasn't." Simpleng tugon nito.

"Really? Should I believe you when you threw a knife behind my back?!" Galit ang tonong ginamit. "After what I did to help you, you tried to hurt me."

"I told you I wasn't."

"But you threw a knife-"

"And you caught it." Putol nito sa kanya. "You caught it without a sweat. Easy, peasy." And then a smirk pops out on his face.

"I got surprised." Iyon ang naisip niyang idahilan.

"You mean you've got some good reflex there, Miss." Kakaiba ang ngiti nito. "That's a nice skill, you know?"

"I don't know, but thanks for informing me." Sarkastiko ang sagot niya. "So, you intentionally threw that knife to test my skill, is that it? Grabe ka naman pala manubok- nakakatakot. That's a life-threatening action and if I didn't have that 'good reflex' then I could have died." Pagbibigay diin pa niya sa salita.

"Yeah, but you didn't." Anito na hindi man lang kakikitaan ng guilt sa mukha.

"You're a dangerous man, Brandt. Everyone should always watch their backs from you. Who knows what you're going to throw next- maybe a bullet hmmm?"

Kunwari ay nag-isip pa ito sa harapan niya.

"Nah!" Sabay iling. "I don't do that. If ever I'm going to shoot someone, I won't point it at their backs. I would point it straight to their faces so I could see their reactions."

Sinubukang makipagtitigan ni Saph sa binata ngunit hindi talaga niya kayang tumagal.

"You're crazy!" Sabay iling at dumako ang tingin sa may bintana. "Lumalakas na naman ang hangin at mukhang babagsak ulit ang malakas na ulan kaya't kailangang maghanda." Pag-iiba niya ng usapan.

"We should strengthen your window cover and put some barricade." Sabay turo sa bintana niya.

Tumango naman si Saph bilang pagsang-ayon at upang maiwala na ang usapin kahit na kating-kati siya na upakan ang binata.

"Ikaw na ang bahala sa mga bintana, ako na ang aakyat sa bubong."

"Aawatin sana kita dahil delikado para sa isang babae ang umakyat sa bubong. But seeing how you caught the knife, I shouldn't argue whether you can do it or not coz I know you'll nail it." Sabay ngisi.

Hindi na lang niya pinansin ang komento ng lalaki at saka dumirecho na sa may kusina para kumuha ng ikang gamit doon na gagamitin bago siya lumabas at pumunta sa may likurang bahagi ng bahay. Walang kahirap-hirap nga niyang naakyat ang bubong at inayos ang mga dapat ayusin. Kaya naman nang muling umulan at humangin ng malakas ay hindi na niya kailangan pang isipin ang sasapitin ng kanyang bahay.

"Anong ginagawa ng isang babaeng tulad mo rito sa isla? Why are you living here alone?" Kapagkuwan ay tanong ng binata.

Pareho lang kasi silang nakaupo sa sala habang nakikinig sa malakas na hampas ng alon sa tabing dagat.

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon